John "Sweet" Lapus on love life: “Sampung taon nang malamig ang Christmas ko.”

John "Sweet" Lapus on eventually finding "the one": “Of course hindi ko naman isinasara ang pintuan, ’di ba? Ayoko naman na, ‘Ayoko ng mag-boyfriend, ayoko na!’ E, kung biglang may manligaw sa akin or uso ngayon ang kasalan, kung yayain akong pakasal? ’Di ba? Choosy pa ba ako?”


Dahil kasama siya sa tatlong episodes ng Shake Rattle & Roll (SRR) XV na “Ahas,” “Ulam,” at “Flight 666,” tinanong namin si John “Sweet” Lapus: kung sakaling nakasakay siya sa isang eroplano at magka-crash na ito, sino ang isang taong nais niyang makasama at bakit?

Sagot niya, “Tutal kasama rin naman siya dito, si Dennis Trillo!”

Nasa “Ulam” episode ng SRR XV si Dennis na noon pa man ay aminado si Sweet na crush niya.

“Siya pa rin talaga,” bulalas ni Sweet.

“Hindi nabago. Bago ako napunta sa GMA, crush ko na si Dennis Trillo.

“Ngayon bumalik na ako sa Kapamilya, Dennis Trillo pa rin ang crush ko. Walang masama, aminado naman ako!

“E, may ganun yata, e. Parang kung sino yung crush mo, iyon talaga e hindi nababago.

“Hindi naman nagbabago ang hitsura ni Dennis. At saka, pag nagkikita naman kami, close pa rin naman kami.

“Nalilibugan pa rin ako sa kanya!”

Kung meron naman siyang artistang aahasin, sino iyon?

“Alam mo parang gusto kong ahasin si Dingdong kay Marian!

“Gusto ko yung sa December 30, yung ’di ba sasabihin ng pari na, ‘Kung sino man ang gustong tumutol?’

“Yung nakaitim ako sa likod, ‘Ako po!’

“Bongga yun, ’di ba?” natatawa niyang pahayag.

Ikakasal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, parehong kaibigan ni Sweet, sa December 30.

“Of course kaya ko naman isinagot yun kasi inggit na inggit ako kay Marian na, you know, napaka-gentleman ng kanyang mister, na deserved din naman ng kaibigan kong si Marian.

“Sana magkaroon din ako ng Dingdong in the future!”

Sa anong ulam naman niya maikukumpara si Dennis?

“Si Dennis Trillo ay parang favorite Filipino food ko na adobo.

“Si Dennis Trillo habang tumatagal, lalong sumasarap!

“’Di ba ang adobo parang wine? Mas luma ang adobo mas masarap,” saad niya.

Saang ulam naman niya maihahambing si Dingdong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Dingdong Dantes siguro parang ano, igado!

“Yung bihi-bihira mong makain pero pag kinain mo, pagkasarap-sarap,” at bumunghalit ng tawa si Sweet.

“Bongga yung mga sagot ko, ha!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sweet noong Martes, December 16, sa presscon ng SRR XV sa Imperial Palace Suites sa may Timog Rotonda, Tomas Morato Ave., Q.C.

Tatlo ang direktor ng Shake Rattle & Roll XV: sina Dondon Santos (“Ahas”), Jerrold Tarog (“Ulam”) at Percival Intalan (“Flight 666”). Ipapalabas ito sa December 25 bilang isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival.

LOVE LIFE. Napadako naman ang usapan tungkol sa love life. Madalas din kasi na ito ang topic kapa iniinterbyu ang kapwa niya komedyante at host na si Vice Ganda.

Pero si Sweet ay tila tahimik ang personal na buhay.

“E, kasi kumota [quota] na ako. Maliban sa mas matanda naman ako kay Vice,” sabi niya.

Walang napabalitang lalaking na-link sa kanya.

Paliwanag nito, “Kasi siguro hindi naman basketball player yung mga nagiging dyowa ko, so hindi sikat, number one.

“Number two, hindi naman ako Superstar katulad ni Vice na people would actually care kung meron ba akong love life o wala.

“In the past, inaamin ko naman sa inyo na may dyowa ako, kung meron o wala.

“Ngayon po wala! Huli po akong nagka-dyowa ten years ago pa.

“...Pangatlo, kasi, parang feeling ko, nakatatlo na ako, strike three na yun, ’di ba?

“Iyon ang feeling ko sa sarili ko. Na nakatatlo na ako e ’di out na.”

May kasabihan na ’bad luck comes in threes,’ paano kung sa pang-apat pala siya susuwertihin?

“Of course hindi ko naman isinasara ang pintuan, ’di ba? Ayoko naman na, ‘Ayoko ng mag-boyfriend, ayoko na!’

“E, kung biglang may manligaw sa akin or uso ngayon ang kasalan, kung yayain akong pakasal? ’Di ba?

“Choosy pa ba ako?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala lang talaga. Nami-miss ko rin, minsan ’pag sa gabi mag-isa ka lang, malamig, ’di ba? Or may pagka-inggitera ako, ’pag nakikita ko yung mga kaibigan ko, may mga dyowa, ako wala.

“Yung, ’Buti pa sila, ako sampung taon nang malamig ang Christmas ko,’” medyo malungkot niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN