Vina Morales on Robin Padilla: “Love ko pa rin si Robin.”

Vina Morales on Bonifacio leading man Robin Padilla: “Hindi naman nawala yung pag-love ko sa kanya. First love never dies daw.”


Pinatotohanan ni Vina Morales ang kuwento ni Robin Padilla, ang dating boyfriend at ngayo’y leading man niya sa kanilang 2014 Metro Manila Film Festival entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Hindi kasi itinago ni Robin kung paano siya naging sobrang bilib sa dating girlfriend sa pag-aasikaso nito sa anak.

“Natuwa nga rin ako,” masayang sabi naman ni Vina nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa naging presscon ng Bonifacio sa Plaza Ibarra, Quezon City noong December 16.

Ayon pa kay Vina, “Siguro nanibago siya dahil bago kami nagkita ulit, hindi naman niya ko nakikita na kasama ko ang anak ko.

“Siyempre ang alam niya, ako yung kabataan noon na, ’Hi Robin,’ masyadong in-love kay Robin.

“Yun lang siguro ang nakikita niya noon. Pero noong nagsu-shooting na kami, grabe ang titig niya.

“Inaalagaan ko, pinapakain ko ang anak ko, binibigyan ko ng gamot. Naka-ganun lang siya, nakatitig.

“Sobrang tagal na ng pag-aasikaso ko sa anak ko. Biglang pagtingin ko sa kanya, ’O, bakit ganyan kang makatitig?’ Sabi niya, ’Oh my God, iba ka na talaga. Mommy ka na. You have a daughter.’”

Noon kasi, ayon kay Vina, ang alam lang sa kanya ni Robin ay mahal siya nito.

Ngayon ba, mahal pa rin niya ang ex-boyfriend?

Natawa namang sagot ni Vina, “Love ko pa rin si Robin. Hindi naman nawala yung pag-love ko sa kanya. First love never dies daw.”

ON MARIEL. Tagahanga raw niya ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez. Masaya raw ito na sila ang magkatambal sa Bonifacio ngayon.

Anong masasabi niya sa naging pahayag ni Robin na yun tungkol kay Mariel?

Sabi ni Vina, “Actually, to me, nakakatuwang pakinggan yun. I was never close to Mariel.

“When we see each other, we say hi and hello, but we never had a chance kasi to talk. But that’s nice of her na ganun nga ang sinasabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, our friendship, kami ni Robin ngayon, iba na ang level. Nag-level-up na to a different situation.”

LIKING THE “NEW” ROBIN. Mas gusto ba niya ang Robin na nakikilala niya ngayon?

“Actually yes, kung dati pa ‘yan, iba yung kung paano mo siya sakyan sa attitude niya.

“Ngayon kasi, napaka-smooth-sailing ng aming set. Walang naging problema, walang awayan na nangyari kaya alam mo, para sa akin, mas gusto ko yung ganitong Robin ngayon.”

LOVELIFE. Pagdating sa personal niyang buhay, kumusta na nga ba ang buhay-pag-ibig niya?

“Ganun pa rin,” nakangiti niyang sabi.

“Minsan, lumalabas ako, I see few people.

“Pero never pa sa stage na I’ll be very serious, na commitment, wala pa.

“Gusto ko na siyempre, pero hindi pa rin ako... ayoko lang na gusto mong magkarelasyon, ganun-ganon na lang.

“Kailangan mong pag-isipan ng maigi, especially now that I have Ceana in my life.”

ONE OF MANY. Biro lang o may bahid man ng katotohanan, nagpahayag ni Robin sa presscon na bilang Muslim ay puwede daw mag-asawa siya ng higit sa isa.

Depende raw kung “open” si Vina sa bagay na yun.

Kinabahan ba si Vina nang biglang nag-litanya ng ganun si Robin?

“Oo naman, sino ba ang hindi kakabahan dun?” natawa niyang sabi.

Nakita ba niya ang sarili sa sitwasyon na sinasabi ni Robin?

“Mahirap yatang pumasok sa ganung sitwasyon, baka dugo na ang iiyakin ko,” natatawa na lang niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN