Robin Padilla on possibility of rekindling romance with Vina Morales: “Kung anuman ang mabuo sa amin ngayon, amin yun.”

Robin Padilla on the possibility of rekindling romance with Bonifacio leading lady and ex-girlfriend Vina Morales: “Hindi na, matanda na kami para mag-isip pa ng ganun. Masaya ako kay Mariel at alam ni Vina na masaya ako kay Mariel.”


Humanga raw si Robin Padilla sa dating girlfriend na si Vina Morales sa pag-alaga nito sa anak na si Ceana.

Si Vina ang leading lady ni Robin sa 2014 Metro Manila Film Festival entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Kuwento ni Robin noong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula sa Plaza Ibarra, Quezon City noong December 16, “Noong nagsu-shooting kami, dala niya ang anak niya.

“Personal niyang inaalagaan ang anak niya, at personal yung relationship niya sa anak niya... hindi yung utos sa yaya.

“Alam mong meron siyang sarili, yung boses niya pinapakinggan ng anak niya.

“Nagkataon pang may sakit ang anak niya. Nakita ko talaga, natuwa nga ako.

“Hindi nga niya alam na tinitingnan ko siya. Piniktyuran ko pa nga. Hindi ako nakatiis.”

Ayon kay Vina, si Robin daw ang kanyang first love. May kasabihang, "First love never dies."

Masarap bang pakinggan galing kay Vina ang katagang yun?

Pag-amin ni Binoe, “Siyempre, siyempre, bilang lalaki masarap pakinggan yun.”

WHAT IF? Ngayong nagkasama silang muli at nakikita kung paano na ang isa’t isa ngayon, sumagi rin ba sa isip nila yung “Paano kaya kung naging kami?”

“Hindi na, matanda na kami para mag-isip pa ng ganun. Masaya ako kay Mariel at alam ni Vina na masaya ako kay Mariel.

“Kung anuman ang mabuo sa amin ngayon, amin yun. Naks!” natatawang biro pa niya.

THE MORE THE MERRIER? Nabanggit din ni Robin na bilang isang Muslim, puwede naman siyang magkaroon ng higit sa isang asawa. Ito ay depende at kung ang bagay na ito ay bukas sa pagtanggap ni Vina.

Seryoso ba siya sa mga kataggang binitawan niya?

“Unang-una, yung opinion ko kanina, very general yun.

“Baka naman isipin ng mga tao ang Islam puro pag-aasawa lang nang marami. Maraming guidelines yun.

“Nasabi ko lang yun, pero hindi ko problema yun kung ako ay umibig o ano, hindi ko magiging problema yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit kay Mariel, hindi magiging problema yun?

“Kay Mariel, alam niyang Muslim ako. Hindi naman niya inaalis yun.

“At mulat naman siya sa katuruan ng Islam. Pero panatag si Mariel na ngayon, siya lang ang nasa buhay ko at wala nang iba.”

BABY PLANS DEFERRED. Sabi nga niya, humanga siya kay Vina kung paano ito maging isang ina.

May balak ba silang magka-baby ni Mariel?

Sabi naman ni Robin, “Ako ang baby! I’m the baby damulag,” biro niya.

Wala pa ba silang plano?

Paliwanag niya, “Hindi sa walang plano. Gusto namin, kaya lang, nakikita niya kasi na hindi pa ko tapos sa mga anak ko ngayon. Nakikita niyang may dalawa pang nag-aaral.”

Pagkatapos mag-aral ng mga anak, saka pa lang sila magpa-planong magka-anak?

“Doon pa lang kami magbe-baby. Hindi naman siguro kailangang graduate ng college, pero maitawid lang hanggang high school,” dagdag pa niya.

MARIEL’S TRUST. Sa presscon proper, nabanggit ni Robin na paborito raw ng misis niya ang ex-girlfriend na si Vina.

Paano lumabas sa pag-uusap nila ni Mariel yun?

“Siya ang may sabi,” lahad naman ni Robin.

“Katulad noong Maalaala Mo Kaya, siya ang gumawa ng paraan noon para makuha si Vina.

“Nag-pack-up pa ng taping noon kasi, ang gusto niya si Vina. E, itong Andres Bonifacio, itong pelikulang ito, noong sinabi ko sa kanyang Vina, tuwang-tuwa siya, e.”

Walang bang “kaba” o “selos” si Mariel dahil naging malaking bahagi ng buhay pag-ibig niya noon si Vina?

“May tiwala sa akin si Mariel at may tiwala siya kay Vina,” pangwakas niyang deklara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN