Bianca Umali on being touted as the next Marian Rivera: “Gusto ko rin pong magkaroon ng sarili kong title.”

Despite reports that she could be the next Marian Rivera, Bianca Umali prefers to carve her own niche in showbiz: “Very thankful po na they see me as the next Marian. Pero somehow gusto ko rin pong magkaroon ng sarili ko pong title, yung kumbaga, as ako po, yung wala pong sinusundan na footsteps.”


Marami ang nagsasabing isa si Bianca Umali sa maaaring sumunod sa mga yapak ni Marian Rivera.

Maganda, marunong umarte at sumayaw, at sa edad na 14 anyos ay kinakikitaan na ng potensyal si Bianca na maaaring humalili sa trono ng Primetime Queen in the near future.

Ano ang masasabi ni Bianca tungkol dito?

“Ahm, unang-una po, very ano e, overwhelming po kasi iyon nga po, maliban nga po dun sa sinasabi n’yo na isa po ako sa kinu-consider as the next Marian...

“E, parang ano po e, maliban po sa medyo may pressure, ang sarap po ng feeling na ganun po yung expectation nila sa akin.

“Na mala-Marian Rivera po yung level,” mapagkumbaba niyang pahayag.

CARVING HER OWN NICHE. May paghahanda ba siyang ginagawa para maibigay niya ang inaasahan sa kanya ng publiko?

“Well, actually, as of now po, wala po akong masyadong preparation.

“As long as masaya lang po ako sa ginagawa ko and siguro po, very thankful po na they see me as the next Marian.

“Pero somehow, gusto ko rin pong magkaroon ng sarili kong title, kumbaga, as ako po, yung wala pong sinusundan na footsteps.”

Si Marian ay nag-Dyesebel dati. Kung bibigyan ng pagkakaton ay kaya rin daw gawin iyon ni Bianca.

Aniya, “Opo, for work po, yes.”

Naging FHM cover girl rin si Marian. Pagdating niya sa tamang edad, kaya bang gawin ito ni Bianca?

“Iyon po ang hindi ko po alam pa,” at natawa si Bianca.

Nakausap namin si Bianca kahapon, December 19, sa presscon ng Once Upon A Kiss sa GMA Network Center.

Mapapanood ito simula January 5 pagkatapos ng 24 Oras, pinagbibidahan ito nina Bianca (bilang Ella Rodrigo) at Miguel Tanfelix (bilang Prince Pelaez), sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Nasa programa rin sina Manilyn Reynes bilang Aurora Rodrigo, Michael de Mesa bilang Enrique Pelaez, Gabby Eigenmann bilang Father Phillip Madasalin, Nova Villa bilang Adela Rodrigo, Keempee de Leon bilang Jimmy Rodrigo, Tessie Tomas bilang Merida Almario, Al Tantay bilang Pedring Servando, at Maricar de Mesa bilang Ursula Salazar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama din si Cris Villanueva bilang Eric Almario, Frank Magalona bilang Hans Peligro, Betong Sumaya bilang Sebastian Poblador, Eunice Lagusad bilang Melody, Miggy Jimenez bilang Mickey Abueva, Cai Cortez bilang Fiona Alegre, Sabrina Man bilang Wendy Salazar, Mariel Pamintuan bilang Athena Pelaez, at si Mylene Dizon bilang Giselle Pelaez Almario.

HANDLING BASHERS. Samantala, napag-alaman namin na may mga bashers din si Bianca tulad ng ibang celebrity.

“Meron na po, actually. Meron pong account online na Anti-Bianca Umali,” ang natatawang sabi ng dalaga.

Kaya naman daw niyang i-handle ang mga ito.

“Hindi ko na po binabasa yung tweets, e. Pati mga posts sa Facebook.

“Hindi ko na po sila pinapansin, hindi ko rin naman po mababago yung isip nila and wala rin po akong kailangang i-prove, o wala rin po akong kailangang i-explain.

“As long as yun nga po, masaya ako sa ginagawa ko and nagwu-work ako and happy naman yung life ko, bahala na lang sila.

“It’s their problem, not mine!”

CHRISTMAS WITH FAMILY. Samantala, ngayong Pasko, tradisyonal ang selebrasyon nina Bianca at ng kanyang pamilya.

“Sa bahay lang po, [December] 25 po kami nagse-celebrate. Pero nakaabang na po kami ng [December] 24 until midnight.”

Hindi sila nag-a-out-of-town?

“Depende po kung meron po silang biglaang plano.

“Tapos iyon po, may food, and then kumpleto, may exchange gifts po kami,” lahad pa niya.

May Christmas gift na ba siya para sa kanyang ka-loveteam na si Miguel Tanfelix?

“Secret!” ang sagot niya nang tanungin namin ito.

CHRISTMAS WISH. Siya naman daw ay walang material gift na nais matanggap.

“Si Miguel nga po tanong siya nang tanong sa akin kung ano raw po ang gusto ko for Christmas.

“Wala po, actually. Wala na po akong mahihiling pa kasi okay na po ako because I’m blessed po,” muli niyang pag-amin.

Ang wish lang niya ngayong Pasko ay blessings para sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit lahat po ng blessings mapunta na sa kanila, okay lang po ako,” hiling pa ng Kapuso actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN