Miguel Tanfelix flattered he’s being groomed as the next Dingdong Dantes

Miguel Tanfelix on being groomed as the next Dingdong Dantes: “Ang saya sigurong dumating sa point na kagaya nila, kaya i-enjoy po namin yung kumbaga parang hagdan papunta doon.”


Ginu-groom ng GMA-7 si Miguel Tanfelix bilang “next leading man,” kaya hindi malayong sundan niya ang mga yapak ng paborito niyang si Dingdong Dantes.

Dahil guwapo rin at mahusay sumayaw, hindi malayong maging prime leading man si Miguel ng Kapuso Network.

“Wow! Ang reaksyon ko po dun, wow! Ganun. Wow naman!” at tumawa si Miguel.

Narinig na rin daw ni Miguel ang ganoong pagkukumpara sa kanila ni Dingdong.

Pag-amin niya, “Sa mga Twitter, marami pong nagsasabi na, ‘Ay sila, next na,’ ganyan-ganyan.”

Ang ka-loveteam naman niyang si Bianca Umali ang sinasabing the next Marian Rivera.

“Siyempre, ako po, kasi ibang level na ang narating nila Sir Dingdong and Miss Marian Rivera kaya mapapa-wow ka talaga. Wow talaga!” ulit niya.

WORKING HIS WAY TO THE TOP. May pressure ba ang ganitong expectations?

“Okay lang, may pressure, konti lang.

“Pero kasi naman, ang saya sigurong dumating sa point na kagaya nila, kaya i-enjoy po namin yung kumbaga parang hagdan papunta doon.”

Hindi pa raw nakakatrabaho ni Miguel si Dingdong.

“Nakakasama ko lang po siya sa mga events ng GMA and sa Tacloban, kasama ko po siya doon,” pagtukoy ni Miguel sa isa sa mga outreach programs ng GMA sa typhoon victims.

At dahil idolo nga niya ang Primetime King ay ikinatutuwa ni Miguel na ikakasal na sina Marian at Dingdong.

Pagsang-ayon niya, “Yes naman po! Alam ko naman pong masaya sila sa piling ng isa’t isa.

“Naks!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa presscon kahapon, December 19 ng Once Upon A Kiss sa GMA Network Centre.

Ipapalabas na sa January 5 ang serye, pagkatapos ng 24 Oras. Pinagbibidahan ito ni Miguel (bilang Prince Pelaez) at Bianca (bilang Ella Rodrigo). Ito ay sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

PREPARING FOR HIS ROLE. Paano siya naghanda sa kanyang papel para tuluyan na niyang iwan ang kanyang karakter dati sa Niño?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano pa lang, pagkatapos pa lang ng Niño, parang goodbye na agad ako sa role na yun. Kasi mahirap naman kung dala-dala mo pa rin yun.

“Dapat maiwanan mo yung role dun sa Barangay Pag-asa,” pagtukoy ni Miguel sa lugar na setting ng Niño.

“Maiiwanan mo na yun,” lahad niya.

Mayamang binata ang role ni Miguel sa Once Upon A Kiss.

Wala naman daw siyang pinanood para gawing peg sa pagganap bilang si Prince.

“Sa acting coach namin, kay Direk Joyce, sa suporta po nila. Nag-workshop din po kami, parang role analysis po,” kuwento pa niya.

Nasa programa rin sina Manilyn Reynes bilang Aurora Rodrigo, Michael de Mesa bilang Enrique Pelaez, Gabby Eigenmann bilang Father Phillip Madasalin, Nova Villa bilang Adela Rodrigo, Keempee de Leon bilang Jimmy Rodrigo, Tessie Tomas bilang Merida Almario, Al Tantay bilang Pedring Servando, at Maricar de Mesa bilang Ursula Salazar.

Kasama din si Cris Villanueva bilang Eric Almario, Frank Magalona bilang Hans Peligro, Betong Sumaya bilang Sebastian Poblador, Eunice Lagusad bilang Melody, Miggy Jimenez bilang Mickey Abueva, Cai Cortez bilang Fiona Alegre, Sabrina Man bilang Wendy Salazar, Mariel Pamintuan bilang Athena Pelaez, at si Mylene Dizon bilang Giselle Pelaez Almario.

GIFT FOR BIANCA. Sa Pasko ay may nakahanda ng regalo si Bianca kay Miguel ngunit ayaw sabihin ni Bianca kung ano iyon.

Si Miguel ba ay meron na ring regalo para sa kanyang ka-loveteam?

Aniya, “Meron po, meron. Pero secret din. Mamaya, after po nitong presscon bibilhin ko na. Pero may naisip na ako.”

CHRISTMAS WISH. Kung meron siyang nais na matanggap na regalo ngayong Christmas, ano iyon?

Sabi ni Miguel, “Gusto ko ng aso, e! Labrador po na chocolate brown.”

May alaga raw siyang aso dati, ang Shih Tzu na si Hermes, pero namatay ito matapos magkasakit.

“Kaya gusto ko pong magka-aso,” hiling ng fast-rising Kapuso star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN