Alonzo Muhlach doesn’t want to attend Dingdong and Marian’s wedding: “If I’m going to his wedding, I’m going to cry.”

Alonzo Muhlach (shown with dad Niño) proudly says he’s trending. Does he know what trending means? "I don’t know," he replies and adds, “You know, when you’re an artista, you will get a lot of fans.”


Sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at ang Papa raw niya na si Niño Muhlach ang mga paboritong artista ng bagong “child wonder” na si Alonzo Muhlach.

Ito ang kanyang pahayag nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press sa nakaraang grand presscon ng pelikulang My Big Bossing sa Annabel’s Restaurant, T. Morato Ave., Q.C. noong December 17.

Apat na taon pa lang si Alonzo, pero bibong-bibo na ito at gusto raw talaga niyang mag-artista.

Bakit gusto niyang mag-artista?

“Kasi po, if you’re an actor you’ll get lots of money,” tugon niya.

What will you do with your money?

“Buy,” mabilis niyang sagot.

Anong bibilhin niya sa pera niya?

“Sometimes I will use my money. But everyone can use it. Even Mama, my yaya, even my parents. Even Papa.

“And I will buy toys,” sabi pa niya.

TRENDING. Ayon kay Niño, hindi pa niya naranasan ang mag-trending. Pero ang anak niya, nagti-trending na.

“I’m making trending,” pagmamalaki ni Alonzo.

Alam ba niya kung ano ang trending?

“I don’t know,” sagot naman niya na ikinatawa ng lahat.

At saka niya idinugtong na, “You know, when you’re an artista, you will get a lot of fans.”

Marami na ba siyang fans?

Aniya, “Everyone is taking picture!”

Ano ang tawag sa kanya ng mga fans?

“E kasi, doon sa stage, sa The Ryzza Mae Show, they call me Alfonso. They say, ’Alfonso, Alfonso.’ But they call me idol.”

RYZZA MAE. Excited na raw siyang mapanood ang pelikula niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na My Big Bossing, kasama sina Ryzza Mae at Bossing Vic.

Magaling ba siya sa pelikula?

“Ako si Prinsipe Vladimir. Mabait po siya. Kasi po, si Papa po, bad guy siya sa My Big Bossing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabait ba si Ryzza?

“Opo.”

Maganda ba si Ryzza?

“Opo.”

Crush niya ba si Ryzza?

“Kaso, Alonzo said to Ryzza, kinikilig ka naman sa akin.”

E, siya ba, kinikilig din kay Ryzza?

“Yes!” natawang sagot niya.

Pero idinugtong nito na, “Kaso, I have Ryzza as a friend.”

Biro naman namin kay Alonzo, hindi ba niya puwedeng maging girlfriend si Ryzza?

“E kasi po, kapag big boy na, ’tapos meron na kong girlfriend, ’tapos married na.

“Even my kuya has a girlfriend and her name is Charity! But, I don’t like to get married,” lahad niya.

Bakit ayaw niyang magpakasal?

“I’m scared! I don’t like to get married,” ulit pa niya.

CHRISTMAS GIFT WISH. Ngayong Pasko, ano ang gusto niyang regalo?

“Kasi, doon sa wish list ko, Big Hero 6. But everyone is buying Baymax, kaya ubos na, Pero sa wish list ko, Baymax talaga,” tila nalungkot niyang pahayag.

Biro naman namin kay Alonzo, sinabi lang sa kanya ng papa niya yun pero, marami pa talaga sa mall.

Natatawang sabi naman ni Niño, “Every day, nagpapabili ‘yan ng toy.”

Kaya sabi ni Alonzo sa papa niya, “You’re joking me Papa, ha!”

Naniniwala ba siya sa Santa Claus?

“Santa’s real!” saad niya.

Mabait ba si Bossing Vic sa kanya?

“Opo."

DINGDONG-MARIAN WEDDING. Ninong ni Alonzo ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na bida rin sa MMFF entry na Kubot: The Aswang Chronicles.

Pero hindi raw siya pupunta sa kasal nina Dingdong at Marian Rivera.

Katuwiran niya, “I’m not going to his wedding. If I’m going to his wedding, I’m going to cry.”

Bakit siya iiyak?

“E, kasal na sila, so I’m going to cry.”

Ayaw daw ni Alonzo pumunta sa kasal dahil ayaw daw nito ng salitang “marriage.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN