Bianca Umali clueless about bashers: “Wala po kaming tinatapakan na ibang tao, wala po kaming kaaway.”

Bianca Umali on BiaMi bashers: “Nalungkot po ako kasi bakit nila kailangan pang gawin iyon? Yung mag-effort talaga sila na i-bash kami ni Miguel [Tanfelix]. Kaya natuto na po ako na dedmahin na lang.”


Hindi maitatago ng Kapuso young star na si Bianca Umali ang kanyang kaba dahil malaki ang inaasahan sa loveteam nila ni Miguel Tanfelix.

Full blast na ang pag-launch sa tambalan nila sa pamamagitan ng bagong GMA primetime teleserye, Once Upon A Kiss.

Dito na nga raw malalaman kung tunay ngang tanggap na ng publiko ang tambalang BiaMi na nagsimula sa teleserye na Niño at sa sitcom na Ismol Family.

Sa panayam namin kay Bianca sa press launch ng Once Upon A Kiss noong December 19 sa GMA Annex Building, sinabi nga nito na ramdam na niya ang kaba dahil malaking project ang pinagkatiwala sa kanila ni Miguel. Sana ay suportahan daw sila ng kanilang mga fans, tulad sa pagsuporta sa kanila sa Niño.

“Lagi naman pong may kaba ako tuwing may ginagawa akong project with GMA-7," ang sabi ni Bianca.

“Sabi nga po nila, kapag hindi ka na kinakabahan, ibig sabihin ay wala na yung drive mo sa trabaho.

“E, ako po, laging gusto ko pong maayos at nasa lugar ang pagtrabaho ko. Kaya heto may kaba po talaga,” ngiti pa niya.

GOING UP AGAINST KATHNIEL. Isa ba sa ikinakakaba ni Bianca ay ang posibilidad na itapat ang tambalan nila ni Miguel na BiaMi sa number one loveteam ng ABS-CBN na KathNiel nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?

Balita kasing baka magkatapat ang Once Upon A Kiss at ang remake ng Pangako Sa ‘Yo.

“Opo naman. Talagang nandoon po ang matinding kaba naming lahat.

“Pero malaki naman po ang paniniwala namin sa ginagawa naming project ngayon ni Miguel.

“Ipapakita na lang po namin na kaabang-abang ang Once Upon A Kiss.

“At talaga naman pong number one loveteam ang KathNiel. Hindi po kami nakikipag-compete with them. Mas nauna po talaga sila at nagsisimula pa lang ang BiaMi.

“’Tsaka ang gagaling po ng mga kasama naming mga artista tulad nila Mylene Dizon, Manilyn Reynes, Al Tantay, Keempee de Leon at marami pong iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sama-sama po kaming nagdarasal na maging maganda ang resulta ng Once Upon A Kiss kapag nagsimula na po ito sa January 5, 2015.

“Ito nga po ang New Year’s gift namin sa aming mga fans ni Miguel,” diin pa ni Bianca.

DEALING WITH BASHERS. Ngayong nabigyan na nga ng pagkakataon na maging bida si Bianca, natutuwa siya sa lumalaking fan base niya at sa loveteam nila ni Miguel.

Pero hindi rin daw nawawala ang mga bashers at haters. Kinuwento nga ni Bianca na may nag-create pa nga raw ng isang account para lang i-bash at i-hate siya at si Miguel.

“Noong una po, masakit kasi gusto lang po naming magtrabaho ni Miguel. Wala po kaming tinatapakan na ibang tao, wala po kaming kaaway.

“Nagugulat na lang po kami na may mga ganyan.

“Noong may magsabi nga sa amin na may isang social media account na ang ginagawa lang ay ang i-bash ang BiaMi, nalungkot po ako kasi bakit nila kailangan pang gawin iyon? Yung mag-effort talaga sila na i-bash kami ni Miguel.

“Kaya natuto na po ako na dedmahin na lang. Hindi na lang namin binabasa at bina-block na lang namin sila.

“Alam ko po na hindi maganda na gawin iyon, pero ayaw din po naming maapektuhan ang work namin ni Miguel.

“Kapag kasi sinagot mo pa sila para lang mag-explain, baka masamain pa nila. Hahaba pa ‘yon kaya better na huwag na lang.

“Basta po kami ni Miguel, we are doing our best dahil pinagkatiwalaan po kami ng Kapuso network sa project na ito.

“Wish lang namin na kahit mga bashers and haters namin ay subukan lang na panoorin ang Once Upon A Kiss,” sabay ngiti pa ni Bianca.

CHRISTMAS TRADITION. Ngayong Pasko ay simple lang daw ang selebrasyon nilang mag-anak. Wala naman daw mababago sa nakasanayan na nila.

“The usual food sa Noche Buena naman po ang handa namin. Siguro po may madadagdag lang dahil maganda po ang mga blessings natin this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas marami lang po akong mareregaluhan ngayon! Mag-share po ako ng blessings ko ngayong Pasko,” sabay tawa niya.

GIFT FOR MIGUEL. May nabili na ba siyang Christmas gift para kay Miguel?

Tugon niya, “Meron na po. Pero secret po dahil baka ma-spoil ang surprise ko for him.

“Ni-research ko po ang gift na ‘yon. Gusto ko kasi na iyon ang gusto niyang matanggap on Christmas.”

Alam din kaya ni Miguel kung ano ang gusto niya for Christmas?

“Ay hindi ko po alam... sana po alam niya!” tawa pa niya.

“Kahit naman siguro ano ang iregalo ni Miguel, okey lang dahil kilala naman niya ako at sa araw-araw na magkasama kami, gets na niya kung ano ang mga favorites ko,” pahabol pa ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN