Sancho delas Alas not banking on mom’s popularity: “Start po ako from stratch.”

Sancho delas Alas, who wants to continue the acting legacy of his dad Rey Malte, recently signed a contract with GMA. But he says, “Hindi pa po ako officially na artista talaga. So I’m still trying to get into showbiz.”


Pumirma na si Sancho delas Alas bilang isa sa mga baguhang talents ng GMA Artist Center.

Kasama niya ang kanyang ina na si Ai-Ai delas Alas sa contract-signing na naganap sa GMA Network Center noong December 18.

Nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sancho sa kanilang bahay sa Ayala Hillside, Quezon City, ilang araw bago siya pumirma sa Kapuso network.

Kinumusta namin ang pakiramdam niya ngayong tuluy-tuloy na ang kanyang pagiging isang artista.

Nakangiting bungad ni Sancho, “Start po ako from stratch. Para po akong mag-i-school muli.

“Like, workshops for three months, at kung nakikita nila na nag-i-improve ako sa acting, that’s the time na ika-cast po nila ako.

“Not even to put me in a project, kumbaga, chance lang na mai-cast.

“Hindi pa po ako officially na artista talaga.

“So I’m still trying to get into showbiz.”

Handa na rin daw siya sa magiging expectation sa kanya ng publiko, lalo na’t isang malaking pangalan ang kanyang ina sa local showbiz.

Aniya, “Hindi ko naman siya kinu-consider, I mean...

“Hindi ko na po siya maiaalis sa akin na nakakabit na po dahil anak ako ni Mama pero, as much as possible, nasa baba pa rin ako.

“Hindi ko iniisip na may pangalan ang nanay ko.

“Kumbaga, kasabay ko yung mga nagsisimula din. From scratch, sabay-sabay tayo kung saan man gusto nating marating.”


CONTINUING DAD’S LEGACY. Marami namang mga anak ng artista na pumapasok din sa showbiz.

Saad ng 24-year-old newbie actor, “Kumbaga, sa kusina, kasi yun ang natapos ko [Culinary Arts], gusto ko munang mag-try ng ibang field.

“Kasi, both my parents are good actors.

“Kaya, ba’t nga ba hindi ko i-try? Kaya nga din naisip ko yun, at ginawa ko siyang option.”

Si Sancho ay anak ni Ai-Ai sa dating theater actor na si Rey Malte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na rin ba siya sa mga intrigang ipupukol sa kanya? Tulad na lang ng pagkakabulgar sa pangalan ng kanyang ama?

Aniya, “Opo, at saka, hindi rin kami kasi nagkakausap ngayon ni Papa, e.

“Noong araw, isa siya sa sikat na theater actor

“Nakilala ko si Papa, nine years old na ako, e.”

Dahil nga napag-usapan ang tungkol sa kanyang ama, dito na napako ang kuwentuhan namin.

Rebelasyon ni Sancho, “Close kasi ako sa mga kapatid ko sa kanya.

“Nung time na nagkita kami nung nine years old ako, the next time na nagkita kami ay ano, nung 14 na ako.

“’Tapos nung sumunod na nagkita kami, kapatid ko na [sa ama] ang naghanap sa akin, not my dad.”

Kumusta naman ang pagkikita nilang magkapatid.

Sabi niya, “Okey naman po.

“Malalaki na rin po yung mga kapatid ko sa kanya, ako ang bunso sa kanila.”

Hindi raw alam ng kanyang ama na magsu-showbiz siya.

Kuwento pa ng panganay ni Ai-Ai, “Actually, hindi ko pa nga nasabi sa kanya.

“Parang gusto kong... like sa Culinary, si Mama po kasi, ang nag-start nun.

“Gusto niya ng restaurant business na itatayo niya, parang hindi niya naituloy ang kanyang culinary [course], so ako po ang nagtuloy.

“And parang nabanggit sa akin ni Mama na si Papa ay isang frustrated actor, hindi siya nakatawid sa telebisyon.

“So feeling ko, since ang ginagawa ko ay... feeling ko ay ako na rin ang tutuloy sa kanyang dating ginagawa.

“So yun po ang vision ko, kung bakit ako nandito.”

MOM’S BIGGEST DEFENDER. Siya pa rin daw ang number one na tagapagtanggol ng kanyang ina sa mga detractors nito, kahit sabihin pang nasa showbiz na rin siya.

Aniya, “Oo, nakipag-sagutan nga ako sa Facebook dahil meron ngang lumabas na article na yun nga, pupunta nga si Mama sa States dahil parang immigrant na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga tao ngang nag-comment na, ’Dun ka na lang,’ ganyan.

“Kumbaga, ’di ko naman po talaga dapat sasagutin, kundi may ibang comments lang na, hindi naman sa nakakapikon, kumbaga, ang shallow.

“Kumbaga, para mapahiya ka sa sinabi mo kasi, unang-una, hindi mo naman kilala kami, e.

“Wala ka namang ideya kung ano ang nangyayari sa amin.

“Alam ko naman na opinyon nila yun.

"Ako naman, pinuprotektahan ko lang naman si Mama kasi, ako lang naman talaga ang nakakaalam at nakakakita ng lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN