Bianca Umali admits "kilig moments" with loveteam-partner Miguel Tanfelix

Bianca Umali on her "kilig moments" with loveteam-partner Miguel Tanfelix: “Siguro po, sa everyday doings po namin. Araw-araw kaming magkasama and then, yun nga po, kilala na niya ’ko at kilala ko rin siya.”


Kung ang Kapuso teen star na si Bianca Umali ang tatanungin, ang ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix na raw ang masasabi niyang pinakamalapit na lalaki sa kanya ngayon.

Tahasan na rin naming tinanong ang bidang babae ng Once Upon A Kiss, ang opening salvo sa taong 2015 ng GMA-7 sa primetime,kung sa edad na 14 anyos ay nagkaroon na ba siya ng boyfriend o kung tawagin ay “puppy love.”

“Wala pa po,” nakangiting sagot niya nang makausap namin sa presscon ng kanilang upcoming seriessa Studio 7 ng GMA noong December 4.

Pero may nanligaw na ba sa kanya?

“Yun po, hindi ko po alam kung paano ko idi-distinguish.

“Siguro po kasi, hindi rin naman ako nag-e-entertain at yun nga po, focused po kasi ako sa career ko at saka hindi pa rin naman po talaga puwede,” pag-amin niya.

KILIG MOMENTS” WITH MIGUEL. Paano kung ligawan siya ni Miguel?

Pakli niya, “Yun e kung manliligaw po siya. Pero focused din po siya sa career.”

Magugustuhan niya si Miguel?

“Depende po kasi siguro sa situation kung anong mangyayari,” nakangiti niyang sagot.

Pero may kilig ba siyang nararamdaman sa ka-loveteam?

“Meron po,” mabilis niyang sagot.

Saan nanggagaling ang kilig?

“Siguro po, sa everyday doings po namin. Araw-araw kaming magkasama and then, yun nga po, kilala na niya ’ko at kilala ko rin siya,” lahad niya.

A YEAR OF BLESSINGS. Sang-ayon naman kami kay Bianca sa ginawa niyang paglalarawan sa taong 2014.

Sabi nga niya, “Very blessed po.

“Kasi, yun nga po, dumating po ang Niño, then, lots of guesting.

“Dumating din po ang endorsements and then, ngayon po, itong Once Upon A Kiss naman po.

“Very thankful po ako na until the end of the year, may nabibigay po silang project sa akin at meron na po agad sa 2015.

“Sana po, magtuluy-tuloy lang po talaga.”

NEXT PRIMETIME PRINCESS? Kung si Alden Richards ang tinataguriang Kapuso Primetime Prince at ang ka-loveteam niyang si Miguel ang sinasabing susunod sa yapak ni Alden, nakikita ba niya ang sarili bilang Kapuso Primetime Princess?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana po maabot ko yung title na yun. And gusto ko rin pong magkaroon ng sariling title. Pero hindi ko pa po alam kung ano yun,” pahayag ni Bianca.

CHRISTMAS WITH FAMILY. Ulila na sa mga magulang si Bianca. Ang Lola at mga pinsan lang niya ang kasama niya sa bahay.

Ngayong Pasko, sa bahay lang din daw sila magdiriwang.

May gusto ba siyang matanggap na regalo ngayong Pasko?

“Wala po akong maisip, pero siguro po, kung sakali man, book. Kasi wala naman po akong hinihiling kahit na kanino,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN