Rommel Padilla clarifies he’s not against Daniel Padilla and Kathryn Bernardo romance: "Na-misinterpret ako."

Rommel Padilla maintains that he approves of Kathryn Bernardo for son Daniel Padilla. "Oo naman! Magaan nga ang loob ko sa batang ‘yan," says Rommel in a recent interview with Philippine Entertainment Portal.


Nilinaw ni Rommel Padilla na wala siyang masamang intensiyon nang payuhan niya ang anak na si Daniel Padilla na unahin ang showbiz career bago ang love life.

Bilang ama, gusto lang niyang mapabuti si Daniel at huwag maging pabaya sa mga oportunidad na mayroon ang batang aktor ngayon.

“May sinabi ako na kailangan isakripisiyo ang pag-ibig muna. Huwag muna titignan ‘yan.

“Yung disiplina, yung hanap-buhay mo, ‘yan muna ang bigyan ng pansin.

“So, parang na-misinterpret yung aking pagbibigay ng advice.

“Na parang ang dating e pinipigilan kong umibig ang anak ko.

“Ako, ni minsan, ni sa panaginip, hindi ko pakikiaalaman ang love life nila, kung kanino sila masaya,” paliwanag ni Rommel.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang piling entertainment editors si Rommel sa EDSA Shangri-La Hotel noong Biyernes, December 19.

Ayon pa sa aktor, ibinabahagi lang niya ang mga natutunan noong panahong binibigyan siya ng magagandang break sa showbiz.

“Nung time na yun, sa sobrang sarap ng buhay, kasikatan, lahat, e wala akong inatupag kundi mag-girlfriend nang mag-girlfriend.

“Nakalimutan ko kung anong kinalalagyan ko so lumungkot yung karera, ‘di ba?

“Buti nga lumanding ako. Muntik akong ‘di naka-landing dahil sa pagpapabaya, sa hindi pagdinig sa aking mga magulang.

“So ngayon, doon ako bumabawi sa aking mga anak.”

Ipinahayag din ni Rommel na hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit sa kanya ang ilang KathNiel fans, lalo pa’t umpisa pa lang ay bukas siya sa pagsasabing boto siya kay Kathryn para kay Daniel.

Ito ang sagot ni Rommel nang tanungin kung aprubado sa kanya si Kathryn para sa anak: “Oo naman!

“Nung unang beses ako tinanong, matagal na, Princess and I [2012-2013] pa, nag-uumpisa pa lang sila.

“Magaan nga ang loob ko sa batang [Kathryn] ‘yan.”

Sa huli, nakiusap si Rommel na itigil na ng bashers ang pagbato ng maling akusasyon laban sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit papa’no naapektuhan din kami,” saad ni Rommel.

Maging si Daniel ay nagpahayag din ng mensahe para sa bashers na bumabatikos sa kanyang ama.

READ: Daniel Padilla defends dad Rommel Padilla from bashers: “Huwag nilang idamay ang aking pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN