Isabel Oli reveals she and John Prats want a baby soon after their wedding

Isabel Oli and John Prats will have a garden wedding in May in the Batangas farm of his family. Acccording to Isabel, the timing is just perfect because had their relationship happened before, it would not have worked, "We were both not mature yet."


Kasama si Isabel Oli sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo kung saan ginagampanan niya ang papel na kapatid ni Robin Padilla sa istorya.

Napakalaking karangalan raw na nakasama siya sa nasabing pelikula, na siya mismo ay nagulat sa ganda ng kinalabasan ng nasabing entry sa Metro Manila Film Festival.

Paglalahad ni Isabel, “Ako si Nonay, the sister of Kuya Robin.

"Medyo ako dito, sakit sa ulo ni Kuya Robin, pasaway ako dito pero supportive na sister naman.

“Actually, I only have few sequences here kasi naka-focus talaga kay Kuya Robin.

"’Tapos more on fight, yung story umiikot talaga dun.

"But I’m really proud na maging part ako dito.

"Every eksena is really madugo. Sa trailer pa lang, ’di ko in-expect na magiging ganun siya.

"Kung hindi ako part dito, mapapatanong ako, ’Dito ba talaga yun kinuhanan?’

"Parang, ’Talaga, dito ginawa?’

"’Tsaka nakaka-proud lang na yung every entry, lahat ng mga pelikulang Filipino nag-improve.

"Lahat ng mga entries ngayon sobrang nakakatuwa.”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabel sa nakaraang presscon ng Bonifacio sa Plaza Ibarra.

Kuwento pa niya, madugo man ang bawat eksena na ginawa nila, pagdating sa set, "it was really light.

"Kasi the people around us, the people who were working with us, serious pag nagtatrabaho.

"Pero pag nagpapahinga, wala, katuwaan na.”

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang natutuwa sa tandem nina Robin at Vina Morales, at pati pala si Isabel ay kinikilig din pag napapanood ang mga eskena ng dating magkasintahan.

“Oo, I don’t know, basta kinikilig talaga ako pag may mga eksena sila."

Sabi pa niya, "Ate Vina and Kuya Robin are very, very professional.”

WEDDING DETAILS. Noong September 24 naganap ang wedding proposal ni John Prats kay Isabel Oli sa Eastwood Mall Plaza.

Marami ang nakasaksi at natuwa sa grand gesture na ito ng aktor kaya naman naging viral ito sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang inilahad ni Isabel ang ilang detalye ng wedding nila ni John in May next year. Magaganap daw ito sa farm ng Prats family sa Balete, Batangas.

"It’s perfect for the theme and we’re gonna be the first to use it, so hayun.

“Right now, it’s rustic romantic, a garden wedding.

"June kasi is maulan so it’s gonna be in May, pero wala pang date."

Wala pa rin daw silang entourage at pag-uusapan raw nila ito pagbalik na lang ni John galing sa Los Angeles, California.

"Dun sila Christmas and New year.

"’Di ako nakasama kasi my family is here also from Singapore.

“Gown? Actually maraming nag-o-offer, wala lang talagang final.

"’Di pa talaga kami nakapag-decide, I’m just waiting for John to come back.”

Ayon kay Isabel, hindi sila gaanong napipi-pressure sa nalalapit na pagpapakasal dahil nga sa lugar ng pamilya ni John gagawin ang ceremony at reception.

Malaking tulong din daw ang kinuha nilang wedding coordinator.

“Medyo relaxed lang kami, everyone is telling us, ’Oy mag-prepare ka, ha, mabilis lang yun.’

"Relax lang kami, we have counselings, yun pa lang so far.

"The license naman is to follow and the wedding coordinator will do that."

PERFECT TIMING. May kasabihang timing is everything, at sa relasyon daw nila ni John, naniniwala si Isabel na nangyari ang lahat dahil sa tamang oras at panahon.

“Sabi ko nga kay John lagi, ’Sana nung It Might Be You, niligawan mo na pala ako kung ganito man din pala…’

"Pero wala kasing spark, crush ko siya before.

"Siya kasi kabi-break pa lang nila yata ni Heart [Evangelista].

"Pero kung naging talaga kami nung time na yun, I don’t think it would have worked.

"We were both not mature yet."

A BABY ALL AT ONCE. Hindi naman itinago ni Isabel na sa edad na 33 ay plano nila ni John ang pagkakaroon agad ng anak pagkatapos ng kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want three. I came from a big family, kaunti nga lang yung three.

"Gusto ko four, pero I’m 33 kaya three na lang siguro."

Sa pagtatapos ng 2014, marami ang nakapansin na medyo nag-lie low sa kanyang showbiz career si Isabel.

Ipinaliwanag ng aktres na naging abala siya sa pag-aasikaso ng negosyo nila ni John.

“My 2014, sobrang ibang-iba, medyo focused ako sa work, sa office, hindi showbiz.

"Sa showbiz parang puro guestings ako.

"When we don’t have taping, pinapupunta talaga kami ni John sa office.

"They have business, yung school nila, so I help him."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN