Keempee de Leon will have "blue" Christmas this year

Keempee de Leon is a proud dad whose 18-year-old daughter Samantha is showing promise as a singer and entertainer like her father and grandfather, Joey de Leon.


Balik sa pag-arte si Keempee de Leon bilang isa sa cast ng bagong primetime teleserye ng GMA-7 na Once Upon A Kiss.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Keempee sa press launch ng Once Upon A Kiss noong December 19, ibinahagi niyang inantay daw talaga nito ang magkaroon ng acting project.

Lahad niya, “Nakaka-miss din ang umarte kasi matagal na akong hindi nakagawa ng teleserye.

"Yung huli ko nga was My Husband’s Lover, but before that ay Full House, in 2009 pa.

“Kaya noong sabihin sa akin na may role ako dito sa Once Upon A Kiss, natuwa ako kasi aktingan na ito."

Short lang daw ang appearance niya sa series at sa pilot week lang siya mapapanood.

"Still, na-miss ko ang umarte, sana naman next year ay magsunud-sunod ulit ang paglabas ko sa teleserye.

"I really miss acting,” diin pa niya.

GAY ROLES. Nagkasunud-sunod ang mga gay roles noon ni Keempee maski sa teleserye nang nag-hit ang bading na si Harold, na ginampanan niya sa sitcom na Bahay Mo Ba ‘To?

Ayon sa aktor, hindi raw naging problema iyon sa kanya at maski ngayon ay hindi siya nagsasawang gumanap na bading.

“Never naman akong nagsawa, I enjoy playing gay!” tawa pa niya.

“Basta maganda ang pagkakasulat at alam kong marami akong napapasayang mga tao, okey iyon.

"Mas type yata nilang bading kesa straight ang ginagampanan ko,” patuloy na pagtawa niya.

Kahit raw nasa Eat Bulaga every day si Keempee, kaya naman daw niyang mapagsabay ang paggawa ng teleserye.

“Actually, puwede naman, akala lang siguro nila na baka maging conflict ang Eat Bulaga.

"Hindi naman, naghihintay nga lang naman ako ng offer, e.

“Noong makausap ko nga ang mga bossing dito sa GMA-7, tinanong ako kung okey na ba akong mag-teleserye ulit?

"Sabi ko naman na walang problema basta um-okey si Tita Malou [Choa-Fagar].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, ang manager ko ang magde-decide sa bandang huli pa rin,” sabi pa niya.

TOGETHER AGAIN. Ikinatuwa rin ni Keempee na sa Once Upon A Kiss ay muling magkakasama sila ni Manilyn Reynes.

Huling nagkasama ang dalawa noong 2006 pa sa pelikulang Shake, Rattle & Roll 8.

“Ang tagal na kaya natuwa naman ako kasi nagkasama ulit kami ni Mane [palayaw ni Manilyn].

"This is actually the first time na magkasama kami sa isang teleserye.

“Kapag nagge-guest siya sa Eat Bulaga, nagkakakuwentuhan kami.

“Pero matagal na rin siyang hindi nakapag-guest kaya noong mag-taping kami, ang saya, tamang throwback lang.

“Dapat ay kasama ako sa ginawa nila ni Janno Gibbs na My BFF.

"Hindi ako natuloy gawa na rin ng taping schedule nila na nag-conflict with Eat Bulaga.

“Pero okey lang. At least, ngayon ay nakasama ko na si Mane.

"Solong-solo ko siya!” ngiti pa niya.

Naging on and off-screen partners ang dalawang noong 1980s.

DADDY’S GIRL. Kinumusta namin ang daughter ni Keempee na si Samantha, na nag-18 sa taong ito.

“Oo, may 18-year-old daughter na ako, tumatanda na tayo!” tawa pa niya.

“Nagulat din ako, parang ang bilis, ‘di ba?

“Hindi siya humiling na magkaroon ng debut party, nag-dinner lang kami ng buong pamilya.

“Ngayon nasa States siya kasama ang mommy at lola niya. Doon siya magki-Christmas.

"Yung gagastusin na lang daw sa party e ipangsa-shopping na lang daw niya!”

Payag na nga raw si Keempee na pasukin din ng kanyang anak ang showbiz, pero mas gusto niyang makatapos muna ito ng college.

“Yun naman ang kasunduan namin.

"Tapusin niya muna pag-aaral niya and she can do whatever she wants.

“Nagulat nga ako na maganda pala boses ng anak ko, hindi naman siya nag-voice lessons.

"Nagmana lang sa akin at sa lolo [Joey de Leon] niya.

“Marunong maggitara, tinuruan lang daw niya ang sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So marami palang talent itong anak ko. Mana-mana lang pala talaga,” ngiti pa niya.

BLUE CHRISTMAS. Loveless si Keempee ngayong Pasko dahil nag-break na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

“Oo, single ako ngayong Christmas, medyo kulay blue ang Pasko ko.

"Pero kasama ko naman si Daddy this Christmas, mag-a-out of the country kami, baka sa Singapore.

“Wish ko ngayong Pasko? Well it’s more for my daughter, that she continues to make me a proud daddy.

"Sa love life ko? May prospect naman tayo, pero naghihintay lang ako ng sign kung itutuloy ko ba or huwag muna.

"Habang wala pa yung sign, single muna tayo hanggang pagpasok ng 2015!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN