Kris Aquino appreciates James Yap’s decision to postpone Christmas plans for the sake of their son Bimby

Kris Aquino on being good friends with ex-husband James Yap: “Living up to our 7 year old’s words of wisdom: ‘When you break up, you move on, and you try to be friends!’"


“It’s not easy for James & me to be friendly, but we share a common goal—to do what’s best for Bimb & give him 100% support & love!”

Ito ang pahayag ni Kris Aquino matapos i-postpone ng kanyang ex-husband na si James Yap ang pag-uwi ng probinsiya, upang asikasuhin muna ang anak nilang si Bimby.

Sa Instagram post ni Kris kagabi, December 23, ibinahagi ng tinaguriang "Queen of All Media" ang palitan ng text messages nila ni James.

Dito ay makikitang plano sana ni James na magdiwang ng Pasko sa kanilang probinsiya sa Escalante, Negros Occidental.

Kaya’t noong una ay tinanggihan nito ang imbitasyon ni Kris na dumalo ang basketbolista sa December 25 premiere night ng Praybeyt Benjamin, na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Bimby.

Ngunit biglang nagbago ang isip ni James at muling nag-text kay Kris na isasantabi muna nito ang naunang plano upang mapanood ang pelikula ng kanilang anak.

Sabi ni James, “Hi Kris, il change my flight, uwi nalang ako sa 26. watch ako sa 25 pwd pa ba?”

Agad namang sumagot si Kris at sinabing, “Yes, you should support Bimb!”

Kalakip ng naturang Instagram post ni Kris ay isang caption kung saan ibinahagi ng actress-TV host ang kanyang saloobin patungkol sa relasyon nila ng dating asawa.

Ito ang kabuuan ng pahayag ni Kris: "As parents, I think all of us Moms & Dads will do everything possible to show our children how proud we are of them!

“It’s not easy for James & me to be friendly, but we share a common goal—to do what’s best for Bimb & give him 100% support & love!

“Living up to our 7 year old’s words of wisdom: ‘When you break up, you move on, and you try to be friends!’

“Perfect attendance na kami in SM Megamall on Christmas Day for Praybeyt Benjamin!”

Isa pang patunay ng positibong relasyon ng ex-couple ay ang Instagram post ni Kris, kung saan ibinahagi niya ang regalo sa kanya ng magkasintahang James at Michela Cazzola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN