Christmas Forum: LJ Reyes, Gabby Eigenmann, Max Collins, and other stars share to whom they want to give presents this Christmas

Stars like LJ Reyes (left) and Max Collins (right) want to give expensive presents to their loved ones. Gabby Eigenmann (center), on the other hand, says he wants to be the "best kuya" that he can be as a present to his dad Mark Gil who left them this year after succumbing to cancer.


Ilang oras na lamang at Pasko na.

At dahil panahon ng pagbibigayan, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa celebrities kung sino ang gusto nilang bigyan ng regalo kung mabibigyan sila ng pagkakataon.

Kahit sa panahon kasi ng Kapaskuhan ay abala ang iba sa kanila sa pagtatrabaho at shows bilang mga artista.

Heto ang mga sagot nila.

LJ REYES:

“Gusto kong bigyan ang ate ko, mga one week vacation sa Boracay. Grabe kasi ang tulong niya sa akin sa pag-aalaga kay Aki.”

Si Aki o Ethan Akio ang three-year-old son ni LJ sa dating boyfriend na si Paulo Avelino.

“Sobrang busy ko kasi, ‘tapos sa kanya ko iniiwan si Aki. Parang alam ko, napapagod din siya, parang bakasyon niya, so treat ko sa kanya.”

GABBY EIGENMANN:

“Siguro ang daddy ko... to be the best kuya that I can be. Kahit hindi the best kahit yung to be the bext example for them,” pag-alaala pa ni Gabby sa kanyang namayapang ama ngayong taon na si Mark Gil.

MAX COLLINS:

“Relo, para sa mommy ko.

“Kasi, may napili siyang watch na nagustuhan niya. Simple lang kasi ang mom ko, kaya sabi niya, ‘Huwag mong bilhin para sa akin. Cheese lang ang ibigay mo sa akin, cheese and wine, okey na ‘yan sa akin.’ Favorite niya kasi ang cheese.

“Sabi ko naman, ‘Mom, minsan lang namang mag-Christmas.’

“’Tapos noong isang araw nga na nag-mall kami, may nakita siyang watch na nagustuhan niya, it’s a TW Steel. Pink and black ang color niya.

“Sabi niya, ‘Ang ganda nito.’ Pero sabi niya, ‘Okey lang, ‘wag na.’

“Noong sinabi ko na bibilhin ko, ayaw niya. Pero, isu-surprise ko sa kanya. Kasi, madalas ko siyang i-surprise pero, parang hindi naman niya nagugustuhan ang surprise ko.

“At least ngayon, alam ko na kung ano ang gusto niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EMPRESS SCHUCK:

“Siguro si Mama, jewelry na lang. Kasi, ito talaga ang gusto niya, pero, hindi niya nabibili. Trabaho siya nang trabaho para sa amin. Minsan, instead na bilhin niya yun, hindi na lang.

“Minsan, kailangan talagang may magbigay sa kanya.”

DION IGNACIO:

“Yung kapatid ko, si John Darvin. Sa mga kapatid ko, parang siya ang pinaka-close ko. At saka ngayon, parang kapag wala akong ginagawa, siya yung pinaka-tropa ko ro’n.

“Siya ang kasama kong mag-basketball at saka, idol niya si Lebron James. So, gusto ko siyang regaluhan ng sapatos. Mabait din naman siya at saka, masipag siyang mag-aral.”

GEOFF EIGENMANN:

“I’ll say, my mom [Gina Alajar], pero, nabigay na namin ng kapatid ko yung gift namin sa kanya, but I guess, it’s still my mom.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN