Christmas Forum: Stars are asked what they want to be as a Christmas gift and for whom

KC Concepcion wants to be a love letter for mom Sharon Cuneta, Paulo Avelino wants to be a gift of hope for the downtrodden, Gerald Anderson an unlimited buffet for the hungry, and Joey Marquez a gift certificate. Joey says, "Siguro ibibigay ko doon sa mga bahay-ampunan para gawin nila akong tatay.”


Nagsagawa ng Christmas forum ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan tinanong namin ang ilan sa inyong paboritong celebrities:

“Kung isa kang regalo ngayong Pasko, anong klaseng regalo ito at kanino mo ibibigay ang sarili?”

Narito ang kanilang mga kasagutan:


KC CONCEPCION: “Love letter for my mother [Sharon Cuneta.] Dati kasi siya yung pinaka-partner ko in life na growing up siya lang talaga yung kasama ko, ako lang yung kasama niya.

"And then nagra-write kami ng letters for each other na dinidikit niya sa door ko ’pag papunta na siya ng shooting kasi next morning ko na ulit siya makikita.

"’Tapos ako naman paalis ng bahay for school, yun na lang yung meron ako, yung mga letters niya.

"Kasi she’s busy working, single mom. So, yung mga letters niyang yun… wala pa kasing text-text noon.

"E-mail, e-mail, meron na pero hindi naman for personal letters.

"So, yun gusto ko siyang sulatan ulit ng letter at saka meron akong book na nakuha na What I Love About Mom.

"So she loved her mom [Elaine Cuneta], yung parang mother ko rin na si ’Mita nga.

"Parang doon ko na-realize na maganda ring ipakita sa kanya kung ano yung naiisip ko tungkol sa kanya.”


PAULO AVELINO: “Siguro I wanna be hope and happiness, kasi ang daming nangyayari ngayon, like may bagyo ulit na madaming nasalanta sa may Visayas areas.

"Then ang sabi ang daming poverty ngayon sa Visayas.

"So, parang ang sarap magbigay ngayon ng hope and happiness para sa mga taong ito na hindi mo alam kung may pang-noche buena, na nahihirapan sa buhay.

"Parang gusto mo lang silang makitang masaya, at makitang may kinabukasan para sa kanila, may masayang kinabukasan para sa kanila.”


GERALD ANDERSON & MAJA SALVADOR: Ani Gerald, “Kung regalo ako, isa po akong unlimited buffet.

"’Tapos lahat po ng hindi nakakakain at lahat po ng mga mahihirap, mga gutom, lahat ng maysakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng hindi pa nakaranas ng isang buffet, come to me, ako ang buffet.”

Segunda naman ni Maja, “Unlimited drinks na lang po ako.”


COCO MARTIN: “Siguro relo or gift of time para mabigyan ko ng time yung family ko.

"Napaka-busy talaga ng schedule ko, so sa Pasko ibibigay ko naman ang time ko para sa kanila.”


RICHARD YAP: “Ako I would give myself to my family kasi napag-iwanan ko sila for the past two years and a half because I was doing Be Careful With My Heart. So, gift of time.”


VIC SOTTO: “Christmas card, iyon ang pinakasimpleng regalo na puwede mong ibigay.

"It’s the thought na nagbigay ka ng magandang wish. Ibibigay ko iyon sa lahat ng tao.”


DINGDONG DANTES: “Ako yung tipong hindi mo na kailangang i-assemble. ’Pag binuksan mo ako sa kahon, e, ready to use na kaagad at no expiry date.

"Pwedeng kahit ano, maaaring laruan, maaaring gadget.

"Siguro ibibigay ko sa mga kapatid ko at sa mga batang tinutulungan ng Yes Pinoy Foundation, para alam kong long-lasting.”


TOM RODRIGUEZ: “Siguro kung may maireregalo ako is yung saya, hindi materyal na bagay. Kung pwede akong maging kaligayahan, kasiyahan, kalusugan. At ibibigay ko iyon sa mga taga-Tacloban, Samar, sa lahat ng mga Waray na nasalanta ng bagyong Yolanda at Ruby.”


GERMAN MORENO: “Ako ibinibigay ko na ang sarili ko, yung katawan ko, sa ibinigay sa aking legacy ng ating Panginoon. Yung makatulong ka pa rin sa mga bata.

"Para pumasok sa isang show ang bata, dadaan ka sa reality show, makikipag-compete ka. Masuwerte na kung sino na yung magiging number one na mananalo, di ba?

"Pero ako, naumpisahan ko na merong Monday group, Tuesday group, Wednesday group, and so on [sa That’s Entertainment noon]. So, hindi lang isang bata ang binibigyan mo ng pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parehas ng nakikita niyo sa Walang Tulugan, ilang bata ang naririyan, na nanggagaling sa bulsa ko ang ibinibigay kong allowance. So, kung iisipin ko iyong imbes na maibulsa ko, hindi ba, bakit ko pa rin ginagawa yung pagtulong sa mga bata, hindi ba? So, sana itong mga batang ito mabigyan din ng pagkakataong sumikat.”


DEREK RAMSAY: “I’d be a twenty four-hour food truck and I’d feed all those who go hungry this Christmas.”


EULA CABALLERO: “Napakalaking halaga ng pera kasi marami ring may kailangan, e. Marami ring kailangang bilhin, marami pang kailangang i-rehabilitate pa sa mga nasalanta ng mga bagyo. So, sana maging malaking halaga ako ng pera na magagamit nang maayos para maayos na lahat.”


RITZ AZUL: “Kung ako po’y magiging isang regalo, gusto ko po sanang maging puting kalapati. Para po kumakatawan ng kapayapaan, ng Espiritu ni Kristo para sa lahat. Matimtiman, mapayapa at sakdal.”


MARTIN ESCUDERO: “Siguro parang music box. ’Di ba, meron yung ballerina na umiikot? Ako yung lalaking version siguro ’tapos may tugtog para pampatanggal-lungkot ngayong Pasko sa mga single na babae na nangangarap one day na magkaroon ng Prince Charming.”


AKIHIRO BLANCO: “Yung time ko sa family ko ibibigay ko this Christmas. Kasi puro work dito sa TV5, so ’eto give time naman sa family ko.”


KRISTOFFER MARTIN: “Siguro kung regalo ako, isa akong kotse. Ibibigay ko sa kapatid ko. Siyempre in terms of pagta-travel niya, nakabantay ako lagi sa kanya.”


JONALYN VIRAY: “Kung ako po’y isang regalo, siguro hindi po siya materyal na bagay. Magiging vocal chords ako, magiging boses, ganun. Kasi gusto ko po siyang i-share sa mga aspiring din na singers. ’Tapos may nami-meet po ako na sinasabi nila, ‘Pahiram naman ng boses mo.’ So, iyon po ang igi-gift ko sa kanila.”


JULIE ANN SAN JOSE: “I think I would be an iPod na may music, na nakakapag-describe sa akin, sa buhay ko. Kasi parang through that iPod, kumbaga ’pag pinakinggan mo yung laman nun, malalaman mo and maririnig mo kung anong klaseng tao ba ako or kung anong mga experiences ko rin. Maybe ibibigay ko sa mga supporters ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LANCE RAYMUNDO: “I think I’m a gift of wisdom and good news. Kasi sa lahat ng mga na-experience ko, lumawak ang aking understanding of life and relatively at a young age, yung wisdom ko rin medyo lumawak dahil marami akong napagdaanan.

"And ang feeling ko, yung misyon ko kung bakit ako nabuhay [after the barbell accident], is to share what I’ve learned to everyone especially the kids.

"I’ve been doing it actually, kaya ako nagka-campus tour ngayon. Lahat ng mga campus binibisita ko to share what I’ve learned sa mga kids.”


JOEY MARQUEZ: “Gift certificate ako. Siguro ibibigay ko doon sa mga bahay-ampunan para gawin nila akong tatay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN