Jasmine Curtis Smith’s Christmas wish, aside from getting a new car: “Happiness.”

“Happy ako, pero yung tuluy-tuloy na, alam mo yun? Na kaya kong hanapin ang happiness sa kahit anong situwasyon, iyon yun," said Jasmine Curtis Smith when asked what her non-material Christmas gift is.


Kasalukuyang nasa Australia si Jasmine Curtis Smith (with her Ate Anne Curtis) para sa Christmas vacation pero nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago siya umalis ng bansa.

Naganap ito sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014 entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo na pinagbibidahan nina Robin Padilla kasama sina Vina Morales at Daniel Padilla.

Sa Plaza Ibarra sa Timog, Quezon City, ginanap ang presscon nung December 15.

Umalis si Jasmine pagkatapos ng MMFF parade noong December 23 at babalik sa December 31.

“For the TV5 countdown,” sabi pa ni Jasmine.

First time daw ng 20-year-old Fil-Aussie na mapasama sa New Year’s countdown ng TV5.

“And ‘tapos balik na din po ako ng Australia the day after.”

Sa direksyon ni Enzo Williams, nasa Bonifacio: Ang Unang Pangulo rin sina Jericho Rosales, Isabel Oli, RJ Padilla, Isko Moreno, Ping Medina, Rommel Padilla, Junjun Quintana, Jun Nayra, Cholo Barretto, Richard Quan, Joem Bascon, Dennis Marasigan, Lou Veloso, at si Mr. Eddie Garcia

CHRISTMAS GIFTS. Kung tatanungin siya kung ano ng materyal na regalo na nais niya for Christmas and New Year, gusto raw ni Jasmine ng bagong sasakyan.

“Siguro, bagong kotse... Van. van, para maka-relax ako ‘pag nasa taping ako, para kumportable.

Ano ba ang sasakyang ginagamit niya ngayon?

“Four-wheel drive po na Honda Pilot.

“Pero ano, sobrang happy ko naman sa kotse ko ngayon. I think more than anything, yung pagka-kumportable lang ‘pag nasa taping or biyahe papuntang trabaho.

“Iba rin kasi, e... kapag nakahiga ka sa van,” patuloy ni Jasmine.

Biniro namin siya na kapag nabasa ng Ate Anne niya ang interview na ito ay baka bigyan siya ng bagong van.

“Hindi, hindi ‘yan! OA na! Ano yun, big dream na yun. Pero kung ano, siguro magandang bag or shoes.”

Ano naman ang hindi materyal na bagay na nais ni Jasmine na makamit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happiness!”

Naintriga kaming nagtanong kung hindi ba siya happy?

“Happy ako, pero yung tuluy-tuloy na, alam mo yun? Na kaya kong hanapin ang happiness sa kahit anong situwasyon, iyon yun.”

Happiness kanino?

“Everyone and everything!”

Walang specific na tao?

“Wala naman. Family,” tila pa-safe na sagot ni Jasmine.

“Family! Siyempre bihira kaming magkita ni Ate, di ba?

“So iyon, just always having happy moments with her, kapag magkasama kami. Kasi bihira lang naman yun, so ‘ayun.”

A ROLLER-COASTER RIDE. Paano ia-asses ni Jasmine ang mga kaganapan sa buhay niya nitong 2014?

“Personal-wise, I think we all know it was quite a roller-coaster [ride] pero it was able to teach me how to handle myself ‘tsaka how to just remain calm in situations na gusto mo na lang umiyak , ipagsigawan kung gaano ka kalungkot.”

Aminado si Jasmine na may mga pagkakataon na umiyak siya dahil sa mga hindi kagandahang nangyari sa kanya sa 2014.

“Many times but ano naman, para lang mailabas ko na kesa dinidibdib ko ‘tapos magwala na lang ako sa mga tao sa paligid ko.”

Marami rin naman daw positibong nangyari sa kanya.

“On the positive side, I was able to do movies na are worthy of, you know, being part of. ‘Tsaka ano rin, I met plenty of people na I never thought I would get along with.

“’Tsaka mas naging open-minded lang ako sa mga bagay-bagay. Kahit na stubborn ako nung una.

“Si Mama Betchay [Vidanes, her manager], inaaway niya ako para mas maintindihan ko yung mga bagay na sobrang kitid ng utak ko pagdating sa ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN