Dennis Trillo is not in a hurry to get married, “...parang hindi pa naman talaga ako ready, e.”

Dennis Trillo says he is happy for former stablemate Marian Rivera and her fiancé Dingdong Dantes. Dennis says he does not see himself getting married soon. “Wala pa lang talaga sa plano.”


Dahil sa mga seksing pictorial ni Dennis Trillo para sa isang line of clothing, mas dumami ang nagpapantasya sa kanya, mapa-babae man o bading.

Wala raw kaso iyon sa Kapuso hunk actor.

Masasabi bang nasanay na rin siya sa pagdaan ng mga panahon kaya hindi na siya naiilang na laman siya ng pantasya ng marami?

“Hindi pa rin talaga nasanay,” at tumawa si Dennis. “Medyo may konting ilang pero ilang na may halong tuwa, dahil siyempre hindi naman lahat ng artista ganun yung tingin ng mga tao.

“So ako, kung may ganun, parang bonus na ‘Uy suwerte naman!’ Na ganun pa rin pala ang tingin nila.”

Hindi siya nao-offend kapag alam niyang pinapantasya ng siya ng gays in a sexual way.

“Hindi naman, medyo may pagka-complementary nga yung ganun, e.

“Pero alam mo yun, mas masaya lang na positive pa rin?

“Ang tagal ko na dito sa showbiz pero okey pa din.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng Shake Rattle & Roll XV sa Imperial Palace Suites noong Martes, December 16.

MARIAN AND DINGDONG’S WEDDING. Tinanong namin siya kung imbitado ba siya sa kasal ng dati niyang kapatid sa Luminary Talent Management na si Marian Rivera sa December 30.

Manager dati ni Marian si Popoy Caritativo na siyang manager din hanggang ngayon ni Dennis.

“Imbitado man o hindi masaya ako [para] sa kanila.

“Nasubaybayan ko naman yung kanilang pag-iibigan simula pa lang nun, kaya masaya ako para sa kanilang dalawa.

“Na finally mangyayari na yung gusto nilang mangyari,” sabi pa ni Dennis tungkol kina Marian at sa mapapangasawa nitong si Dingdong Dantes.

Kung may imbitasyon siya, pupunta ba siya?

“Bakit naman hindi, ‘di ba? Kung may imbitasyon. Nakakahiya namang hindi pagbigyan,” sagot ni Dennis.

Kung tutuusin ay nasa tamang edad na rin si Dennis para lumagay sa tahimik. May inggit ba siyang nararamdaman kapag may kapwa siya artista na ikinakasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakainggit lang na nahanap na nila yung para sa kanila, pero yung mamadaliin ko yung sarili ko na ikasal, parang hindi pa naman talaga ako ready, e. So maging masaya na lang ako [para] sa kanila. Yun na lang.”

Tulad ng halos lahat ng lalaki ay nais din ni Dennis na ikasal balang-araw.

“Of course! Oo naman. Masaya din yun. Pero sa ngayon wala pa lang talaga sa plano.”

WHAT KIND OF “ULAM” IS DENNIS? Sa Shake Rattle & Roll XV o SRRXV ay mga bida sina Dennis at Carla Abellana sa episode na “Ulam.”

Kaya tinanong namin si Dennis, para sa kanya, anong klaseng ulam siya?

Para sa co-star niya sa SRR na si John Lapus ay adobo si Dennis, na habang tumatagal ay lalo raw sumasarap.

“Siguro ano ako, kilawin siguro! Kilawin na isda.”

Bakit?

“Kahit hilaw masarap siya, ‘di ba? Kahit hilaw.”

So masarap si Dennis kahit hilaw, biro namin sa hunky actor.

“Hindi naman,” at tumawa ito.

Ang dalawa pang SRRXV episodes ay ang “Ahas” at “Flight 666.”

Entry ng Regal Entertainment Inc. ang SRRXV sa Metro Manila Film Festival na kasalukuyang idinaraos ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN