Jolina Magdangal “kinikilig” about transfer to ABS-CBN

Jolina Magdangal is grateful for getting more than what she prayed for this year. “Sabi ko nga dati, bumalik lang ako, masayang-masaya ako. Sobrang bonus pa na may show ako agad,” she says.


Jolina Magdangal has so many things to smile about this Christmas.

First, it’s her first Christmas with Pele, her son with Mark Escueta.

At the time of the interview, she didn’t have definite plans yet.

“Alam mo sa totoo lang, wala pa kaming plano. Pero gusto sana naming, pero kahit saan man kami magpunta, halimbawa kasi usually nagpa-party kami sa bahay ng parents ni Mark o kaya pupunta kami ng Tagaytay...

“Kahit saan, kahit sa bahay lang kami, pero tatlo kami, ang sarap sa feeling!

“Nung anniversary namin ni Mark, nag-picture kami lagi sa Splendido,” where they got married.

The difference now is: “Ang sarap na ngayon tatlo na kami!”

Second, career wise, she is back to her old home: ABS-CBN.

She made it official last October 27 through an exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor Rose Garcia.

“Na-o-overwhelm ako na, positive ha, na kinikilig ako, masayang masaya ako.

“And yung pagiging masaya ko na ‘yan, ‘eto yung kahit na ano ha, isipin ko ulit yung GMA, masaya pa rin ako kasi naging maganda yung pagba-bye ko sa kanila.

“Wala ako yung, ‘Oo masaya nga ako dito pero ang dami ko palang nasagasaan,’ wala, wala akong ganun.

“So siguro, kaya talagang lahat na-a-appreciate ko, kahit yung paggising ko sa umaga—walang work, may work—ang saya ko kasi alam ko, marami akong napasayang tao sa 12 years ko sa GMA.”


WARM WELCOME. She’s also glad that her comeback has been reaping positive response.

“Marami ako ngayon na napapasayang tao dahil either nagko-comment sa Instagram or mismong pag nag-gi-guest ako, halimbawa sa GGV, ‘tapos kinikilig mga staff, do’n ako yung nagugulat, e.”

She’s been in the business for about 22 years now, but she still blushes each time fans approach her.

“Parang ‘talaga po?’ Gumagano’n pa ‘ko, nahihiya pa ‘ko na, ‘Sige, picture tayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako pa yung nahihiya pagka kinikilig sila, pag sinasabi nila na, ‘Naku, natupad na rin childhood dream ko kasi parang sabay-sabay kaming [tumanda].’”

It was also nice seeing ABS-CBN staff whom she had the chance to work before.

“’Nakikita ko yung mga dati kong nakilala ro’n na andun pa rin, pero may mga posisyon na ngayon?

“So ang sarap ng feeling na warm yung welcome nila.

“Sabi ko nga dati, bumalik lang ako, masayang-masaya ako.

“Sobrang bonus pa na may show ako agad.”

Jolina is set to star in Flordeliza, where she will reunite with former screen partner Marvin Agustin.

“Ang bilis lahat ng pangayayari kaya nga minsan pag natutulog ako sa gabi, pag nagpi-pray kami ni Mark at saka nila Pele, thank you lang ako nang thank you.

“E, kasi ‘di ba, ang sabi ko lang, sabi ko sa dasal ko dati, ‘kung sa’n po ako tingin niyo,’ sabi kong gano’n kay Papa Jesus.

“Tapos ngayon, ang dami pa niyang binigay.”

She also thanked her manager Perry Lansigan.

“Siguro din maganda rin yung tinuro sa ‘kin ni Perry, like yung tinuro nya sa ‘kin kung pa’no rin ako magpapaalam sa GMA.

“And in all fairness, honestly, masaya din naman ako sa nangyari sa ‘kin sa GMA for the past 12 years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN