Gabby Eigenmann doesn’t mind playing supporting roles: “It’s like paying it forward.”

Gabby Eigenmann on supporting roles in Once Upon A Kiss: “Dumaan din kasi ako sa ganyang phase, e. Noong baguhan ako, sinuportahan ako ng mga malalaking artista noon. Walang masama kung hingin ang suporta ko para sa mga baguhan.”


Hindi naman daw tumanggi ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann nang alukin siya ng supporting role sa bagong GMA-7 primetime teleserye na Once Upon A Kiss.

Matatandaang bida si Gabby sa huling teleseryeng ginawa nito na Dading.

Sa Once Upon A Kiss ay gagampanan niya ang role bilang Father Phillip Madasalin or Father Madz. Siya ang magiging gabay ng dalawang bida ng teleserye na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

NOT CHOOSY WITH ROLES. Kuwento ni Gabby nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Once Upon A Kiss last December 19 sa GMA Annex Building, sobrang mahal daw niya ang GMA-7 kaya hindi raw niya kayang tumanggi sa anumang role na ibigay sa kanya.

“Ako naman, hindi tayo mapili sa mga roles.

“Sabi naman nila na very reliable akong artista and I can do any role—mapa-bida, kontrabida, bading, at kung anu-ano pa.

“’Tsaka the role as Father Madz, hindi lang siya basta guidance counselor sa story.

“He’s hip and very cool with the kids. Hindi siya yung traditional na pari. ’Tsaka may malaki siyang kinalaman sa mga bida ng show.

“He plays a big part in the lives of the two leads in the teleserye kaya okey na gawin at tanggapin ko yung role.

“’Tapos si Direk Bb. Joyce Bernal pa ang director namin kaya alam kong hindi ako pababayaan niyan,” pagmamalaki pa ni Gabby.

PAYING IT FORWARD.” Hindi nga maramot na aktor si Gabby at gusto niyang magbigay ng suporta sa mga bagong bini-build up ng Kapuso network tulad nga ng loveteam nila Miguel at Bianca.

“Dumaan din kasi ako sa ganyang phase, e.

“Noong baguhan ako, sinuportahan ako ng mga malalaking artista noon.

“Sa ginagawa kong ito, it’s like paying it forward.

“Walang masama kung hingin ang suporta ko para sa mga baguhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, ilang mga young stars na ang nasuportahan natin.

“I was in the cast noon ng Reel Love Presents Tween Hearts, ’di ba?

“Halos lahat ng mga bagets doon nagbibida na ngayon like sila Barbie Forteza, Jake Vargas, Bea Binene, Kristoffer Martin, Kim Rodriguez.

“Yung iba sa kanila nakatrabaho ko na sa ibang teleserye kunsaan bida sila.

“Masarap makitang umaasenso sila. And proud ka dahil naging part ka ng growth nila sa business na ito,” diin pa ni Gabby.

HEALTH ISSUES. Kinumusta naman namin sa aktor ang kanyang kalusugan. Noong nakaraang July ay inoperahan si Gabby at kinailangang tanggalin ang kanyang gall bladder.

Matagal na raw siyang naka-recover sa operasyon na iyon kaya ingat na raw siya sa kanyang mga kinakain.

Pansin nga namin na malaki na ang ipinayat ni Gabby simula noong maoperahan siya.

“I am taking care of myself a lot.

“Kaya nga after Dading, medyo nagpahinga muna tayo. Pinagaling muna natin ang mga tahi sa tiyan natin. Officially operado na ako!

“Now I am okay. Alaga sa gamot at sa tamang pagkain.

“Nakakatakot din kasi yung nangyari sa akin kasi biglaan ‘yon, e.

“Mabuti na lang at naagapan. Nag-worry din ang family ko kasi.

“Ngayon todo-ingat tayo. Everything in moderation lang. Lahat ng sobra ay bawal na sa akin,” kuwento pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN