Bianca Umali remains humble despite her achievements: “I don’t see myself as someone who has a name na...”

Bianca Umali on how she handles success: “Hindi ko po siya nilalagay sa ulo ko kasi iyon nga po, I make it a point na both of my feet are on the ground and sa lahat po ng mga taong tumutulong sa akin e hindi ko po sila naaangatan. Palagi po kaming equal lahat.”


Marami raw na maituturing si Bianca Umali na magagandang nangyari sa kanya sa taong 2014.

Lahad niya, “Lahat po actually, the best—dumating po yung Niño, mas nakilala po ako ng mga tao, ’eto po dumating po ang Once Upon A Kiss, mas lumalim yung friendship namin ni Miguel...

“Marami po, actually.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa presscon ng upcoming soap opera nila ni Miguel Tanfelix, ang Once Upon A Kiss.

Ginanap ang presscon noong December 19 sa annex building ng GMA Network Center.

Sa tanong namin kay Bianca kung nanliligaw sa kanya si Miguel…

“Hindi po,” tugon niya.

NO ISSUE WITH BARBIE. Ang reaksyon naman niya sa isyu ng pagkaka-link nina Miguel at Barbie Forteza...

“Ah! Actually, wala naman po akong reaksyon dun,” at tumawa si Bianca.

“Both of them are my good friends po, actually.

“Si Barbie, nagkasama po kami sa Paroa [Ang Kuwento Ni Mariposa] and very close kami ni Barbie so iyon, okey naman po.

“Also with Miguel, iyon nga po, halos araw-araw ko siyang nakakasama. Pero regarding po sa isyu nila, wala po akong masyadong reaction,” paglinaw niya.

Sila ni Barbie ang maituturing na pinakasikat na female tween stars ng GMA.

Nararamdaman ba ni Bianca na my rivalry nga silang dalawa?

Aniya, “Hindi ko po nararamdaman yun. Magkaibigan po kami.”

As in wala raw inggitan o insecurity sa pagitan nila ni Barbie.

NEW YEAR’S RESOLUTIONS. Ano naman ang New Year’s resolution ni Bianca?

Sagot niya, “Marami.”

Nasusunod ba niya lahat?

“Hindi po,” at muling natawa si Bianca.

Kung meron siyang gustong masunod na resolution ngayong Bagong Taon, ano iyon?

“Siguro po makapagbasa po ako ng one hundred books a year.

“Wala, masarap lang po kasing magbasa,” pakli niya.

Ang Stardust ni Neil Gaiman ang isa sa mga librong nais ni Bianca na matapos basahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko lang po talaga ng books. I find happiness in books po, e. Relaxing po,” pag-amin niya.

Kakayanin raw niyang makatapos ng one hundred books ngayong 2015.

“Pero siguro po hindi siya New Year’s resolution. Ano ba?

“Magbawas ng kain! Sobrang lakas ko pong kumain, sobrang lakas po,” natatawa rin niyang saad.

Naging New Year’s resolution na raw niya ito dati.

“Pero hindi ko po siya ginawa,” sabay tawa ni Bianca.

KEEPING HER FEET ON THE GROUND. Pagkatapos ng Niño at ngayong pag-ere ng Once Upon a Kiss sa January 5 ay tiyak na lalong makikilala si Bianca.

Paano niya naha-handle ang success, lalo na at her very young age?

“Actually, hindi ko po nakikita yung sarili ko as sumikat po lalo after ng Niño. And hindi ko naman... I don’t see myself as someone who has a name na, as a big artist.

“Hindi ko po siya nilalagay sa ulo ko kasi iyon nga po, I make it a point na both of my feet are on the ground and sa lahat po ng mga taong tumutulong sa akin e hindi ko po sila naaangatan.

“Palagi po kaming equal lahat,” pahayag pa niya.

Sa direksyon ni Binibining Joyce Bernal at ipapalabas sa January 5 pagkatapos ng 24 Oras, pinagbibidahan ang Once Upon A Kiss nina Bianca (bilang Ella Rodrigo) at Miguel (bilang Prince Pelaez).

Nasa programa rin sina Manilyn Reynes bilang Aurora Rodrigo, Michael de Mesa bilang Enrique Pelaez, Gabby Eigenmann bilang Father Phillip Madasalin, Nova Villa bilang Adela Rodrigo, Keempee de Leon bilang Jimmy Rodrigo, Tessie Tomas bilang Merida Almario...

Al Tantay bilang Pedring Servando, Maricar de Mesa bilang Ursula Salazar, Cris Villanueva bilang Eric Almario, Frank Magalona bilang Hans Peligro, Betong Sumaya bilang Sebastian Poblador, Eunice Lagusad bilang Melody, Miggy Jimenez bilang Mickey Abueva, Cai Cortez bilang Fiona Alegre, Sabrina Man bilang Wendy Salazar, Mariel Pamintuan bilang Athena Pelaez, at si Mylene Dizon bilang Giselle Pelaez Almario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN