Jennylyn Mercado is close to ex-boyfriend Patrick Garcia’s fiancée, Nikka Martinez

Jennylyn Mercado (rightmost) says she is close to Nikka Martinez (in black), fiancée of Jennylyn’s ex-boyfriend Patrick Garcia. Nikka and Patrick are set to get married in March 2015.


Si Jennylyn Mercado ang itinanghal na Best Actress sa awards night ng 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap kagabi, December 27, sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center. Ito ay para sa pelikulang, English Only, Please.


Tinalo ni Jennylyn ang ibang mga nominadong aktres na sina Vina Morales ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Erich Gonzales para sa "Ahas" episode ng Shake Rattle & Roll XV, at Carla Abellana para sa "Ulam" epsode ng Shake Rattle & Roll XV pa rin.

“Thank you Lord!” unang sabi ni Jennylyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media pagkatapos ng awards night.

“Hindi siguro magiging maganda ang resulta kung walang mga nag-push sa akin. At saka ‘yong mga nagtiwala sa akin, siyempre.”

Inasahan ba niyang manalong best actress sa MMFF para sa taong ito?

“No!” sabay ngiti niya.

“No talaga. I swear!

“Hindi ko in-expect na mabibigyan ako ng ganitong klaseng award. First time ko ito sa comedy.

“At ngayon din lang ako talaga nagkaroon ng opportunity na makagawa ng comedy project. So, proud ako kasi ito ang una kong comedy tapos nagkaroon pa ng maraming awards ‘yong movie.”

Nanalo rin bilang Best Actor ang leading man ni Jennylyn na si Derek Ramsey. Nagwagi rin ang kanilang direktor na si Dan Villegas na Best Director.

Ang English Only, Please ay nanalo bilang Second Best Picture. Ang iba pang awards ng pelikula ay Best Screenplay (Antoinette Jadaone), Best Original Story (Antoinette Jadaone at Dan Villegas), at Best Editor (Marya Ignacio).

“First time namin ni Derek na gumawa ng comedy. So nakakagulat talaga!” ani Jennylyn.

Posible kayang maulit ang pagtatambal nila ni Derek dahil maganda nga ang kinalabasan ng kanilang unang pagsasama sa pelikula?

“I hope. I hope.

“Looking forward ako sa mga gano’ng project.”

ON PATRICK GARCIA’S FIANCÉE. Masaya ang naging pagdiriwang ni Jennylyn nuong nakaraang Pasko kasama ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


May nai-post pa nga siyang pictures sa Instagram kunsaan kasama niya ang anak niyang si Jazz at ang ama nitong si Patrick Garcia at ang fiancée ng aktor na si Nikka Martinez.

Saan sila nagkaroon ng pagkakataon mag-bonding?

“Sa bahay namin. Dinalaw lang nila si Jazz.

“Madalas naman silang pumupunta.

“Tapos nagkuwentuhan lang kami.”

Close ba sila ng fiancée ni Patrick?

“Oo naman po. Mabait na mabait si Nikka.”

Ilang araw na lang ay New Year na. Anong plano niya?

“Christmas countdown ng GMA po. Pagkatapos no’n, I will be with my family na,” panghuling nasabi ni Jennylyn.

May plano ba silang mag-celebrate ni Derek para sa kanilang panalo?

“Wala. Hindi kami nakapag-usap.

“Kita n’yo, hindi nga siya nakapunta. Kami pareho, hindi nag-e-expect.

“Nandito ako to support my English Only, Please family. ‘Yon lang!”

Maganda ang itinakbo ng career ni Jennylyn sa nakalipas na taong 2014. At may maganda agad siyang pambungad sa papasok na 2015 at ito nga ay ang MMFF Best Actress trophy na napanalunan niya.

Bukod sa mga awards na nakuha ng kanyang pelikula, nais din daw niya na mas umangat pa ang standing ng pelikula sa box-office ranking ng walong MMFF entries.

“Oo naman po.

“Pero ang lagi ko ring sinasabi, importante para sa amin na lumabas ng sinehan ‘yong mga manonood na masaya. Na hindi nasayang ‘yong ibinayad nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN