Mo Twister tweets mean Christmas greetings to jailed senators; gets flak from netizens

Controversial radio talk show host DJ Mo Twister created buzz once again when he posted vicious Christmas greetings to Senators Bong Revilla, Juan Ponce Enrile and Jinggoy Estrada.


Ilang araw na lang at matatapos na ang 2014. Pero bago pa man pumasok ang 2015, muli na namang gumawa ng ingay ang kontrobersyal na radio host na si Mo Twister.

Hindi na naman napigilan ang pagiging outspoken ni Mo sa kanyang Twitter account na @djmotwister.

Noong Christmas Eve (December 24), nagpadala siya ng kanyang Christmas greetings and messages sa tatlong nakakulong na senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Naka-detain ang tatlong senador dahil sa plunder charges sanhi ng PDAF (Priority Development Assistance Fund) scandal. Sa Camp Crame in Quezon City naka-detain ang tatlong senador mula Hunyo ng taong ito.

Nakilala si Mo Twister sa kanyang pagiging matapang pagdating sa kanyang mga tweets at tila wala siyang kinakatakutan.

Kahit na sa kanyang radio show na Good Times with Mo na napapanood sa pamamagitan ng podcast ay wala rin siyang sinasanto at sasabihin niya kung ano ang gusto niya.

Heto ang mga naging tweets niya sa kanyang @djmotwister account:

“Merry Xmas Juan Ponce Enrile. I’m sure in your 90yrs you’ve had some expensive & amazing Xmas’. But this year, your a-- is in jail. I Smile.”

“Merry Xmas Bong Revilla. My wish is that outside of ur jail cell theres a mistletoe hanging w/ hot chicks underneath & you can’t touch them.”

“Merry Xmas Jinggoy Estrada. I hope your douchebag kids get food poisoning today.”

Umani ng batikos mula sa ilang netizens ang mga tweets na ito ni Mo.

Narito ang ilan sa mga nagkomento tungkol sa kanyang kontrobersyal na tweets:

@JeckaJolieee (“Merry christmas to you and to your dead baby” Burrrrrn”)

@hbfsanchez05 (“Please filter your words. You are a shame to this society)

@imMarriahCorpus (“Not a good joke. Bastos!)

@rohnic316 (“look at your self mo, u are a momo and looking for attention, Laos ka na”)

Ang tinutukoy na “dead baby” sa isa sa mga posts ay may kinalaman sa pag-amin noon ni Mo sa isang leaked video tungkol sa pag-abort diumano ng kanyang baby mula sa kanyang ex-girlfriend noon na si Rhian Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito nga raw ang dahilan kung bakit nilisan ni Mo ang Pilipinas noong 2011 at nagdesisyon na bumalik na lang sa Amerika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN