Sheryl Cruz grateful to loyal fans: “All this time nandiyan sila for me at hindi nila ako iniwan.”

Sheryl Cruz feels indebted to her loyal fans: “Kaya naman sobra kong pinapahalagahan ang mga fans ko kasi kung wala sila, wala rin ako sa kinalalagyan ko at nararamdaman ko yung nararamdaman nila bilang fan, dahil fan din ako.”


Labis-labis daw ang pagpapahalaga ni Sheryl Cruz sa kanyang mga fans kaya naman nagkaroon ito ng post-Christmas/get-together party noong December 27 na ginanap sa Max’s Restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City.

Kuwento nga ni Sheryl na laging nasa isipan niya ang pangaral sa kanya ng kanyang Auntie Susan Roces na kailangan niyang magkaroon ng hinahangaang artista nang sa gayon ay maramdaman niya kung ano ang pakiramdam ng isang fan.

“Marami akong nga hinahangaang artista bukod kay Tita Susan, Uncle Ronnie [ang yumaong Fernando Poe, Jr.], Mommy Rose [ Rosemarie Sonora], at Daddy Ricky [ Belmonte].

“Iniidolo ko rin sila Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Vilma Santos at Nora Aunor.

“Kaya naman sobra kong pinapahalagahan ang mga fans ko kasi kung wala sila, wala rin ako sa kinalalagyan ko at nararamdaman ko yung nararamdaman nila bilang fan, dahil fan din ako," sabi ni Sheryl.

“Nung nawala ako sa showbiz at nasa Amerika ako, hindi naputol yung komunikasyon namin, sumusulat pa rin sila sa akin at sinasagot ko naman, ’tapos yung iba through Facebook at email.

“At nang bumalik ako ng showbiz, nandiyan pa rin sila, biruin mo yung ibang mga fans ko ngayon, sila-sila din yung fans ko noon nung nagsisimula pa lang ako.

“Sobrang blessed ako at speechless, kasi all this time nandiyan sila for me at hindi nila ako iniwan.

“Ngayon yung ibang mga fans ko professional na, may kanya-kanya ng trabaho, pero nandiyan pa rin sila para suportahan ako.

“Kaya nga sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanila, sa pagmamahal nila sa akin. Kaya naman ganun din ako sa kanila.”



ON TITA SUSAN. Hanggang ngayon ay mataas pa rin ang paghanga at respeto ni Sheryl sa kanyang Auntie Susan, at inaasam pa rin niyang sundan ang mga yapak nito bilang premyadong aktres, at matatawag na institusyon sa industriya ng local showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko maging katulad ako ng Auntie Susan ko na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin at patuloy na umaarte sa telebisyon at pelikula.

“Gusto ko kahit tumanda na ako, nasa showbiz pa rin ako. Hangga’t may kumukuha pa rin sa serbisyo ko bilang artista, hindi ko iiwan ang pag-arte at pag-awit na rin,” saad pa niya.



TWIST IN STORY. Bilang isa sa mga bida sa Strawberry Lane, serye ng GMA, excited si Sheryl sa kapanapanabik na ending nito.

Aniya, “Sa ngayon, abangan nila yung pagtatapos ng Strawberry Lane kasi may mangyayaring twist at mas lalo naming pinapaganda yung mga susunod na eksena.

“Pero hindi ko muna sasabihin para abangan nila, basta tutukan na lang nila hanggang sa pagtatapos nito.

“Basta may revelations siya at may magandang ending, hindi siya katulad ng ibang soap na sa pagtatapos e, nag-iiwan ng mabigat na damdamin.

“Dito sa amin maganda ang magiging ending.

“Yung values ng isang pamilya hindi nawasak. Despite sa mga nangyari, mananatili pa rin na buo ang pamilya at may suporta sa isa’t isa."



MESSAGE TO HER FANS. Makikita ang sinseridad ni Sheryl sa positibong mensahe niya para sa kanyang mga loyal fans.

Sabi niya, “Unang-una sa lahat, wini-wish ko sila ng good health, joy, love and peace sa kanila at sa kani-kanilang pamilya.

“At sa mga katulad kong nangangarap, sana pare-pareho at sabay-sabay nating matupad ang ating mga pangarap.

“Samahan ng dasal ang pangarap nang matupad at ’wag maggi-give up.

“Gusto kong iparating sa kanila mula sa aking puso na mahal na mahal ko sila katulad ng pagmamahal nila sa akin at lagi lang ako naririto para sa kanila.”



JAPAN-BOUND. Pagkatapos ng holiday season ay lilipad si Sheryl patungong Japan para i-promote ang kanyang album.

“Siguro early January baka pumunta ako ng Japan to promote my album at yung single ko na ’Mananatili’ na ginawan ng Japanese dance version. Yun yung single na ipu-promote ko dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana katulad ng pagsuporta ng mga Pinoy sa album ko, susuportahan din ng mga Hapon at ng mga kababayan nating naka-base na sa Japan yung album ko.

“Kaya matagal-tagal din akong mananatili sa Japan para i-promote yung album ko. Pero pagbalik ko sa Pilipinas, trabaho kaagad at gagawa ako muli ng teleserye at ipagpapatuloy ko ang pagpu-promote ng album ko,” pahabol pa ni Sheryl.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN