Sylvia Sanchez wants to redo image for next project

Sylvia Sanchez on growth of son Arjo Atayde as actor: "At least, naipakita na natin na marunong naman ang bata."


Pinapanalangin ni Sylvia Sanchez na sa susunod na taon ay mas lalo pang maging matagumpay ang showbiz career ng kanyang anak na si Arjo Atayde.

Kung nitong 2014 ay naging mabunga ito, sana raw ay mas lalo pa itong magtagumpay dahil pag-aartista ang talagang pangarap ng kanyang anak.

Pahayag ni Sylvia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam ito kamakailan lang, "Sabi ng Star Magic, marami naman ang nag-o-offer.

"Pero, sinasabi naman nila ’yan sa akin ’pag meron na, e.

"Hindi ako nangingialam sa kanila, ang pinakikialaman ko lang ay ang call time, kung saan, para alam ko kung saan ang anak ko.

"Well, siyempre, lahat naman ng ina, gustong maging successful ang anak nila, ’di ba?

"Pasalamat ako na sa taong ito, sobrang daming nangyari kay Arjo, daming blessings.

"Happy na ako dun."

SERIOUS ACTOR. Ang pangarap nga raw ni Arjo ay maging isang seryosong aktor katulad ni John Lloyd Cruz.

Pero may ilang taga-suporta ang binata na gusto raw siyang makitang sumabak sa light drama.

Saad ni Nanay Teresita ng Be Careful With My Heart, "Wala akong magagawa diyan kasi, ’yan ang ano ng Dos, e.

"’Yan ang dumadating [na offers], e.

"Pero, ang alam ko, itong bago niya ngayon ay rom-com [romantic-comedy].

"Pero yun nga, bahala na sila diyan, kung ano ang sa tingin nila bagay, nasa kanila na yun.

"Basta ’pag may offer naman sa kanya, sinasabi naman nila sa akin."

SOLID FOUNDATION. Ano sa palagay niya ang mangyayari kay Arjo sa susunod na taon?

Saad ng award-winning actress, "Hindi ako nag-i-expect ng sobrang bilis na pagsikat.

"Hindi ako nag-i-expect ng, ’Wow, andiyan kaagad siya!’

"Pero kung mangyayari yun, sobrang salamat.

"’Di ako nag-i-expect ng sobrang bilis kasi gusto ko, slowly but surely.

"’Tapos pagdating sa taas, mahirap kang ibagsak.

"Parang John Lloyd nga na ang hirap-hirap ibagsak kasi sobrang solid si Lloydie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang solid ng foundation niya, yung ganun."

Katulad rin daw ito popularidad nina Coco Martin, Robin Padilla, at Cesar Montano na dumaan muna sa butas ng karayom bago naging sikat at kinilala nang husto.

"Lahat ay naranasan nila, so hindi naman kami nagmamadali.

"Sinasabi nga, kanya-kanyang suwerte, kanya-kanyang timing."

Dugtong pa niya, "Ang maganda lang kay Arjo, naano na niya na marunong siyang umarte.

"Timing na lang siguro talaga, suwerte na lang talaga.

"Bahala na ang Diyos kasi, kung gusto naman Niya, ibibigay naman ’yan, ’di ba?

"Diyos naman ang may plano sa ating lahat, kung ano at saan tayo, ’di ba?

"At least, naipakita na natin na marunong naman ang bata.

"May tiwala naman ako kay Mr. M [Johnny Manahan], may tiwala naman ako sa Star Magic."

MAKE-OVER. Sa parte naman niya, ano ang plano niya ngayong 2015?

Rebelasyon ng 44-year-old actress, "Pahinga ako, magpapayat muna ako. Ha-ha-ha!

"At saka, magpapahaba ako ng buhok kasi, ayaw ko munang lumabas sa isang show na maiksi ang buhok.

"Be Careful pa rin kasi yun [yung maiksing buhok], ang lakas ng recall ng show na yun.

"So kahit ano’ng gawin ko, tatatak pa rin ang Nanay Teresita kaya gusto ko ay mahaba.

"Kaya gusto kong magbago na kahit 10 pounds ay pumayat ako."

Wala naman daw siyang planong ihiwalay ang sarili sa imaheng nagawa sa kanya ng karakter ni Nanay Teresita.

Aniya, "Hindi naman yung ihiwalay kasi, hindi maihihiwalay sa sarili ko yun.

"At least, relax muna, baguhin muna ang anyo.

"Para kapag lumabas na ako sa ibang show, iba naman ang hitsura.

"Sobrang minahal ako ng tao dahil sa karakter kong yun kaya hindi ko puwedeng isantabi yun.

"Gusto ko lang na kahit paano ay may ibang Sylvia Sanchez ang makikita nila sa mga susunod kong project, yun lang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN