Mike Tan not title-conscious: "Kailangan mo pa rin i-prove sa sarili mo na karapat-dapat ka sa title na yun."

Despite landing an endorsement showing off his body, Mike Tan is still not confident about his physique: “Natanggap ko na sa sarili ko na yung genes ko, hindi talaga katulad ng ibang artista o model o artista na talagang mabato-bato o katulad ni Pancho [Magno]."


Kailan lang ay nagpakita na rin ng katawan ang Kapuso actor na si Mike Tan sa kanyang unang underwear endorsement.

Kumportable ba naman siya sa pagpapakuha lang ngayon na naka-brief lang?

Sagot niya, “Yung pagiging kumportable, mas hindi ako kumportable sa sarili ko.

"Kasi hindi ko alam kung nakuha ko ba talaga ang katawan na gusto nila. Mahirap talaga, e.

“Natanggap ko na sa sarili ko na yung genes ko, hindi talaga katulad ng ibang artista o model o artista na talagang mabato-bato o katulad ni Pancho [Magno].

"Kailangan ko talagang paghirapan ng ilang buwan, mag-diyeta talaga.

“Pero hindi ko alam kung nakuha ko talaga.

"Natuwa naman yung Boardwalk at, hopefully, natuwa naman ang mga tao na nakakita ng billboard.”


NOT TITLE CONSCIOUS. Masaya raw si Mike dahil bago magtapos ang 2014 ay nakakuha pa siya ng major endorsement, ang Boardwalk.

Maganda rin daw itong regalo para sa kanyang kaarawan noong December 31.

Endorser din si Alden Richards ng brand para sa apparels naman. Okey ba sila sa isa’t isa?

Tugon ni Mike, “Oo naman, mabait si Alden every time na nakikita ko.

"Si Alden, minsan may ginagawa ako at hindi ko siya mapuntahan, siya talaga ang lalapit kapag free na siya.”

Walang iringan kahit na sabihin pang ang titulong "Kapuso Primetime Prince" ay tila ibinibigay na ng GMA kay Alden?

Ayon kay Mike, “Wala, ang title naman sa akin ay title lang.

"Kailangan mo pa rin i-prove sa sarili mo na karapat-dapat ka sa title na yun."


FANTASY OBJECT. Sa paglalantad niya ng kanyang katawan, handa na raw si Mike kung sakaling makuha niya ang atensiyon ng mga kababaihan at maging ng mga bakla.

Pinasok daw niya itong trabaho at ginawa niya ang pagpapaganda ng katawan para sa sarili niya at sa brand na iniendorso.

Saad niya, “Susunod siguro talaga yung sinasabing humahanga o magpapantasya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tanggap ko na yun, lalo na sa society natin, sa showbiz.”

Nagkaroon na raw siya ng ilang karanasan kung saan nagpakita sa kanya ng motibo ang mga bading, pero aniya, “Na-handle ko naman siya nang maayos.”

Paano kung ang sitwasyon ay may babaeng agresibo na talagang direktang lumalapit o nagpapakita ng motibo sa kanya?

“Minsan, humihina lang ang tuhod ko!” natawa niyang sabi.

“Alam niyo, mataas ang respeto ko sa mga babae, lalo na at may karelasyon ako.

"Siguro, irerespeto ko sila... actually, hindi ko alam i-handle."

Ano naman ang naramdaman niya nang makita o malaman niyang kasama ang larawan niya sa isang website kunsaan may presyo pang kakabit ang mga litrato ng male celebrities?

Sagot ni Mike, “Hindi ko na pinapansin yung mga yun, mas pinansin nga nila.

"Ang tanong ko lang, ano ang plano nila?

"Hindi naman sa may gawin sila o wala silang gawin.

“Ang sa akin, hindi ko naman alam kung ano ang purpose nila.

"Pero ang mas mahalaga naman dito, kilala ko ang sarili ko.

"At alam ko na hindi ako ganung klase ng tao.”


2015 PLANS. Ano ang mga gusto niyang makita o mangyari sa buhay at karera niya ngayong 2015?

Sabi ni Mike, “Good soap, more challenging roles.

"Hopefully, magawa ko yung indie na Diyos-Diyosan.

"It’s a Christian movie at gagawin na namin for next year.

“Maganda yung script, nabasa ko ang script.

"Nagsimula siya sa Marcos era to Macapagal.

"Bale ako ang bida dun, isa akong estudyante ng U.P. [University of the Philippines], hanggang sa maging senador at presidente ng bansa na corrupt.

“Sabi ko nga, pagkatapos kong mabasa ang script, mukhang ito na yun.

"Mukhang ito na ang matagal kong hinihintay na script.

“At saka sana rin, makuha ako sa stage play na pinag-audition-an ko.

"So, basically, yun sana ang ilan sa mga nilu-look forward ko for 2015."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN