PEP EXCLUSIVE: Derek Ramsay explains absence at MMFF awards

Ipinagmamalaki ni Derek Ramsay ang kanyang Best Actor award sa nakaraang 40th Metro Manila Film Festival. Aniya, "...may talent pala ako sa industriyang ito, hindi lang ang paghuhubad ng T-shirt."


Hindi nakarating si Derek Ramsay sa nakaraang Gabi ng Parangal ng 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan isa ito sa mga nominado bilang Best Actor para sa English Only Please.

Kaya naman nung tinawag na ang kanyang pangalan na siyang nagwagi sa naturang kategorya, ang leading lady niya sa pelikula na si Jennylyn Mercado ang tumanggap ng kanyang tropeo at nagpaabot ng kanyang mensahe sa pamamagitan ng text messaging.

Read: MMFF 2014 winners revealed; Jennylyn Mercado and Derek Ramsay win top acting awards


"LIFE IS GOOD." Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono kay Derek ngayong araw, December 29, sinabi niya ang dahilan kung bakit hindi siya nakarating noong Gabi ng Parangal.

Aniya, "E, alam mo naman ako, unahin ko siyempre pamilya ko.

"E, ito nga lang ang time na puwede kong ibalik sa pamilya ko.

"Nung 25, nagpa-block screening pa kami, ang parents ko bumaba ng Tagaytay, limang oras ang traffic.

"Na ano na ako, sabi ko, ‘E sa 31, may New Years’ countdown pa [TV5].’

"Wala na akong maibibigay na oras sa ano ko [pamilya] so…

"’Di ko naman inisip na mananalo ako, shocked talaga ako.

"But the thing is, no matter what, I’m proud of what I accomplished pero family is family.

"Matanda na ang parents ko, 70 plus, gusto ko naman silang makasama nang more than usual.

"Kasi you’ll never know what life can give you."

Matapos ang awards night, nagpasalamat si Derek sa pamamagitan ng Twitter sa tinamo nitong tagumpay sa awards night.

Sinabi pa niyang puno man ng intriga at kontrobersiya ang 2013, nalagpasan niya ito dahil sa tiwala sa Panginoon.

Paliwanag niya tungkol sa kanyang mga mensahe sa Twitter, "You know, in life, you continue to… you go through problems, you go through trials.

"But the important thing is that you overcome then and that you learn about it, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This year, I said it’s my best year because ang dami kong pinagdaanan, ang dami kong natutunan sa buhay ko, sa family ko.

"Now, may opportunity na akong makilala ang anak ko, ’di ba?

"And that’s a wonderful feeling. It’s not perfect pero at least it’s a step forward.

"’Tapos, na-bonus pa ako ng appreciation ng award like this.

"So yung personal life ko, yung career ko, kahit na through the year, it was all on one side.

"These two things that just happened in my life, just balanced everything else."

"IT WAS A VERY PROUD MOMENT FOR ME." Masasabing ang major acting awards sa nakaraang MMFF ay napanalunan ng mga first-time winners sa naturang festival.

Sila ay sina Jennylyn (Best Actress, English Only Please), Lotlot de Leon, Joey Marquez, (both for Kubot: The Aswang Chronilces), at Derek.

Si Ryzza Mae Dizon lamang ang second-time winner sa parehong kategorya ng Best Child Performer sa dalawang magkasunod na taon—for 2013 (My Little Bossing) and 2014 (My Big Bossing).

Ang nakaraang awards night ay hindi nakaligtas sa mga kontrobersiya, partikular sa resulta sa major awards.

Pero sa taong ito, tila tanggap ng karamihan ang naging desisyon ng hurado sa awards night.

Ano ang mga masasabi niya dito?

Ani Derek, "Well, yung napanood ko na nga, nung sinabi na sa akin at nakita ko sa social media na nanalo nga ako ng Best Actor, tulog na yung parents ko e.

"Sila yung unang pinuntahan ko, sinabi ko, ‘Mom, Dad, I won as Best Actor.’

"So, bumangon sila para mapanood namin yung delayed telecast.

"And dun lang nag-sink in, yung binanggit na nga na nanalo ako.

"It was a very proud moment for me, I was at a loss for words.

"First time ko kasi mabigyan ng karangalan gaya nito.

"More on kasi dito, napakita mo yung talent mo, na-notice nang mga jurors yung talent ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It motivates me to do more stuff in the future kasi it justified myself na may talent pala ako sa industriyang ito, hindi lang ang paghuhubad ng T-shirt."

LOOKING FORWARD TO 2015. Dahil dito, mas naging positibo sa Kapatid star ang paparating na taong 2015.

Saad niya, "Yeah, I’ve been looking forward to 2015 kasi suwerte ang number na 15 sa akin, e.

"And ang mga numbers na suwerte sa akin ay 7, 11, 15. So differences of 4.

"2007 was a great year in my life.

"2011 lumipat ako sa [TV] 5, No Other Woman.

"Ngayon, titingnan natin kung ano’ng mangyayari. Sana mahanap ko na yung tamang babae."

Sa huli, sinabi ni Derek na kahit maraming dumating na pagsubok sa kanya sa taong ito, masuwerte pa rin daw siya at nalagpasan niya ang mga ito.

Aniya, "Para sa akin, it’s my best perfect year para sa akin.

"Sasabihin, ‘Bakit? Ang dami kong trials!’

"That’s what life is all about, ’di ba?

"Lahat tayo may mga pinagdadaanan. So for me, it was the most memorable year of my life.

"But in a good way, I’m very, very thankful na pinagdadaanan ko yung mga bagay na yun.

"And it made me a better person, a stronger person."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN