John “Sweet” Lapus unfriends fair-weather associates: “Kada nagtatapos naman ang taon, nagninilay-nilay ako."

John "Sweet" Lapus will have a busy 2015 with a sitcom on TV5, a teleserye on ABS-CBN, and a movie in the offing.


Kamakailan ay medyo nag-emote ang TV and film comedian na si John “Sweet” Lapus sa kanyang social media accounts.

Tungkol ito sa ilang mga taong akala niya ay kaibigan niya, pero hindi naman daw pala.

Mga tao raw itong ipagtanggol niya, pero noong siya na ang nasa alanganin ay nawala raw ang mga ito.

Kaya naman natuto na raw siyang piliin ang mga magiging kaibigan niya.

Pahayag ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Mas maganda kasi na kahit konti lang ang friends ko, basta totoong kaibigan lahat.

“Kada nagtatapos naman ang taon, nagninilay-nilay ako.

"Hindi naman maiwasan kasi masyado akong emotional na tao.

“Importante kasi sa akin ang mga tunay na kaibigan.

“’Tulad nitong nakaraang Christmas, magkakasama kami ng mga alam kong true friends ko.

“Nagpa-cooking contest ako at nag-Miss Gay Lotto kami.

“Sila rin ang makakasama ko sa New Year.

"Ang saya lang na nakakasama mo sa ganyang mga pagtitipon ay ang mga tunay na kaibigan mo.”




GOOD REVIEWS. Overwhelmed din daw si Sweet sa magagandang reviews na natanggap niya sa kanyang role bilang Iggy Moda sa 2014 Metro Manila Film Festival official entry na Shake, Rattle & Roll XV.

Si Sweet lang ang cast member na nasa tatlong episodes ng SSR XV na “Ahas,” “Ulan,” at “Flight 666.”

Sobra raw na-touch si Sweet dahil hindi niya inaasahang masi-single out siya sa reviews ng naturang pelikula dahil malalaking artista ang kanyang kasama sa bawat episode.

Read: MMFF 2014 REVIEW: Shake Rattle and Roll XV offers a mixed experience through Ahas, Ulam and Flight 666

“Naiyak ako doon sa review ng PEP sa SRR XV about me.

“Super thank you talaga at na-appreciate nila ang efforts namin.

“Naloka nga ako na may nag-comment sa Twitter na ako daw ang nagdala [ng mga episodes].

“Support lang talaga ako at it’s an honor na suportahan ang mga bida namin na napakahuhusay lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super thankful ako kay Ms. Roselle Monteverde kasi siya ang nakaisip na ilagay ako sa tatlong episodes at sa mga mahusay naming director na pumayag naman sa idea.”

Kinumusta rin namin kay Sweet ang ranking ng SSR XV sa box-office since nagbukas ito noong Christmas Day, December 25.

“Parang nasa fourth or fifth spot yata ang SRR XV.

“Happy na kami doon kasi malakas talaga ang ibang entries.

“Basta ako, happy lang na napansin ng mga tao at film critics ang ginawa namin.

“’Tsaka maganda nga ito na kumikita lahat ng mga entries ng MMFF,” sabi niya.

Natuwa raw si Sweet nang manalo bilang Best Actress si Jennylyn Mercado para sa pelikulang English, Only Please.

“Oo naman at deserving siyang manalo.

“Nag-tweet nga ako kay Jen at super nag-congratulate ako sa kanya. Ang galing nila ni Derek Ramsay.

"Bago at fresh ang concept kaya love ko ang English Only, Please.

“Congrats sa director, producers, at buong cast ng movie dahil deserve nila ang mga awards na napanalunan nila sa Gabi Ng Parangal ng MMFF.”

BUSY START. Sa pagpasok ng 2015 ay marami raw pasabog si Sweet sa kanyang career. Mukhang hindi na naman daw siya mababakante sa paparating na taon.

“Unang-una ay may bago akong pampaganda care of Doc Almond Derla of La Estetica in Tomas Morato.

“Bagong taon, bagong katawan, bagong ganda, fresh!

“’Tapos may new sitcom ako sa TV5, yung Mac & Chiz ni Derek Ramsay at Empoy Marquez.

"Nakakatawa ‘yon, promise, at sa January 2015 na siya ipapalabas agad-agad.

“Patapos na din ang horror movie na ginagawa ko na Mara under Regal Entertainment, kunsaan kasama ko sina Isabelle Daza, Jasmin Curtis-Smith, at Paulo Avelino.

“’Tapos by February ay may new soap na ako ulit sa ABS-CBN, as promised by my Dreamscape Family.

“Hindi ako pinapabayaan ni Deo Endrinal. Imagine, after twenty-one years since being a staff in Showbiz Lingó, siya pa din ang boss ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then by summer ay shooting na kami ng Here Comes The Bride 2.

“Kaya thank you Lord sa lahat ng blessings na darating pa sa 2015,” masayang saad ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN