Kris Aquino on Mayor Herbert Bautista: “I want us to be friends until our dying day.”

On Monday night, December 29, Kris Aquino explained in Aquino & Abunda Tonight the real status of her relationship with Mayor Herbert Bautista, following the mayor’s recent visit to the Queen of All Media at her home. “The year started, we rekindled the friendship and the year is ending, I can safely say that he’s really one of my closest friends.”


“I want him to remain a part of my life. I want us to be friends until our dying day.”

Ito ang pahayag ni Kris Aquino sa episode ng Aquino & Abunda Tonight, Lunes ng gabi, December 29, hinggil sa pagbisita sa kanya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista noong Linggo, December 28.

Sabi pa ni Kris, “I made no secret of the fact na I really wanted the two of us to end up being friends.”

Bago magpaliwanag si Kris sa late-night talk show nila ni Boy Abunda, sinabi niyang humingi muna siya ng permiso sa actor-turned-politician.

“I asked permission. Sabi ko, ’Puwede bang idetalye ko na lang para wala nang paliguy-ligoy?”

Ayaw rin daw ni Kris na ma-misinterpret ang ginawang pagbisita ni Mayor Herbert sa kanyang bahay.

“Ang sinabi niya, ’Ayoko lang isipin ng mga tao dahil malapit na ang eleksiyon, baka magalit ulit ang pamilya mo at ikaw, kung ano’ng isipin mo.’

"Sabi ko, ’Hindi.’”

Pagpapatuloy ni Kris, nang magkaroon siya ng allergy kamakailan ay kinumusta siya ng alkalde.

“Nung nagkasakit ako, he went out of his way to check kung kamusta ako, nung naospital ako and all.

“And then, nag-wish naman siya ng good luck nung magsu-showing [ang Feng Shui 2].”


HERBERT’S CHRISTMAS INVITE TO KRIS. Pagbubunyag pa ng actress-TV host, “Actually kasi, what happened was, I think two days before mag-Pasko, nagtanong siya na, ’Puwede bang mag-lunch sa bahay mo on Christmas Day.’”

Sinundot ito ni Boy ng tanong kung bilang magkaibigan ang imbitasyon ni Herbert.

Sagot ni Kris, “No.

“Sinabi ko na, ’Uy, HB [Mayor Herbert], babae pa rin ako. May meaning pa rin ang Pasko. Huwag na lang naman sa Pasko. Puwede naman tayong magkita sa ibang araw or kung ano.’

“I just said na, ’Even if we’re already friends, I’m still a girl and at some point, we shared something special.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ’Kung pupunta ka dun, baka kung ano pang interpretation ang ibigay ko. Ibang araw na lang.’

"’Tapos I forgot about it na.

“’Tapos sinabi niya, ’Ang arte mo naman, magma-mangga lang tayo at magba-barbecue.’

"Nagpadala naman siya ng dalawang kaing na mangga."


THE SURPRISE VISIT. Idinetalye rin ni Kris kung paano nangyari ang pagbisita ng alkalde sa kanyang bahay noong Linggo at ipinalabas sa Kris TV nitong Lunes.

Pag-amin ni Kris, nagulat siya sa effort ni Mayor Herbert.

“Nagkamustahan kami [nung Sunday] kasi I knew that today [Monday, December 29] was last day of work, ’di ba?

"Sabi ko, ’Toxic Monday. Good luck,’ ganyan.

"Sabi niya, ’Nasa’n ka?’

"Sabi ko, ’May pamisa sa bahay for the staff, ’tapos may taping kami.’

"Sabi niya, ’Ako nasa Novaliches.’

“And then, sa kalagitnaan ng Mass, dumating. ’Tapos sinabi ko, ’O, gusto mo bang maki-pray?

"’Tapos sinabi niya, ’Nagsimba na ’ko dalawang beses, lalagpas langit na ako!’

"Dun po nanggaling yung ’echosero.’ Yun lang ’yon."

Sa Kris TV, episode kung saan ipinakita ang pagbisita ni Mayor Herbert kay Kris, maririnig ang actress-TV host na sinabihan niya ng “echosero” ang alkalde ng Quezon City.


NO OTHER MEANING. Nilinaw rin ni Kris na walang ibang pakahulugan ang pagbisita ni Mayor Herbert sa kanya bukod sa pagkakaibigan.

“Kasi kung anuman yung reasons why it did not work for us, very valid yung reasons because there were children involved.

“May nabasa ako recently na ang mga tao daw na pinapatawad mo, ginugusto mong maging kaibigan kasi hindi mo kaya na mawala sila sa buhay mo.

“The reason I’m able to say that is because tanggap siya ni Bimb [Bimby]. Bimb has no discomfort about him.

"Alam mo naman si Kuya [Joshua, Kris’s eldest son] lahat tinatanggap, mabait.

“Si Bimb ang medyo opinionated and the fact that he’s [Herbert] okay with my son, then I want us to really remain as friends.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiusap pa ni Kris, “Huwag niyo lang lagyan ng any other kahulugan.

"Apart from the fact na, I think, on his part, it was a genuine effort to say, ’Uy, Kris, kung anuman ang nangyari sa atin, pasensiya na, pero ’eto, andito ako kasi gusto kitang i-congratulate at gusto kong makita mo na um-effort ako.’

“And sana hindi na nila lagyan ng any other kahulugan apart from the fact that we managed to become friends.

“The year started, we rekindled the friendshIp and the year is ending, I can safely say that he’s really one of my closest friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN