Stars post Dindong-Marian wedding photos and video on social media

Malaki ang naging papel ng bagong kasal na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa pagkakaluklok bilang pangulo ni Presidente Noynoy Aquino. Sabi nga ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post na kasama nina Marian at Dingdong si PNoy: "PNoy w/ the n


Masasabing maningning talaga ang kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, ngayong araw, December 30, dahil sa dami ng mga bituin na dumalo at sumaksi sa kanilang pag-iisang-dibdib.

Si KC Montero, matalik na kaibigan at kontrabida ni Dingdong sa Metro Manila Film Festival 2014 movie na Kubot, ay nag-share sa kanyang Instagram ng wedding kiss nina Dong at Yan.

You may now kiss the bride, congrats to the newlyweds @therealmarian @dongdantes

A video posted by kc montero (@kcmontero) onDec 12, 2014 at 1:04am PST

Kinunan naman ni Kris Aquino ang kanyang kapatid na si Presidente Noynoy Aquino habang nagpapa-picture ito kasama ng bagong kasal.

Malaki rin kasi ang naging papel ng bagong mag-asawa sa pagkakaluklok sa posisyon ni PNoy. Sabi nga ni Kris sa kanyang post: "PNoy w/ the newlyweds. Our family will forever be grateful for the support @dongdantes & @therealmarian gave us 2009-2010 Presidential Campaign. #friendsforlife #DM123014 ❤️❤️❤️"

Post naman ni Regine Velasquez-Alcasid kasama ng larawang ito: "Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails.(‭1 Corinthians‬ ‭13‬:‭4-8‬ NIV) 😊 God Bless"

Ang best friend ni Marian na si Roxanne Barcelo, masaya rin na sa wakas ay kasal na ang kaibigan.

FINALLY💒

A video posted by roxannebarcelo (@roxannebarcelo) onDec 12, 2014 at 1:15am PST

Ni-regram naman ni KC Concepcion ang IG post ng photographer na si Mark Nicdao—ang paglakad ni KC kasama si Senator Bam Aquino bilang mga abay sa kasal.

Tila nagustuhan din ni KC ang ginamit na music sa kasal nina Dong at Yan. Post pa niya: "❄️👰❄️ (Huling El Bimbo by Eraserheads, instrumental/classical version now surrounding the Cathedral on strings!!!) #DongYanTheWeddingDay #JourneyToDDay"

Bukod sa mga celebrities na dumalo ng kasal nina Dingdong at Marian, marami rin sa fans na nasa loob din ng simbahan ang nag-post ng mga larawan at videos ng kasal ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman hindi kataka-taka na No. 1 sa Twitter ang #DongYanWedding.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN