Dingdong Dantes-Marian Rivera wedding sidelights: Kris and Ai-Ai reconcile; Sharon no show; PNoy keeps his promise

Marian Rivera and Dingdong Dantes finally tie the knot. The two Kapuso stars were wed at Immaculate Conception Cathedral earlier today, December 30.


Sa wakas ay nauwi na rin sa kasalan ang pagmamahalan ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong Martes ng hapon, December 30, sa Immaculate Conception Cathedral, sa Cubao, Quezon City.

Sa nasabing simbahan bininyagan si Dingdong at malapit din ito sa kanilang ancestral home.

Kitang-kita sa mga mukha nina Dingdong at Marian ang walang pagsidlang kaligayahan habang ginaganap ang kanilang kasal—mula sa paglalakad patungong altar hanggang sa ideklara na silang “Mr. and Mrs. Dantes.”

Parehong nakasuot ng puti sina Dingdong at Marian.

Ang tuxedo ni Dingdong ay gawa ni Randy Ortiz, habang ang bonggang wedding gown naman ni Marian ay dinisenyo ng Dubai-based fashion designer na si Michael Cinco.

Si Dingdong ay dumating sa simbahan sakay ng kanyang Ducati motorcycle, habang si Marian naman ay sakay ng Mercedes Benz.


VIEW PHOTOS: 12 #DongYanWedding Details


STAR-STUDDED. Punung-puno ang loob ng Immaculate Conception Cathedral, at napakagandang tingnan na halos karamihan sa imbitadong guests ay sinunod ang pakiusap nina Dingdong at Marian na mag-formal at red o black na suot.

Maituturing na isa na marahil sa pinaka-star studded na kasalan ang kina Dingdong at Marian.

Maliban sa Megastar na si Sharon Cuneta, dumalo ang lahat ng principal sponsors na celebrities: sina Batangas Governor Vilma Santos, Vic Sotto, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Helen Gamboa, Celia Rodriguez, German Moreno, at Kris Aquino.

Naroon din sina Atty. Felipe Gozon, Jimmy Duavit, Lilybeth Rasonable, Wilma Galvante, Lily Monteverde, Wilson Tieng, Tony Tuviera, Mark Reyes, Mac Alejandre, at Joyce Bernal.

Marami nga ang tumukso kay Direk Joyce dahil sa unang pagkakataon ay nakita itong nakasuot ng red gown.

Kasama rin sina Perry Lansigan, Lolit Solis, Dra. Vicki Belo, Randy Ortiz, at Ben Chan.

Lalong nagpaningning sa kasalan ang pagdalo nina Ai-Ai delas Alas, Richard Gomez, Lucy Torres, KC Concepcion, Gabby Eigenmann, Senator Bam Aquino, Ana Feleo, Roxanne Barcelo, Alden Richards, Kristoffer Martin, Paolo Contis, KC Montero, Carlo Gonzalez, at Arthur Solinap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naroon din sina Bianca Gonzalez, Agot Isidro, Rochelle Pangilinan, John “Sweet” Lapus, Pauleen Luna, Bettina Carlos, Luane Dy, Pam Quiñones, Liz Uy, at Ryzza Mae Dizon.

Tinupad naman ni Presidente Noynoy Aquino ang pangako niyang darating siya sa kasal nina Dingdong at Marian bilang Witness of Honor.

Pero hindi na sumamang nagmartsa si PNoy, gayundin ang bridesmaids at groomsmen.

Naging daan din ang kasal nina Dingdong at Marian sa pagbabati nina Kris at Ai-Ai delas Alas.

Read: Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas kiss and make up at DongYan wedding

Present din sa wedding si Quezon City Mayor Herbert Bautista, na isa sa nag-ayos sa daloy ng traffic sa paligid ng simbahan.

THE FANS. Mahigit 120 fans o DongYan supporters ang personal na nasaksihan ang pag-iisang dibdib nina Dingdong at Marian. Nagkaroon din sila ng pagkakataon sa picture-taking pagkatapos ng seremonya.

Nag-set up naman ng bleachers sa labas ng simbahan kunsaan may malaki ring video wall para mapanood ng fans ang mga kaganapan sa loob ng simbahan.

Ang Hail Mary The Queen at Ateneo Boys Choir ang umawit sa misa.

Sa pagkakaalam namin, ang orchestra ay regalo naman ni Ana Feleo, isa sa maids of honor.

Nagbasa ng Prayer of the Faithful sina Sheena Halili, Glaiza de Castro, Julie Anne San Jose, at ang manager ni Marian na si Rams David.

Sa offertory naman ay nakasama nila sina Alden Richards at Kristoffer Martin.

Sa kabuuan, masasabing solemn at organisado ang naging kasal nina Dingdong at Marian, sa kabila ng dami ng tao at presence ng maraming celebrities.

Napakaganda ring tingnan na kumpleto ang pamilya nina Dingdong at Marian sa araw ng kanilang kasal.

Si Dingdong ay hinatid sa altar ng mga magulang niyang sina Sixto Dantes Jr. at Ma. Angelita Dantes.

Si Marian naman ay hinatid ng kanyang ina na Amalia delos Santos, lola na si Francisca Rivera, at ang ama na galing pa ng Spain na si Francisco Gracia Javier Alonso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkagaling sa simbahan, dumiretso na sina Dingdong at Marian at ang kanilang mga bisita sa MOA Arena para sa reception.

Sumakay sina Dingdong at Marian sa restored Maserati car ng aktor.

Inaasaahang mas marami pa ang dadalo rito bukod pa sa mga nagpunta sa simbahan.

VIEW PHOTOS: 10 Things to love about the #DongYanWedding


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN