Kris Aquino makes the first move to make peace with Ai-Ai delas Alas

Kris Aquino on approaching Ai-Ai delas Alas before the start of DongYan wedding: “Normally kasi, pagkatapos ng Pasko at papasok ang new year, iisipin mo na, ‘di ba, you want to start fresh. And then, so I tried. Naglakas-loob na ako, na I was prepared naman na baka hindi niya ako papansinin.”


Isa sa magandang pangyayaring nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pag-iisang dibdib nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Martes ng hapon, December 30, ay ang pagbabati nina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas.

Habang hinihintay ang pagsisimula ng wedding ceremony, nasa labas ng Immaculate Conception Cathedral ang lahat at namataan naming masayang nag-uusap sina Ai-Ai at Batangas Governor Vilma Santos.

Ilang sandali lang, dumating si Kris at lumapit sa umpukan nina Vic Sotto, Pauleen Luna, Senator Tito Sotto, at Helen Gamboa.

Pagkatapos niyang bumati, nilapitan ni Kris si Ryzza Mae Dizon at humalik.

Halos magkatabi sina Ryzza Mae at Ai-Ai.

Pagkatapos nito ay nilapitan ni Kris si Ai-Ai at hinawakan sa braso.

Saglit natulala si Ai-Ai nang makita si Kris, at nagkayakapan silang dalawa.

“May dala ako sa ‘yo. May peace offering ako sa ‘yo,” bati ni Kris kay Ai-Ai.

Dagdag pa ni Kris, habang kayakap si Ai-Ai, “Mahal na natin ang isa’t isa.”

Sabi naman ni Governor Vi, na saksi sa pagbabati ng dalawa, “It’s about time.”

Ang Star For All Seasons na rin ang nag-ayos na magpa-picture sila na magkatabi sina Kris at Ai-Ai.

FORGIVE & FORGET. Halos hindi naman nakapagsalita si Ai-Ai nang tinanong ng PEP kung ano ang nararamdaman niya.

“Happy new year. Ano, e… ganun ang life.

“New year naman, happy new year, and past is past.”

Saad pa ng 50-year-old actress, “Ang buhay natin, sabi nga sa akin ni Bro Bo [Sanchez]… kasi sa age ko ngayon, second part of my life na, e.

“Kumbaga sa play, may first part, may second part.

“Now is the second part of my life.

“Sabi nga, more compassion, more love, more happiness.

“Yung mga ibang mga bagay na mga ano…puwede na natin palagpasin.”

Sabi naman ni Kris, pinaghandaan niya itong pagkikita nila ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-order daw siya ng iba’t ibang kuwintas bilang peace offering sa dati niyang “friendship.”

Aniya; “Actually, sabi ng mga sisters ko, na sinabi nila sa akin na, ‘Krissy, para makumpleto… you make peace.’

“’Tapos sinabi nila sa akin, ‘Ikaw mag-reach out dahil ikaw dapat.’

“So, ginawa ko naman.”

Patuloy pang pahayag ng Queen of All Media, “Marian devotee kasi kaming dalawa, so ang regalo ko, Mama Mary yun na in-order ko na ano… na may Mama Mary, may Jesus, may scapular.

“Iba-iba yun na mga necklace, na sabi ko, what binded us together, even when we’re working, was pareho talaga kaming madasalin.

“So, ang nakalagay dun na isinulat ko na, ‘I pray na your heart is ready to forgive me and that we can be friendships again.’ Yun lang.”

Noong nakaraang kaarawan pa raw sana ni Ai-Ai gustong batiin ni Kris ang komedyana, pero baka hindi pa raw ito handa.

At tingin niya, ngayon ang tamang panahon.

Kuwento pa niya, “Normally kasi, pagkatapos ng Pasko at papasok ang new year, iisipin mo na, ‘di ba, you want to start fresh.

“And then, so I tried. Naglakas-loob na ako, na I was prepared naman na baka hindi niya ako papansinin.”

Sa dami raw ng blessings na natatanggap niya, na lahat na hiningi niya ay ibinigay sa kanya ng Diyos.

Sana nga raw ay maging magkaibigan sila uli ni Ai-Ai at makalimutan na ang hindi nila magagandang nakaraan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN