Manila Vice Mayor Isko Moreno spat at by Sudanese arrested for jaywalking

Ang 23-anyos na Sudanese pilot student na si Amro Aboud Hassan Eiteyab sa Manila Police District na akmang maninipa katabi si Manila Vice Mayor Isko Moreno. Hinuli umano ang banyaga dahil sa jaywalking.


Siniko at dinuraan ng isang Sudanese student pilot si Manila Vice Mayor Isko Moreno matapos hulihin ang nasabing banyaga dahil sa salang jaywalking nitong Martes ng hapon, December 30, ayon sa ulat ng GMA News Online.

Lumalabas sa unang imbestigasyon na nahuling nag-jaywalking ang Sudanese student pilot sa bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila.

Sa tweet ng dzBB reporter na si Manny Vargas, kinilala ang nasabing banyaga bilang si Amro Aboud Hassan Eitayeb, 23 anyos.

Sa panayam ng dzBB, idinetalye ni Vice Mayor Isko kung paano hinuli si Eitayeb at kung paano nito siniko at dinuraan ang bise-alkalde.

“Itong foreigner na ito, tumawid sa gitna while green ang stoplight. Bakit daw namin inaaresto.

"Nang tinatabi namin, siniko ako. [Nang dinadala] sa presinto, dinuraan ako sa likod.

“Medyo malaking tao kaya malakas pumalag, hindi natin papayagan ito.”

Matapos mahuli, dinala ang Sudanese pilot student sa Manila Police District’s General Assignments Section.

Base sa tweet ni Manny, lasing umano ang dayuhan at tinangka pa raw niyang saktan ang district director sa police district na pinagdalhan sa kanya nang ipapa-check-up sana ito.




Nag-post din ng larawan sa Twitter ang dzbb reporter kung saan makikitang nasa presinto si Vice Mayor Isko at ang Sudanese na tila mananadyak habang nakaupo.

Ayon sa caption ni Manny: “Akmang maninipa ng babae ang Sudanese na sinita dahil sa jaywalking pero siniko pa at dinuraan si VM Moreno.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN