Kris Aquino on rekindling romance with Mayor Herbert Bautista: "It’s not for me to decide."

Wala raw problema kay Kris Aquino kung sakaling magkaroon ng part two ang pag-iibigan nila ni Mayor Herbert Bautista. Pero aniya, "Ako, walang problema sa side ko, e. Walang problema sa mga kapatid ko. Wala akong problema sa mga anak ko. Siguro, ang sa kanya."


Maaga pa lang, habang hinihintay ang pagdating ni Marian Rivera sa simbahan sa kasal nila ni Dingdong Dantes sa Immaculate Conception Cathedral kahapon, December 30, isa sa unang kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Napangiti si Mayor Herbert nang tinanong siya tungkol sa surprise visit niya kay Kris kamakailan lang.

Pagkatapos nun ay lumutang ang intrigang magkakabalikan na raw silang dalawa.

Read: Kris Aquino gets a surprise visit from Mayor Herbert Bautista

“Wala,” mabilis na sagot niya nang tinanong namin tungkol sa isyung pagbabalikan nila ni Kris.

Patuloy ni Mayor Herbert, “Kahit ako nagugulat din sa mga tsismis.

“Nag-congratulations lang ako sa kanya sa pelikula at ‘Merry Christmas’ at ‘Happy New Year’ na rin.

“Okay naman kami, barkada lang at kaibigan.”

KRIS’S REACTION. Nakausap din ng PEP kahapon si Kris, na isa sa mga ninang sa kasal nina Dingdong at Marian.

Nang tinanong namin si Kris tungkol sa isyung pagbabalikan diumano nila ni Mayor Herbert, sandali siyang nag-isip bago sumagot.

Aniya, “Ayoko sanang pag-usapan kasi I really didn’t expect, and ayokong may mali akong masabi na ika-upset pa ng mga anak niya.

“Ayoko rin na mabahiran pa siya ng intriga.”

Pero kuwento niya, “Tinext niya ako na sinabi niya na, ‘Ayokong ma-misinterpret ng family mo at ng mga fans mo at sabihin nila na dahil papasok ang 2015, ginawa ko ‘to dahil mag-i-eleksyon.’

“In the event na he goes for a higher post, na baka mag-national siya, ayaw niyang pag-isipan siya.

“At ako rin naman, ayokong pag-isipan siya, kasi I care for him na pag-isipan siya nang ganun.”

Matagal na namang nag-isip si Kris nang tinanong siya uli tungkol sa posibleng pagbabalikan nila, o kung kailan sila magkaka-‘part two’ ni Mayor Herbert.

Sagot ni Kris, “It’s not for me to decide, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, walang problema sa side ko, e.

“Walang problema sa mga kapatid ko. Wala akong problema sa mga anak ko.

“Siguro, ang sa kanya."

Dagdag pa ni Kris, “Siguro I have to pay tribute to Harlene [Bautista, Herbert’s sister], kasi siya talaga ang gumawa ng paraan para maging friends uli kami ng kuya niya.

“Naramdaman ko na she was so good to me. She even visited me sa shooting, nagpadala siya ng food, may regalo siya sa akin.

“Sabi ko nga, kung ma-bless man kami at may magandang mangyari, ang suwerte ko dahil, ‘di ba, normally, katatakutan mo ang sister-in-law?”


THANKFUL TO BIMBY. Nagpasalamat din si Kris sa kanyang mga anak, lalo na kay Bimby na gusto na rin daw magka-boyfriend siya.

Kuwento ng Kapamilya actress-TV host, “Na-touch ako kay Bimbs na sinabi niya na, ‘Mama, you know, I really pray that you’ll have a boyfriend who’ll love you because Papa is happy, so you should be happy.’

“Cute, ‘di ba? Touched na touched ako sa kanya sa kanyang winish na yun.

“’Tapos sinabi ko sa kanya, ‘But Bimb, you said on TV that eleven years old pa puwede…’

“’Pag eleven na raw siya. So, sabi ko, four years pa.

“’Tapos sabi niya, ‘No, Mama, tomorrow.’

“O, love niya ako talaga!”

Hindi na natapos ang panayam namin kay Kris nang biglang lumapit sa kanya si Mayor Herbert para bumeso.

Automatic na bebeso na sana si Kris, pero gulat na gulat ito nang napansin niyang si Mayor Herbert pala ang nasa harapan niya.

“Oh, my God! I’m talking about you!” bulalas niya sabay hampas kay Mayor Herbert na hindi natuloy ang pagbeso sa kanya.

“Ayoko na magsalita!” tili ni Kris at tinapos na ang aming pakikipag-usap sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN