Antoinette Taus does not mind not being invited to DongYan wedding: “Oh, my gosh! No, no, baka drama pa yun."

Antoinette Taus says it’s okay that she was not invited to the wedding of Marian Rivera and ex-boyfriend Dingdong Dantes. Meanwhile, she has started taping for her comeback TV show, but she is not telling yet on which network: "Surprise pa raw ito. Bawal magsalita.”


Siguradong magiging maganda ang pasok ng 2015 kay Antoinette Taus ngayong magkakaroon siya ng comeback TV show, pero kung saang network ay hindi pa niya gustong sabihin.

Sabi lang ng dating teen actress, “Hindi ko pa puwedeng sabihin kung anong network at saka sinu-sinong kasama pero we’re already taping.”

Tila kinikilig na ibinalita ito ni Antoinette sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 27 sa awards night ng Metro Manila Film Festival 2014.

Kailan dumating ang offer na ito?

“Actually, a few months ago pa, so nag-taping na ako mga two, three months ago pa.

"May mga changes lang sa script, sa story. Pero excited ako for next year.”

Babalik na ba siya sa home network niya?

“We’ll see. Surprise pa raw ito. Bawal magsalita.”

STAYING PUT. Ang lalabas na show ang unang regular TV appearance ni Antoinette mula nang bumalik siya galing ng U.S.

Matagal-tagal ding nawala siya sa circulation nang mag-migrate siya sa U.S. kasama ang kanyang pamilya.

Dito isinulong ni Antoinette ang talent niya sa singing. Na-post ang ilan niyang singing engagements sa YouTube.

Tungkol naman sa pananatili niya rito sa ’Pinas, “Masaya. Super!

"Grease really went well, I’m so happy about the reviews and rating," saad niya tungkol sa local version ng musical na ginawa niya kamakailan lang.

At saka, “…yung soap, masayang-masaya ako sa casting, sa story, I can’t wait.”

Ano ba ang magiging role niya sa story?

“Gosh! Basta, maraming drama dito.

"Hindi naman ako kontrabida dito, hindi rin mother or anything like that.

"Basta, maraming drama, love-love.”

Ibig bang sabihin nito ay magtatagal siya sa Pinas?

“Yeah, it looks like it, nag-sign na ako with Viva [Artists Agency, talent management arm of Viva Films].

"I’m doing the soap and, hopefully, I’ll be doing another musicale, which I love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, we’ll see.”

Pagdating naman sa recording?

“Yes, I’m actually releasing a single very soon with Viva Records.”

NOT INVITED. Samantala, nagugulat si Antoinette sa mga nakakarating na balita sa kanya na naimbita siya sa wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Mariin niyang tanggi, “Oh, my gosh! No, no, baka drama pa yun.

“Of course, if they invite me, wala namang problema, I would love it then.

"But siyempre, I respect that sacred day, whatever they want.

"Yun na yun.”

Si Dingdong ay ex-boyfriend ni Antoinette noong magka-love team pa sila at magkasama sa TGIS, ang top-rated youth-oriented series nong 1990s.

Hindi pa ba sila nagkikita ng aktor?

Sagot ni Antoinette, “Hindi pa kami nagkikita.

"Kaming tatlo [with Marian] hindi pa kami nagkikita.

“Nagkakataon na nagkakasali, pero baka ngayon, hindi natin alam.”

Matagal na raw nakapag-move on sila ni Dingdong sa isa’t isa, “Matagal na matagal na, ginagawan na lang ng intriga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN