Jennylyn Mercado bedridden on Christmas day: "Pinaka-boring na tao siguro ako sa buong mundo nung mga panahong yun.”

In bed for one month after a surgery due to over-exercise, Jennylyn Mercado resolves, "...huwag aabusuhin ang katawan, gano’n lang siguro talaga. Kailangan laging lahat limited, laging nasa lugar. Hindi inaabuso ang ating katawan.”


Nakaratay si Jennylyn Mercado sa nitong nakaraang Kapaskuhan dahil sa operasyon niya sa tuhod.

Sinabi nitong na-overwork daw ang kanyang binti kaya sumasailalim siya sa surgery.

Saad niya, “Na-overwork… dahil sa mga ginagawa ko. Napudpuran ako ng cartilage, napunitan ako.

"Kaya medyo halos isang buwan akong nakahiga.

“Nakakalungkot, actually, hindi yung pain, e.

"Yung mental, yung nakahiga lang ako. Hindi ako puwedeng mag-exercise, hindi ako puwedeng maglakad.

"Wala akong magawa, ang taba ko na.

“E, sanay yung katawan ko na laging nag-i-exercise. Kaya ’ayun.”

Nakausap si Jennylyn sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago pa siya pumasok sa PICC Plenary Hall noong Metro Manila Film Festival 2014 awards night, December 27.

Dito ay tinamo nila ni Derek Ramsay ang Best Actor at Best Actress awards para sa pelikula nila na English Only Please.

Okey naman daw na ang aktres pero, "Masakit pa rin siya, e. Pinipilit ko lang maglakad pero masakit pa rin siya talaga.”

Makakabalik pa ba siya sa workout routine niya?

“After a month.”

BORINGEST CHRISTMAS. Sa nangyari sa kanya, nakapag-isip-isip si Jennylyn na, "...huwag aabusuhin ang katawan, gano’n lang siguro talaga."

Saad pa niya, "Kailangan laging lahat limited, laging nasa lugar.

“Hindi inaabuso ang ating katawan.”

Paano siya nag-celebrate ng Pasko?

“’Ayun, sa kuwarto lang, sa bahay. Dumating naman yung mga relatives ko”

May nagpangiti ba sa kanya na hindi niya kamag-anak?

“Mga friends ko, binati ako. Yung team ko laging nandiyan. Naawa rin sila sa akin kasi hindi ako makagalaw, e.”

Hindi raw dumalaw si Derek sa bahay niya, pero lagi raw ito nangangamusta sa kanya.

“Oo naman. Yun, ano yun.

"Walang tigil sa kakamusta yun, nag-aalala siya talaga.

“Gusto lang niya akong makapag-relax, makapagpahinga nang mabuti.

"Wala talaga akong ginagawa.

"Pinaka-boring na tao siguro ako sa buong mundo no’ng mga panahong yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo ay hindi rin daw bumisita sa kanya.

Natsismis ang tungkol sa pagbabalikan nila ng aktor nang diumano ay may nakakita sa dalawa na magkasama sa Podium kamakailan lang.

Paliwanag niya, “Ah, nag-workout siguro kami. Pareho kami ng coach, e.”

THANKFUL. Ngayong 2015 ano naman ang inaasahan niyang kaganapan sa kanyang career?

“Concert ngayong February. Meron kaming Valentine’s show sa SkyDome.

"Parang thank you concert lang, reminding everyone na okey lang maging single, okey lang maging mag-isa.”

Nagpapasalamat din si Jennylyn sa mga tumangkilik ng kanilang movie ni Derek at umaasa rin siyang masundan pa ng mga romantic-comedy-light drama ang mga susunod niyang gagawing pelikula.

“Sana, gusto kong masaya, e. Iba talaga ang feeling na ’pag uuwi ka ng bahay, masaya ka.

"Hindi gaya ng iyak ka nang iyak sa mga eksena.

"Parang ang bigat ng pakiramdam.”

Second Chances daw ang pamagat ng susunod niyang TV show.

Para kay Jennylyn, magandang regalo sa kanya ang natamong tropeyo para sa mahusay niyang portrayal ng character niya sa English Only Please.

Saad pa ng Kapuso actress, “Unang-una kong pinasalamatan sa speech ko si Lord.

"Kasi ang ganda ng Christmas gift na ito bago isara ang taon na ito. So, thank you po.”

Sa pagwawagi niya ng award, mas malaking pressure ba ito na husayan pa niya ang pagiging aktress?

Pakli niya, “Dapat naman talaga.”

Umaasa ba siyang makakahatak sa box office ang pagwawagi nila ni Derek ng award?

“Opo, sana, pero lagi kong sinasabi na ang pinakaimportante sa amin ay lumabas ng sinehan yung mga tao na masaya.

"Na hindi nasayang yung ibinayad nila sa panonood sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN