Christian Bautista prefers loveless Christmas "kesa madaliin mo"

Christian Bautista doesn’t mind autioning for reality singing contest. “I’d do it," he says. “Pero siyempre merong pride issue diyan na kailangan mong lunukin kung matalo ka."


Nitong nakaraang Pasko ay miyembro si Christian Bautista ng “samahang malamig ang Pasko.”

Mula noong naghiwalay sila ni Carla Dunareanu, loveless pa rin ang male balladeer hanggang ngayon.

“Two years na,” ang natatawang bulalas ni Christian.

Hindi ba siya nahihirapan na wala pa rin siyang nakikitang babae na mamahalin niya?

“Siyempre iniisip mo, ‘Isipin ko lang ating nagdaang Pasko,'” at sabay-kanta ni Christian sa Christmas song ni Kuh Ledesma.

“Hindi ano, siyempre minsan, mami-miss mo, tao lang naman tayo, e. Pero kesa madaliin mo.”

Pero inamin ni Christian na lumalabas-labas siya.

“Ano lang naman, yung mga ano lang, mga meeting, group date, date, ganyan. Hindi pa ano, nothing serious.”

Artista rin ba ang nakaka-date niya?

“Hanggang dun na lang yun,” pag-iwas niya na magbigay ng detalye.

“Maarte, maarte, ako. Ako ang maarte,” at muli siyang tumawa.

May mga crush naman raw siyang female celebrities.

“Meron naman. Ayan sina Anne [Curtis], sina Angel [Locsin]. Si Marian [Rivera], si Jennylyn [Mercado].”

Halos lahat ng crush niya ay taken na, wala ba siyang crush na single o walang karelasyon?

“Siguro magne-namedrop lang ako sa press ng crush ko kung may plano na talaga ako.”

Nakausap namin si Christian kamakailan sa taping ng Strawberry Lane na magtatapos na this week sa GMA.


AUDITIONS. Samantala, nitong nakaraang Pasko ay sa bahay nila sa Cavite nag-celebrate si Christian kasama ang kanyang pamilya.

Pagkatapos ng Ghost The Musical ay wala pang alam si Christian na susunod niyang stageplay.

“So tingnan natin next year [2015] kung ano yung puwedeng audition-an natin.

"Pero I’m always looking out for...'Di ba merong Saturday Night Fever e puro sayaw naman lahat yun, hindi naman yata ako puwede dun,” at tumawa si Christian.

Hindi raw kaso sa kanya ang mag-audition sa isang play kahit pa artista.

“I don’t mind auditioning kung yung role talaga is worth auditioning for.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nagsimula naman ako, ang dami kong failed auditions, e.

“It just means na no, it’s not for you or it’s not the right time or meron ka pang kailangang i-develop, parang ganun.”

Speaking of auditions, may mga professional singers na nag-o-audition sa The Voice Philippines, gagawin kaya iyon ni Christian?

“Okay, depende sa career path or choice mo. Kasi, would I do it?

“Halimbawa, I’m promoting an album, I’d do it. I’d do it.

“Pero siyempre sa Bet Ng Bayan tayo kasi The Voice is ano,” at tumawa ang Kapuso star.

Nasa ABS-CBN ang The Voice at sa GMA naman ang Bet Ng Bayan.

“I’d do it.

“Pero siyempre merong pride issue diyan na kailangan mong lunukin kung matalo ka.

“Pero ang nakakatawa, iyan yung ginagawa na namin sa Sunday All Stars nung competition pa, na mahirap matalo.”

Pero noong may ganoong concept pa ang SAS ay by group kasi ang competition, hindi solo.

“...as leader, ang dami kong talo, as leader. So sa akin yung burden. Masakit din yun. Mahirap.

"So after nun, galingan mo na lang. So gumagaling ka lang naman kapag nasaktan ka na, e.”

Binago na ang concept ng SAS, wala nang kumpetisyong nagaganap among the stars’ production numbers sa show.

Going back to auditioning and failing or winning…

“That’s what it is, alam mo yun? It’s an opportunity, it’s a risk, e.

“Mas masarap manalo kapag ni-risk mo ang isang bagay kesa sa entitlement. Honestly, I had my days na I felt entitled, parang, ‘Bakit hindi ako nilagay diyan e ako yung mas ano?’

“Meron akong mga araw na ganun na nire-regret ko ngayon, kasi ako talo, e.

“So rather than maging entitled ako, why not just work for it and get it?

“Mas masarap kasi parang, masakit kapag hindi ka nakuha, oo naman, siyempre. Pero at least tinry mo kesa sa hindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, napag-alaman namin na bukod sa kanyang showbiz career ay isang businessman na si Christian.

Meron siyang mga townhouses for rent sa hometown niya sa Imus, Cavite.

“Upa 'tsaka benta.”

Labing-apat ang townhouse units na pag-aari ni Christian.

Ang kapatid ni Christian ang nagma-manage ng kanyang negosyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN