Ai-Ai delas Alas excited about 2015: "More fun in the Philippines, more tsika, more fun."

This year marks Ai-Ai delas Alas’s 25th anniversary in showbiz and she is celebrating it with a bang. "Magku-concert ako, isa itong malaking concert. Siguro, sa MOA [Mall of Asia] Arena," she says.


Kumpleto ang holiday season para sa Concert Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Bukod sa pagdating galing sa Amerika ng kanyang dalawang anak sa singer na si Miguel Vera, sina Sofia at Sean Nicolo, pumirma na rin sa GMA Artist Center ang kanyang panganay na anak na si Sancho delas Alas bilang contract star.

Huwag nang banggitin pa ang masayang lovelife niya sa piling ng boyfriend na si Gerald Sibayan.

Kaya looking forward daw siya for a better 2015.

At ang drama raw niya sa taong ito ay "More fun in the Philippines, more tsika, more fun."


ANNIVERSARY SHOW. Ang isa pang magandang balita ay magsi-celebrate siya ng kanyang 25th year anniversary sa showbiz sa taong ito.

Tuloy, marami ang naku-curious kung ano at kung meron nga ba siyang pasabog sa selebrasyong ito.

Saad ni Ai-Ai, "Oo naman, ano ba naman?

"Twenty-five years, siyempre, kaya, magku-concert ako, isa itong malaking concert.

"Siguro, sa MOA [Mall of Asia] Arena.

"Kasi rin... five years na rin yung CG namin, yung Caring Group namin ni Bro. Bo Sanchez.

"Meron din kaming isang malaking concert sa Araneta [Coliseum] o sa MOA din.

"Pero in line ito sa birthday naman ni Mama Mary.

"Lagi naman naming sini-celebrate yun, pero this time, malaking celebration yun.

"Kahit nga nitong Pasko, dun pa rin kami sa charity namin."


HIGHLIGHTS. Pagkatapos nito ay nagbalik-tanaw siya sa highlights ng kanyang 25 years sa industriya.

Kuwento ni Ai-Ai, "Of course, yung Tanging Ina [2003] na super-super box office talaga.

"Thankful ako kay Lord... despite na iba na ang buhay natin, napatagal niya ako ng twenty-five years sa showbiz.

"Mahirap yun, sa buhay ngayon, mahirap.

"At saka yung mga pagsubok, lahat na.

"Siyempre, yung first TV [appearance ko] na kasama ko pa sina Aiko Melendez, Carmina Villarroel, at Ruffa Gutierrez.

"Yaya pa ako nila dun, ako ang tagapag-alaga sa kanila dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang TV sitcom na 13, 14, 15 sa Channel 13.


WISHES FOR DONGYAN. Samantala, bago pa man ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30 ay nabanggit na ni Ai-Ai ang magiging role niya dito.

Saad niya, "Abay ako, 'di ba? Sa veil ako.

"Nakakabata, 'di ba? Sa veil ako.

"Yung gown ko, Michael Cinco yun."

At ang wish naman niya sa newlyweds ngayon, "Sana, tumagal sila nang tumagal nang pagkatagal-tagal.

"Sana tumagal sila ng fifty years at ikasal sila ulit.

"Ang sarap kung sakaling mangyari talaga yun."

Hindi ba siya naiinggit sa dalawa? May plano pa rin ba siyang magpakasal sa takdang oras?

Sabi pa niya, "Siguro naman, pero 'wag naman kaagad-agad.

"Alam niyo naman ang pinagdaanan ko, 'di ba?

"Ano ba 'yan? Siguro, after seven years pa.

"Wala akong paaialam, kahit sabihin nilang matanda na ako, e, ano naman?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN