Dingdong Dantes, Marian Rivera continue to receive positive messages from well-wishers

The outpouring of good wishes is endless, proof that Dingdong Dantes and Marian Rivera are one of the well-loved couples in showbiz.


Apat na araw na ang nakalilipas mula nang magpalitan ng “I do's” ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Cathedral of Immaculate Conception, Cubao, Quezon City.

Ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong pinag-uusapan ng marami dahil sa laki at ganda ng wedding at reception.

Nag-trending pa nga worldwide sa ilang social networking sites, na-feature sa iba’t ibang international news websites, at posible raw na maitala sa Guinness Book of World Records ang kasal nina Dingdong at Marian dahil sa pagkakaroon ng largest wedding cake.

Read: Dingdong Dantes-Marian Rivera wedding cake catches attention of foreign press

Maituturing ding isa sa pinaka well-attended affair ang DongYan wedding sa dami ng mga bisitang dumalo, sa pangunguna ni President Noynoy Aquino bilang Witness of Honor.

Sa reception naman na ginanap sa Mall of Asia Arena, kunsaan pinaghalong Spanish at Filipino ang tema ng production design, napuno ito ng mahigit isang libong kapamilya at kaibigan nina Dingdong at Marian.

Kaugnay nito, ilan sa mga kaibigang celebrities ng newlyweds ang kinuhanan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe.

Kung susumahin ang mga mensahe nila, karamihan ay iisa ang hangad para sa bagong kasal—ang magkaroon na sana agad ng "little Dingdong" o "little Marian" ang dalawa.

Narito ang mga nakalap na mensahe ng PEP para kina Dingdong at Marian:


ALDEN RICHARDS: “First of all, thank you. Thank you po kasi in-invite nila ako.

"Binigyan nila ako ng chance na maging witness dito po sa isang momentous event sa buhay nilang dalawa as a couple.

“Ang message ko sa kanilang dalawa, since I’ve known them naman personally… nakatrabaho ko sila sa soap.

"I’m sure, yung attitude nilang dalawa will really jibe together para ma-prolong yung marriage.

"I wish na magtagal ang marriage nila more than forever.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GEOFF EIGENMANN: “It’s definitely a grand wedding.

"Something that people can... when they see it, they will fall in love again.

“Ako, I just really congratulate them. Kung anumang obstacle na pagdadaanan, lahat naman mapag-uusapan at maaayos.

"Marriage is a different thing and they are starting a new life together.

"I hope the best for them and God bless their relationship.

"Kung isesentro naman nila ang Diyos sa kanilang dalawa, mas magiging malakas ang foundation ng relationship nila.”

GABBY EIGENMANN: “The wedding is unforgettable, memorable, and it’s only a one-night event in their lives.

“Ang pinakaimportante talaga is the marriage at sinasabi ko sa kanila, since it’s a new chapter in their lives, always put God in the center of their relationship.

"Kasi nothing will go wrong naman as long as alam mo kung sino ang… pinagkaisang dibdib ‘yan sa harap ng Panginoon.

"Sana sila, yung buhay nila, naka-focus kay God para kung anuman ang tatahakin nila, anuman ang obstacle na dadaanan nila, hindi sila mahihirapan.

“The good thing about it, yung mga inimbita nila rito, kahit na alam mong sobrang dami, itong mga ito ay talagang minamahal at nagmamahal din sa kanila.

"And the most important thing is, kapag may problema, we’re always part of their lives.

"Nandirito rin kami bilang mga kaibigan niyo.”

LJ REYES: “Stay happy and make beautiful babies. Sobra rin kaming na-excite.

"Una, dito sa wedding, at yun nga, susunod, babies naman!”

PAOLO CONTIS: “Enjoy-in nila ang kanilang buhay may asawa at palagi nilang tatandaan na hindi naman kami mawawala.

“Alam naming mag-iiba ang priorities nila, pero never kaming mawawala sa tabi nilang dalawa.”

ANGELIKA DELA CRUZ: “I’m very happy for both of you. You’re a very beautiful couple and you’re indeed the royal couple. Congratulations and best wishes!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANDREA TORRES: "Congratulations siyempre kay Ate Yan at kay Kuya Dong.

"Feeling ko, simula nang mag-pair sila sa Marimar, everybody’s rooting for them. So, lahat din nakiki-celebrate sa kanila ngayon.

“At sana, magkaroon na agad ng little YanYan at little Dong.”

ROCHELLE PANGILINAN: “Bukod sa nararamdaman nilang sobra-sobrang kaligayahan ngayon, siyempre marami pa ‘yan, e.

"Ito pa lang ang simula. Dito pa lang sila nagsisimula.

“Pray... actually, lahat naman nasa kanila na, e.”


ANA FELEO: “I’m so happy for them na, finally, natupad na ang prayers nila para sa isa’t isa.

"I can’t wait to be a ninang and I hope that this will be a beginning of a new journey.

"I hope that they welcome this journey with humility and gratitude because of this major blessing.”

ROXANNE BARCELO: “Magparami kayo! Sabi nga ni Bishop, dumami kayo nang dumami at i-continue lang nila kung ano ang ginagawa nila.

“Kumbaga, they started really good and even better and make it even best. Kumbaga, i-perfect na nila yung love nila para sa isa’t isa.”

AGOT ISIDRO: “Naku, just keep continue loving each other. I’m so happy for you both, kasi alam ko talaga that they are so in love.

“I know si Yan is waiting for this day and it finally came true. She’s a beautiful bride and she’s so in love.

"I just wish really the best of years to come for them.”

JAYA: “Magkaroon sila ng mahabang-habang pasensiya dahil ang pag-aasawa ay hindi madali. Masaya pero marami kayong pagdadaanan. So, kailangan mahaba ang pasensiya at madali kayong magpatawad.”

JOLINA MAGDANGAL: “Ako, ang masasabi ko lang, ang kasal ay isang araw lang. Yung pagkatapos ng kasal, yun ang pang-habambuhay.

"So, dapat noong ginagawa niyo pa lang ang kasal, doon niyo na mate-test kung magtutulungan kayo habambuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, dahil ganito kabongga ito, habambuhay na ito.”

LANI MERCADO: “Best wishes and congratulations to Dong and Yan. They are a royal couple, a fairytale coming to life, so best wishes talaga and good luck sa kanilang marriage.”

RICHARD GOMEZ: “Of course, I’m very happy for Dingdong na, finally, napangasawa niya yung mahal niya sa buhay.

“Alam mo, Marimar days pa ‘to noong magsimula silang magkaroon ng relationship.

"At ang wish ko sa kanila, sana ay magkaroon sila ng maraming anak, mag-enjoy sila.

"At sana, palaging open ang line of communication nila, I think that’s very important.

"At saka, araw-araw magmahalan sila.”

WENDELL RAMOS: “Ito na yung matagal na sinasabi ni Dingdong, e.

"And I’m very honored, I’m glad na among many people na nandito, nakausap ko rin siya about his wedding day.

“I’m glad na naging parte ako. Sinasabihan ko rin siya, sabi ko nga, 'Pare, napakasarap na ikasal, kahit ako, dream ko ‘yan.'

"And with all his friends, alam niyo, hindi naman ito showbiz wedding. Sabi ko nga, 'Ang sarap ng wedding nila, walang pressure, hindi mainit.'

“I’m a Roman Catholic kaya na-appreciate ko yung traditional wedding nila. Best wishes lang, gawa na sila ng kids.

"I-enjoy nila ang buhay nila because they have nothing to prove na.”

MARK HERRAS: “Congratulations! Alam ko na masaya sila at sana tuluy-tuloy na. Congrats kasi ito na yung pinakahihintay ng maraming tao.”

HAYDEN KHO: “Congratulations, Dong and Yan.

"Alam kong mahal na mahal niyo ang isa’t isa, nakita ko ‘yan. We’ve been rooting for this day.

“I guess, the message is, always remember why you love each other so much.

"So, in case na magkaroon ng doubt sa relationship, maalala niyo kung bakit kayo nagsama in the first place.

"And may God be your inspiration. Sana ma-bless kayo ng maraming kids because you guys are very good pair.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOHN ESTRADA: “I wish them all the best. Exciting ‘to para sa lahat ng nagmamahal sa kanila.

"Lalo na ang makita ang product ng kanilang pagmamahalan.

“Ako, confident ako, I’m really sure na itong pagmamahalan na Dingdong and Marian, it will last a long time.

"A long, long time and lifetime.”

PAOLO BEDIONES: “Congratulations sa inyong dalawa. Sana magtagal ang inyong relasyon at sana, magkaroon kayo ng maraming-maraming anak.”

DIANA ZUBIRI: “Ang message ko sa kanila, ngayong kasal na sila, sana bumuo na sila ng mga babies.

"Babies kasi gusto namin, para yung mga dates na na-move para sa wedding, meron na ngayong pambayad, kumbaga. Kailan pa ba yun, 2010 pa yata, so 2014 na, sana makaapat na agad-agad.

"At nandito lang kami to support them.”

JOHN LAPUS: “Congratulations siyempre and best wishes. Sa wakas, husband and wife na sila.

"Sana yung promise nila sa isa’t isa noong hindi pa sila mag-asawa, sana palagi nilang tatandaan kasi importante yun.

“Kahit na kasal na kayo, parang mag-boyfriend, girlfriend pa rin kayo.

"And I hope and pray that they will have beautiful children together.

“Ang gaganda at ang guguwapo siguro ng mga anak nila, so might as well na simulan na ‘yan agad-agad.

"Ang point ko naman, pareho naman na silang successful sa mga career nila and they can come back anytime. In case na they decide to rest muna and create a family.

“As a friend, nandito lang ako sa kanila at puwede akong maging ninang ng isa sa mga anak nila.

"I love you guys very much.”

POKWANG: “Ang message ko kay Dong at YanYan, stay happy, stay in love. Best wishes at paramihin niyo agad ang mga lahi niyo, kasi ang gaganda ng lahi niyo.”

SHEENA HALILI: “Ang message ko kay Kuya Dong at YanYan, ‘eto na, totoo na. Hindi na siya taping, totoong buhay na ang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wish na yung dream na family nila, mabuo nila na next.

"Sana mas marami pa silang matulungan na tao at sana mas ma-enjoy nila yung ibang level naman ng relationship.

"Sana ma-enjoy nila at sana mas maging loyal sila sa isa’t isa.”

JULIE ANNE SAN JOSE: “I’ll just make it short and simple, Kuya Dong and Ate Yan, I wish you all the best in life.

"Congratulations to the both of you. I wish you success in your future endeavors.

"I wish you more kids, I know that your marriage will be great. May God bless you all the time.”


BETTINA CARLOS: “Siyempre, just like everyone else, I wish them all the best.

"At katulad din ng lahat, sana magkaanak na sila dahil napakaganda ng lahi nila. No time should be wasted.

"Si Yan, matagal na niyang gusto ng anak.

"And we’re very happy, sa wakas, naselyuhan na.

"And in this wedding, it’s a testament talaga na if you want something and you pray for it, just like Yan did, ipagkakaloob talaga.

“I’m sure the best is yet to come and we’re very, very happy for them.”


ARTHUR SOLINAP: “Sana magka-baby na. Gusto ko nang magkaroon ng pamangkin sa kanila.”

CARLO GONZALES: “Parang ganun pa rin, wala namang nabago, the whole thing just made it official.

"So, good luck lang sa journey ninyo. Yung beginning nga, sabi nila.

“We’re all here—lahat ng pamilya niyo, kaibigan niyo, malalapit sa inyo—to guide you the best way we know how.”

CARL GUEVARA: “Congrats to the newlyweds and, siyempre, cheers to their new life as husband and wife.”

DIVA MONTELABA: “Siyempre, congratulations. I’m really, really happy for them na, finally, they face the altar na as husband and wife. Masaya, sobrang saya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN