Glaiza de Castro looks forward to new projects in 2015

Glaiza de Castro does not know yet what her next project will be, in the meantime she will use her free time to learn more about venturing in business.


Isa si Glaiza de Castro sa dumalo sa DongYan wedding noong December 30, 2014.

Nagkaroon siya ng partisipasyon sa mismong wedding ceremony sa Cathedral of Immaculate Conception bilang bahagi ng Offertory.

Pahayag ni Glaiza sa pag-iisang dibdib nina Dingdong at Marian, "Siyempre, congratulations sa panibagong chapter ng buhay nila bilang mag-asawa.

"Nakakatuwang makita na totoo yung pagmamahalan nila.

“Kasi, ‘di ba, yung pinagdaanan nilang dalawa, aware naman ang lahat na hindi naman madali.

"Kahit kanino namang relationship, hindi madali.

“Pero nakita mo yung love na meron sila, love na nagmumula kay Lord.”

CHANGES IN 2015. Ngayong 2015 naman, may mga gusto raw na baguhin si Glaiza pagdating sa sarili.

“Ang New Year’s resolution ko, mas magiging optimistic ako this year.”

Hindi ba siya optimistic na tao?

Pag-amin ng Kapuso actress, “Pessimist ako before, e. Nagpapadala ako sa mga negativities around me.

“Nakakahiya naman kay Lord na ang dami mong mga blessing ngayon, 'tapos sa konting struggles, konting challenge, nagre-react ka agad na hindi mo kaya.

“So ngayon, mas determined ako to face the challenges of 2015.”

Ayon kay Glaiza, naging masaya naman daw siya sa nagdaang taon.

“Ang daming nangyari, ang daming challenges na natutuwa ako.

"By God’s grace, natutunan ko siyang harapin."


FOCUS ON BUSINESS. Ngayong 2015, ano ang mga inaabangan o inaasahan niya?

“Ang nilu-look forward ko, well, on the business side, nagpo-focus kasi ako ngayon sa business.

“So, more knowledge, more acquisition of knowledge sa mga kailangan kong gawin sa business.

“Sa totoo lang, ngayon lang ako sumasabak sa ganitong field.”

Pagdating sa career, wala pa naman daw sinasabi sa kanyang bagong teleserye na gagawin niya sa GMA.

Isa nga raw ito sa inaasam niya ngayong 2015.

Ang huling teleserye pa ni Glaiza ay ang Dading.

Ayon sa Kapuso star, “Wala pa silang sinasabing bagong serye sa akin.

"Pero nae-excite ako kung ano yun. Kung anuman ang gagawin ko this year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN