Manilyn Reynes on onscreen confrontation scene with Once Upon A Kiss co-star Mylene Dizon: “Wala pa namang sakitang nagaganap.”

Manilyn Reynes enjoys working with good friend and Once Upon A Kiss kontrabida Mylene Dizon: “I know her, she’s very professional also. Puro lang kami kulitan before the scene, so magaan. Magaan lahat, actually.”


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manilyn Reynes kung ano ang pagkakaiba ng papel niya noon bilang si Mommy Lyn sa My BFF at sa papel niya ngayon bilang si Aurora Rodrigo sa Once Upon A Kiss, na eere sa GMA Network simula sa Lunes, January 5.

“Ito naman, mas malalaki ang mga bata. Mas medyo puwede nang mag-ibigan, kahit papaano,” lahad niya.

Sa My BFF ay child stars ang gumanap na mga anak niya—sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.

Sa Once Upon A Kiss ay gumaganap na anak niya si Bianca Umali, na ang kapareha ay si Miguel Tanfelix.

“Ako naman yung nanay na may past sa kanila.

"Nanay ako ni Bianca, boyfriend ko yung ama ni Miguel before, si Cris Villanueva, na inagaw sa akin ni Mylene [Dizon].

“So iyon yung... may struggle dun kasi parang hahayaan ko ba na parang manaig yung galit ko pa rin at ayaw ko silang magkakilala, ayaw ko ba sila talaga or okay na sa akin maging masaya lang yung anak ko?

“Si Aurora dito, poor kami, 'tapos ganun din naman, ipinaglalaban pa rin ang anak.

"Kaso meron lang akong mas kalaban kasi, yung nanay ni Miguel, si Mylene, si Giselle.”


WORKING WITH MYLENE. Kilalang mahusay na kontrabida si Mylene, at handa raw si Manilyn na “apihin” nito.

May eksena nga raw na ilulublob siya ni Mylene sa putikan.

Kuwento ni Manilyn, “Hindi naman gulungan, pero alam mo yun, yun bang inaapi ka na nakakainis.

“'Tapos the people around you na mahihirap din katulad mo, gustong lumaban, pero tumatahimik na lang because nga influential sila.

“Yung ganun.”

Unang beses niyang nakatrabaho si Mylene; kumusta ang unang eksena nila ng tarayan?

Paglilinaw ni Manilyn, “Wala pa namang sakitang nagaganap and I know her, she’s very professional also.

“Puro lang kami kulitan before the scene, so magaan. Magaan lahat, actually.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CHRISTMAS WITH FAMILY. Nitong nakaraang Pasko ay nasa bahay lamang sina Manilyn at mister niyang si Aljon Jimenez at mga anak nila.

Paliwanag niya, “Kasi nga kahit gusto mong mag-abroad, hindi pupuwede dahil nga pumasok na itong Once Upon A Kiss.

Kasama raw nila ang in-laws ni Manilyn nitong Pasko.

“Ang nandito kasi, ang in-laws ko. My parents are in Cebu, e.

“Iyon nga, sana kung walang work, puwedeng umuwi [sa Cebu], pero hindi nga,”panghihinayang niya.


BEST/WORST OF 2014. Ano ang pinakamagandang nangyari kay Manilyn noong 2014?

“Of course, my being part of GMA. 'Di ba na finally may contract ako, iyon.”

Exclusive ang contract ni Manilyn bilang Kapuso artist.

“At saka every year naman, kahit alam mo yung medyo hindi gaanong productive yung taon mo, thankful ako at meron talagang ibinibigay ang Panginoon.”

Ang hindi kagandahang nangyari?

“Wala naman, at huwag naman po,” dagdag pa niya.


NEW YEAR'S RESOLUTIONS. May New Year’s resolution ba si Manilyn?

Aniya, “Well, ano, parang kung ano yung mga tingin mo na hindi mo magandang ginawa nitong taong ito, sana hindi mo na magawa, 'di ba? Yung ganun.

“Maganun naman ako yearly.

“Itong year na ito, sabi ko, itutuluy-tuloy ko yung pagpapa-slim ko.

“So, hopefully, magawa ko.

“I’m not saying of course na magaling ako diyan dahil mahirap pumayat, 'di ba?

"Pero I’m trying, ganun. So sana, sana.

“'Tapos siyempre gusto kong matuto talaga na either maggitara o mag-piano because oido kasi ako, e.

"So, puro ganun, so gusto ko yung makabuo talaga na alam ko talaga.

“Ito sanang playing [the instruments] sana matupad ko kasi, as of now, ganun-ganun lang ako, by ear ako, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN