Nora Aunor concerned about Kuya Germs’s mild stroke: “Nag-aalala nga ako at naaawa sa kanya.”

Nora Aunor is worried about the health condition of her long-time friend and mentor, German Moreno, who suffered a mild stroke last January 2: “Mahal ko si Kuya Germs.”


Agad naiparating ng mga kinauukulan sa Superstar na si Nora Aunor ang nangyaring pagkaka-ospital ni German “Kuya Germs” Moreno, noong Biyernes, January 2, 2015.

Ayon sa unang tala na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasalukuyang nasa Acute Stroke Care Unit (ASCU) ng St. Luke's Medical Center sa Quezon City si Kuya Germs.

“Kausap ko si Jojo [isa sa mga assistant ni Kuya Germs], hindi pa raw puwedeng dalawin,” sambit ni Ate Guy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nagbigay naman ng assurance si Federico Moreno, anak ni Kuya Germs: “Don't worry. He's OK...”

Humiling din siya ng mga dasal para sa madaliang paggaling ng kanyang ama.

Tulad ng kanyang anak at iba pang mga kaibigan, may mga dasal at panalangin ang PEP para sa madaliang paggaling ni Kuya Germs sa kanyang mild stroke.

“Please,” hiling din ni Ate Guy, na umaantabay sa kalagayan ng kaibigan at dating kasama sa telebisyon.

“Nag-aalala nga ako at naaawa sa kanya.

“Mahal ko si Kuya Germs,” sabi ni Ate Guy.

STILL SUPPORTIVE OF NORA. Kamakailan lang ay napaulat na kasalukuyang tinutulungan ni German Moreno si Nora Aunor para sa posibleng guesting stints sa TV, at may gagawin nga raw special episode ang aktres sa isang malaganap na drama anthology ng isang network.

Walang masyadong pinahayag si Nora sa naunang panayam ng PEP.

“Bahala na si Kuya Germs, tinutulungan niya ako. Pero hindi ko pa masasabi ang detalye,” wika ni Ate Guy.

But a source close to the veteran host revealed that Nora may guest in an episode of MMK (Maalaala Mo Kaya) on ABS-CBN.

Dati ng regular na nagge-guest si Nora sa toprating drama anthology sa Dos.

Ang ilan sa memorable guestings ni Nora sa MMK ay ang episode na “Retaso” (dinirek ni Joel Torre), "Lubid" (dinirek ni Wenn Deramas), at ang unang guesting niya, noong 1990s, na dinirek naman ni Mac Alejandre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin ba inilapit ni Kuya Germs si Nora sa GMA-7, para sa Magpakailanman (drama anthology)?

“Baka susunod na 'yon,” wika pa ng aming source, bago nabalita ang pagkaka-ospital ni Kuya Germs.

Sa pagtatapos ng kontrata ni Nora sa TV5, at habang wala pa siyang kinakokontratahang network, muling ipinadama ni German Moreno ang pagmamalasakit sa aktres.

“Hindi ko puwedeng hindi tulungan si Guy, kasi naging mabait siya sa akin noon; ipinaglaban niya ako sa [RPN-9] management nang balak nila akong tanggalin sa Superstar," ang kuwento ni Kuya Germs sa nakaraang panayam.

“Yung talent fee ko noon na 250 pesos, ipinakaltas ni Guy sa talent fee niya, para lang mag-stay ako sa programa.

“Kung hindi na raw kasi ako ang magiging co-host niya, hindi na rin siya lalabas sa show. Mantakin mo naman yon? Superstar siya at show niya yon, aalisan niya dahil sa akin?

“Paano mo naman hindi mamahalin [si Guy] at pagmamalasakitan?” sambit pa ni Kuya Germs.

MOVIE WITH ROBIN PADILLA. Ang action star na si Robin Padilla ay nagpahayag din ng hangaring makasama sa pelikula si Nora Aunor.

Noong isang taon pa niya ito binabalak. Dumalo pa nga si Robin sa premiere night ng Dementia na pinagbidahan ni Nora. Ibinalik ni Ate Guy ang pabor kay Robin, sa pagdalo niya sa premiere night ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014 entry ni Robin, ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Sabi ni Ate Guy, "Gusto nga raw niya (Robin) na gumawa kami ng pelikula, pero pag-uusapan pa."

Sabi naman ni Robin, sa isang hiwalay na panayam ng PEP, “Nora Aunor 'yan, e. Kailangan hindi basta-bastang project. E, maikli lang ang pisi natin.

“Pero 'yan ang isa sa talagang pangarap ko, ang makagawa kami ng pelikula ni Ms. Nora Aunor!”

QUEEN OF INDIE FILMS. Hindi naman minamasama ni Nora Aunor kung tinatawag siya ngayong Reyna o “Queen of Indie Films.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya po ako sa paggawa ng indie films,” sambit din niya.

Walang isyu kay Nora kung ibinabansag man sa kanya ang nasabing titulo, dahil sunud-sunod naman talaga ang pinagbidahan niyang independent films.

Simula sa Thy Womb (2012) at Ang Kuwento Ni Mabuti (2013), nagbida noong isang taon si Ate Guy sa Hustisya at Dementia na may malaking budget, pero likha ng independent studio.

Natapos na ring isapelikula ni Nora ang tatlong malalaking pelikulang indie, na nakatakdang ipalabas ngayong 2015.

Ang dalawa'y balitang iri-release ng Star Cinema, movie outfit ng ABS-CBN, ay Padre de Familia at Whistleblower. Kasama ni Nora si Coco Martin sa Padre de Familia at sina Cherry Pie Picache, Angelica Panganiban at Laurice Guillen sa Whistleblower.

Si Adolf Alix, Jr. ang direktor ng dalawang pelikulang parehong tinapos ang shooting noong isang taon. Kasabay nito short film na Kinabukasan na itinanghal naman sa Hanoi, Vietnam.

Inaantabayanan din ng mga tagasubaybay ng aktres ang Taklub, tungkol sa epekto ng super typhoon Yolanda sa bansa. Ito ay reunion movie ni Nora at Brillante Mendoza, direktor ng Thy Womb.

This year, Direk Brillante is eyeing the international film circuit for Taklub. He also has another movie project for Nora Aunor.

“Para sa 2016 pa 'yon,” ang sabi ni Brillante sa PEP.

Ayon naman sa aktres, nagkausap na sila ni Direk Adolf Alix Jr. para sa bagong pelikulang indie na sisimulan sa mga unang buwan ng bagong taon.

Sa bago niyang indie-starrer ay gagampanan ni Nora ang papel ng isang Tasaday, na kabilang sa liping minorya, sa Southern Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN