Heart Evangelista amused by Sen. Chiz Escudero’s thrifty ways: “Parang siya yung babae. Sobrang matipid siya sa pera, nakakatawa.”

Heart Evangelista narrates how her groom-to-be Sen. Chiz Escudero haggles over details and expenses for their February 15 wedding: “He’s very much on top of everything. Sobrang dami kong natutunan sa kanya. Pero siya talaga, talagang nakikipag-away siya. Nakakatawa siya, actually.”


Puspusan na ang paghahanda nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista para sa kanilang kasal sa February 15 na gaganapin sa Balesin Island.

Hands-on daw si Sen. Chiz sa paghahanda sa kanilang kasal, pero ang isa raw sa nadiskubre niya sa lalaking pakakasalan niya ay napakatipid daw nito. Hindi raw niya akalaing lahat ng detalye sa preparasyon ng kasal ay binubusisi raw ng senador.

Simulang kuwento ni Heart, “He’s very much on top of everything. Sobrang dami kong natutunan sa kanya.

“Siyempre ano din ako, parang sanay din ako na bibili ako ng ganyan na parang hindi ko titignan yung presyo.

“Pero siya talaga, talagang nakikipag-away siya. Nakakatawa siya actually. Parang siya yung babae. Sobrang matipid siya sa pera, nakakatawa.”

TAWAD” KING. Ikinuwento rin ni Heart kung paano raw tinawad-tawaran ni Sen. Chiz ang bulalak na gagamitin sa kasal.

Natama kasi sa Valentine’s Day kaya napakamahal daw ng bulaklak, pero hindi raw niya akalaing ganun tumawad si Sen. Chiz sa mga bulaklak.

Napapangiting kuwento ni Heart, “Hindi nila alam kung saan huhugutin yung bulaklak. Kasi nga sabi niya hindi puwedeng ganyang kamahal. Hindi ko kaya.

“Sabi niya, ‘Kaya mo bang matulog sa gabi na ganyan kamahal?' Nakakatuwa din.”

Napagkasunduan na lang daw nilang, ang bulaklak na gagamitin sa kasal ay itatago rin at ipi-freeze, at iyun din daw ang gagamitin sa kanilang reception sa Maynila.

Kaya isa raw sa natutunan niya ngayong magiging Mrs. Escudero na siya ay kung paano bigyang halaga ang perang kinikita niya at kung paano magtabi para sa sarili at sa kanilang magiging anak.

Sabi ni Heart, “Unang-una sa lahat yung mga gastos na ganyan na parang akala ko dati trabaho lang nang trabaho na parang walang katapusan.

“Pero ngayon pala, kailangan mag-ipon ka na talaga, kasi magkakaanak ka, yung maging practical ka.”

GOWN. Ang gown na isusuot niya mula raw sa runway collection ni Monique Lhuillier na ipina-alter na lang para sa kanya, iyun daw ang gagamitin sa kanilang reception sa Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang wedding gown na isusuot niya sa wedding ceremony sa Balesin ay ipinagawa raw niya kay Ezra ng Dubai.

Ang ama raw niya ang nag-decide kung alin ang isusuot.

“Tiningnan niya yung gown ko, binigyan ko siya ng options na siya ang pumili. Nakita niya ako na suot yung isa; masaya siya,” pahayag ng Kapuso actress.

Pero sa ngayon ay hindi pa rin daw niya masasabi kung dadalo ang kanyang magulang sa kanilang kasal.

Nasa Amerika raw ang mommy niya at nagbabakasyon, samantalang nandito ang daddy niya na nakasama raw niya noong nakaraang New Year’s Eve.

“Ayoko masyadong umasa, pero yung Mom ko nasa States. But I think she’ll be back for sure!” pakli nito.

YES TO PRE-NUPTIAL AGREEMENT. Sinunod na rin daw niya ang hiling ng magulang niya na magkaroon ng prenuptial agreement at napagkasunduan na raw nila ito ni Sen. Chiz.

“Kasi ganyan din ang gusto ng parents ko,” pakli nito.

“Gusto din niya [Sen. Chiz] ipakita na makakampante ang loob nila, ibibigay niya.

“It’s less complicated.

“Ayoko rin kasi pag-awayan ang pera. Ayoko talaga.

“Okay na rin na maayos na ang lahat. So we could all just live according to love,” saad pa ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN