Marlo Mortel happy to be paired with Janella Salvador in their launching teleserye

Marlo Mortel says he went through outright rejections during auditions, but the experience only fueled his drive to persevere. "Hindi ako sumuko kasi gusto ko talagang mag-artista, gusto kong umarte... Kaya nga mas pinagbubutihan ko ang trabaho ko kasi ayaw ko itong mawala," he says.


Mula sa pag-o-audition sa ibat ibang TV networks para magkaroon ng show hanggang masuwerteng napasama sa nagtapos nang Be Careful With My Heart ng ABS-CBN, magkakaroon na launching project ang baguhang aktor na si Marlo Mortel, kasama ang kanyang ka-loveteam na si Janella Salvador.

Ito ay ang upcoming Kapamilya series na OMG.

Lahad ni Marlo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Matagal-tagal din ang pinaghintay ko bago ako magkaroon ng show na masasabi kong isa ako sa bida.

"Ilang auditions din sa ibat ibang TV networks ang pinuntahan ko, at hindi lahat masuwerteng natatanggap ako.

"Yung iba, nari-reject ako kasi iba yung hinahanap nila sa role.

"Pero hindi ako sumuko kasi gusto ko talagang mag-artista, gusto kong umarte.

"Kaya nga masasabing blessings ang pagkakasama ko sa Be Careful With My Heart kasi nag-open siya ng mas maraming opportunities sa akin.

"At dito ako nagkaroon ng ka-loveteam.

"Kaya nga mas pinagbubutihan ko ang trabaho ko kasi ayaw ko itong mawala.

"Gusto ko ipakita sa lahat kung gaano ko kamahal yung trabaho ko.

"Naniniwala kasi ako na kapag nasa kamay mo na ang magandang oportunidad, huwag mo nang pakawalan.

"Ariin mo na kasi 'pag pinakawalan mo, baka mapunta sa iba."

Ayon pa kay Marlo, nagsimula na sila ni Janella na mag-taping ng OMG.


"Nakakakaba kasi dalawa kaming bida dito ni Janella, first time na binigyan kami ganito kalaking show.

"Kaya nakaka-pressure kasi hindi namin alam kung ano ang magiging resulta nito.

"Kumbaga, parang sugal sa aming dalawa ang show na ito.

"Pero ipinagdarasal naman namin na sana tangkilikin ng mga manonood.

"Ang alam namin, mapapanood siya between January or February."


2015 WISHES. Ang wish daw niya, "Siyempre maging successful yung show namin ni Janella.

"At sana mas maging maganda yung pagsasama namin bilang magkaibigan, magka-loveteam, aat magkatrabaho.

"Sana mas marami pang projects ang dumating sa amin ni Janell sa 2015."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy rin daw ang pagdadasal ni Marlo para sa tuluyang paggaling ng kanyang ina.

Sabi niya, "Sa family naman, good health sa akin at sa pamilya ko, lalung-lalo na sa mommy ko.

"Sana magtuluy-tuloy ang recovery niya from cancer.

"Sana gumaling na talaga siya, yun lagi yung pinagpi-pray ko.

"Sa mga fans naman namin ni Janella, sana huwag kayong magsawang suportahan kami."


HIS CRUSH. Ayon pa sa binata, aware naman daw si Janella na crush niya ito.

Paglilinaw niya, "Pero hangang crush lang muna. Kasi pareho naming priority ang trabaho.

"Mas magandang atupagin muna namin ang career namin, 'tsaka na lang ang lovelife.

"'Tsaka sa tagal ng pinaghintay ko at sa sakripisyo at hirap na nadaanan ko para sa ganitong klaseng opportunity, hindi ko sasayangin ito.

"Pagtatrabahuhan ko talaga nang maayos at dito muna ako magko-concentrate."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN