Vina Morales respects results of MMFF Awards Night; understands Bonifacio producer’s opinion

Vina Morales on doing another movie with Robin Padilla: "I think this one is not historical-type anymore... siyempre hinahanap sa amin ng mga tao yung mga kilig. Tingnan natin, we’ll see. Ako, hangga’t ’di natutuloy ‘yan, ayokong umasa.”


Umiwas si Vina Morales na magkomento tungkol sa isyu na nagkukuwestiyon sa naging resulta ng 2014 Metro Manila Film Festival Awards Night.

Kasama si Vina sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo, na humakot ng maraming awards, kabilang na ang Best Picture.

Pero nabigo itong masungkit ang karamihan ng iba pang major awards, gaya ng Best Director (Enzo Williams), Best Actor (Robin Padilla), Best Actress (Vina), at Best Screenplay (Enzo Williams, Carlo Obispo, at Keiko Aquino).

Ang mga kategoryang ito ay napanalunan ng English Only, Please: Best Director para kay Dan Villegas, Best Actor para kay Derek Ramsay, Best Actress para kay Jennylyn Mercado, at Best Screenplay para kay Antoinette Jadaone.

Kaugnay nito ay naglabas ng hinaing ang producer ng Bonifacio na si Rina Navarro sa kanyang Facebook account.

Sa opinyon ng film producer, dahil ang kanilang pelikula ang itinanghal na First Best Picture, ito rin daw dapat ang nanalo sa ibang major categories.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vina, sinabi nitong naiintindihan niya ang pinanggalingan ng kanilang producer ngunit nirerespeto niya ang naging desisyon ng mga hurado.

Saad ng actress-singer, “There are a lot of questions sa nangyayari ngayon sa MMFF, that happens naman almost every year. It’s a given already.

"Ako naman, I can’t really comment on that kasi yun ang nararamdaman ng producer namin.

"She feels that if you get the Best Picture, you should get the Best Screenplay.

"Or you should get the Best Director and Best Story, kasi Best Picture ka.

"Yun ang question ng maraming tao.

"Example kasi, Best Food yung niluto mo, dapat Best Chef ka.

"Yun lang ang mga questions ng producer namin, but I really respect kung anuman ang naging outcome ng Metro Manila Film Festival.

"Wala naman kaming magawa dun.

"We are actors, but in our hearts, we just feel that…"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Vina, "Ako, I’m so thankful kasi nakasama ako sa pelikulang ito.

"Nagpapasalamat ako kasi, para sa akin, maipapasa ko ito sa mga anak ko, sa mga next generations pa ng mga anak ko.

“'Di mo puwedeng itapon ang pelikulang ito dahil ito yung katotohanan.

"Para sa akin, more than enough na yun and, of course, we also wish for an award.

"Sino bang hindi, e, pinaghirapan namin yun?

"Dyusko, lahat yata ng luha namin… na-depress kaming lahat kasi we were so into the scenes.

"But if they didn’t appreciate that, it’s okay, it’s alright.

"Maybe next time, marami pa naman ibang award-giving bodies.”


NEXT ROBIN-VINA MOVIE? Sa presscon noon ng Bonifacio ay kinumpirma ni Robin na may niluluto na silang isa pang pelikula na pagtatambalan nilang muli ni Vina.

Pero ayaw raw munang umasa rito ng aktres hangga’t hindi pa nagsisimula ang shooting.

“Yun ang 'di ko alam, pero I think this one is not historical-type anymore.

"Kasi siyempre, hinahanap sa amin ng mga tao yung mga kilig, parang Utol Kong Hoodlum.

"Tingnan natin, we’ll see.

"Ako, hangga’t 'di natutuloy ‘yan, ayokong umasa."


BACK TO SINGING. Samantala, pagpasok ng 2015, ang target ni Vina ay balikan muli ang kanyang singing career.

Aniya, “2014 for me was a good year, siyempre may mga trials na pinagdaanan.

"For 2015, my plans would be... I haven’t done an album for a long time, yun ang gusto kong mangyari, gusto ko ng album.

"Actually, I already had a meeting with Mr. M [Johnny Manahan] and Star Records last year so we will start it this year.

"And I’m looking forward to start the album. Nami-miss ko ang kumanta.

"Siguro, like a concert, yung ganyan, para maibalik ko yung singing ko.

"Gagawin ko rin naman yung theme song ng Pangako Sa 'Yo," pagtukoy niya sa teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN