German Moreno slowly recovering from mild stroke

German Moreno’s son, Federico, says his father might be released from the hospital in three days but continues to ask for prayers for the veteran TV host’s full recovery.


Posibleng makalabas na ng ospital ang veteran TV host na si German "Kuya Germs" Moreno pagkalipas ng tatlong araw.

Matatandaang nagkaroon ng mild stroke si Kuya Germs noong January 3, Sabado, at dinala sa Acute Stroke Care Unit (ASCU) ng St. Luke’s Medical Center, sa Quezon City.

Read: German Moreno suffers mild stroke

Ngayong araw, January 5, ay naglabas ng update ang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno sa Facebook tungkol sa kalagayan ng TV host.

Aniya, "We transferred already to a private room.

"We’ll be preparing now for his home therapy for his full recovery."

Tiniyak pa ni Federico na mas mabuti na ang pakiramdam ngayon ni Kuya Germs.

"He is in high spirits and responsive to his medicine and therapy.

"In general, he’s fine and will have a full recovery in no time."

Ipinahayag din ng anak ni Kuya Germs na hindi muna sila tatanggap ng bisita para lubos na makapagpahinga ang ama.

Hiniling din ni Federico na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa full recovery ng Master Showman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN