Kris Aquino on reconciliation with Ai-Ai delas Alas: "I was really ready for her to snub me.”

Kris Aquino on her peace offering to Ai-Ai delas Alas: "Kasi natakot ako. Inisip ko pa, ‘Naku! Kung iba ang regalo ko baka ibato niya lang sa akin. Pero kung may Mama Mary, tatanggapin niya.’ Yun ang iniisip ko."


“Naglakas ako ng loob kasi I was really ready for her to snub me.”

Ito ang pahayag ni Kris Aquino tungkol sa ginawa niyang paglapit at pakikipag-ayos sa dating matalik na kaibigang si Ai-Ai delas Alas.

Nangyari ang pagbabati ng dalawa bago nagsimula ang wedding ceremony nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30, kung saan isa sa principal sponsors si Kris at veil sponsor naman si Ai-Ai.

READ: Kris Aquino and Ai Ai delas Alas kiss and makeup at DongYan wedding

Sa episode ng Aquino and Abunda Tonight kagabi, January 6, inamin ni Kris na pinag-isipan niya nang husto kung paano susuyuin si Ai-Ai at kung ano ang regalong ibibigay niya rito.

“I felt that we were bound to bump into each other.

"So, inisip ko, I wanted to give her something with meaning.

“All those years that we were together in PGT [Pilipinas Got Talent], we had a strong faith.

“Meron pang times na bago kami mag-show, yung friends niya na priests, magma-Mass for us.

“So I said, if I would reach out, I wanted naman also to have a gift,” kuwento ni Kris sa kanyang co-host na si Boy Abunda.

Parehong deboto ng Mahal Na Birhen sina Kris at Ai-Ai kaya nagdesisyon ang Queen of All Media na bigyan ng necklace na may “Mama Mary” pendant ang Comedy Queen.

Pag-amin ni Kris, “Kasi natakot ako.

"Inisip ko pa, ‘Naku! Kung iba ang regalo ko, baka ibato niya lang sa akin. Pero kung may Mama Mary, tatanggapin niya.’

"Yun ang iniisip ko."

Patuloy na kuwento ng Kapamilya TV host-actress, “Naglakas ako ng loob kasi I was really ready for her to snub me.

“So I said, ‘Happy new year!’ And then she said, ‘Happy new year!"

“'Tapos sinabi ko, may regalo ako.

"And I made sure nakabalot yun ng apple green, her favorite color.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, simple lang yung isinulat ko sa card: ‘Sana handa na ang puso mo na kaibiganin ako ulit.’”

Ibinahagi rin ni Kris unti-unting nabubuksan muli ang magandang komunikasyon sa pagitan nila ni Ai-Ai.

Base ito sa palitan nila ng text messages habang nagbabakasyon si Kris at iba niyang mga kasamahan sa Kris TV sa Japan.

“The next thing was also, I think parang we built a bridge.

“When we were in Japan... remember she had that car like in Twilight, that jeep?

“Lahat ng kasama ko, sinasabi na it was a Wrangler. I said, ‘No, iba ang pangalan niyan sa Pilipinas.’

“So, I texted her and she replied right away. [Sabi niya], ‘Rubicon, friendship, ang pangalan.’”

Ayon pa kay Kris, matagal na rin niyang ipinagdasal na tuluyan silang magkaayos ni Ai-Ai, lalo pa’t isang taon na ang lumipas mula nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Sabi niya, “Magaan na we don’t have to avoid each other kasi 'andami naming mutual friends na hindi malalagay sa alanganin.

“I think it's also a testament talaga kung nasaan kami ngayon sa mga parte ng buhay namin, kaya may maturity na.

“It's an answered prayer!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN