Danica Sotto on Pauleen Luna: “I cannot not respect her.”

Ano ang masasabi ni Danica Sotto-Pingris sa girlfriend ng amang si Vic Sotto na si Pauleen Luna? “She’s nice, she takes care of my dad. She’s very maasikaso, so parang walang reason para sungitan ko siya or anything,” she says.


Sa Pangasinan ipinagdiwang ni Danica Sotto-Pingris at ng kanyang pamilya ang nakaraang Pasko.

Sa nasabing lalawigan kasi nakatira ang karamihan ng pamilya ng kanyang basketbolistang mister na si Marc Pingris.

Noong Bagong Taon naman ay nasa Manila sila kasama ang ama ni Danica na si Vic Sotto.

Pero hindi raw nila kasama ang girlfriend ni Vic na si Pauleen Luna nang kanilang salubungin ang Bagong Taon.

“Nakapag-dinner kami after New Year na. Kasama naman siya,” dugtong ng panganay ni Vic at dating asawa nitong si Dina Bonnevie.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danica Sotto-Pingris sa ginanap na PEPTalk nitong Miyerkules, January 7.


RESPECT FOR PAULEEN. Bagamat hindi sila nagkasama noong Bagong Taon, tiniyak ni Danica na on good terms sila ni Pauleen.

Saad niya, “Okay naman kami.

"As I’ve said, it’s not ideal ‘coz she’s really young."

Si Pauleen ay 26 years old, habang si Vic naman ay 60 na.

Patuloy ni Danica, “Some people find it, like, parang medyo surprising na ang bata, but I cannot not respect her because she’s nice to me.

“She’s nice, she takes care of my dad. She’s very maasikaso.

"So, parang walang reason para sungitan ko siya or anything.

“We have ano naman, parang good relationship naman.

"Civil din kami. Nag-uusap din kami, ganun.

"Nakakasama ko rin siya lumabas, but with my dad."

Pahayag pa ni Danica, maayos din ang relasyon ng kanyang nakababatang kapatid na si Oyo Sotto kay Pauleen.

Read: Oyo Sotto happy about dad Vic Sotto's relationship with Pauleen Luna

“Yung brother ko naman, okay na.

"Hindi lang naman siya yung siya pa yung magyayaya na parang, 'O, tara!'

"And he’s always been that way. He’s always been a private person.

“Siguro yun ang nami-misinterpret ng mga tao na baka sinusungitan niya si Pauleen, pero hindi naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi 'pag nagkikita sila, nagpapansinan naman. Civil sila.

“'Tsaka siguro kasi babae ako, e, so parang mas madali na 'pag nagkita kami ni Pauleen, ‘Oy, o, kumusta…' ganyan.’”


SUPPORTIVE OF DADDY VIC. Wala rin daw kaso kay Danica kung sakaling mapagdesisyunan nina Vic at Pauleen na magpakasal.

Pahayag niya, “As a daughter, my job is to respect and honor my dad.

“To make decisions for him, I cannot do, because it’s not my life.

"Kung gusto niya ikasal, nasa sa kanya 'yon. Wala akong say.

“'Coz I’m not under his care anymore. I’m not as if some little child na, ‘Maa-affect ako kapag ikinasal ka.’

"Kasi, parang I have my own life na rin."

Aware daw si Danica sa sinasabi ng ibang tao na dahil sa malaki ang agwat nina Vic at Pauleen ay mauuwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Paniniwala ni Danica, wala sa edad ang sukatan kung magtatagumpay ang isang relasyon o hindi.

“Minsan sasabihin nila, ‘Sana ka-age na lang ng daddy mo or what…’

"E, kung lolokohin siya, lolokohin din naman talaga siya, 'di ba?

“So siyempre, kung saan siya magiging masaya, dun din lang naman kami.

“'Tsaka life niya nga 'yon.

"Ang pinaka magagawa ko na lang, as a daughter, ay respetuhin siya at ipagdasal siya na mapunta siya sa mga tamang desisyon sa life niya."

Mapapanood si Danica sa upcoming TV5 morning talk show na Happy Wife, Happy Life—kasama sina LJ Moreno-Alapag, RR Enriquez, at Jeck Maierhofer—simula January 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN