LJ Moreno does not want husband Jimmy Alapag to retire from basketball yet

“Kung tanggap ko... parang ayoko muna siyang mag-retire.” Ito ang naging pahayag ni LJ Moreno nang matanong kung ano ang opinyon niya sa planong pagreretiro ng kanyang asawang basketbolista na si Jimmy Alapag.


Inamin ni LJ Moreno na nag-iisip nang tuluyang magretiro sa basketball ang kanyang mister na si Jimmy Alapag.

“Actually, this is the time na inisip-isip na niya [mag-retire].

"Kasi ang ano ni Jimmy, when he exits or when he retires, it's at his own time.

"Hindi yung hindi na siya nilalaro," pahayag ni LJ nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa press conference ng bagong TV5 morning talk show na Happy Wife Happy Life.

Ginanap ang presscon sa Victorino's restaurant sa Scout Rallos, Quezon City, Miyerkules ng gabi, January 7.

Matatandaang lalong namayagpag ang pangalan at basketball career ni Jimmy dahil siya ang naging team captain ng Gilas Pilipinas, ang men's basketball national team, noong nakaraang taon.

Si Jimmy ay naglalaro sa koponan ng Talk 'N Text bilang point guard.

Ano ang opinyon ni LJ sa planong pagreretiro ng kanyang 37-year-old husband?

Natatawang sagot niya, “Kung tanggap ko... parang ayoko muna siyang mag-retire!

“Lagi niyang sinasabi sa interview, 'If it was up to LJ, she wants me to play 'til I'm 50.'

"Kasi pareho kaming competitive.

“Nag-e-enjoy akong manood.

"At saka, promise, after ng game niya, pareho kaming pagod.

"Hello, nakakapagod kayang mag-cheer lalo na 'pag close yung game!"

Tinanong ng PEP si LJ kung ano ang posibleng pagkaabalahan ng kanyang mister kung sakaling magretiro na ito sa paglalaro ng basketball.

Aniya, “Probably coaching or, like, isang dream [namin] is to have a basketball school na talagang to train, talagang intense training with kids.

“Kasi talagang every vacation, we go to the States. Kahit na bakasyon siya, nagti-train pa rin siya.

“He goes to those specialty training places na mga scientific [approach], so magandang ma-share niya 'yon sa mga bata rito.”

HANDS-ON DAD. Speaking of mga bata, natanong din ng PEP si LJ kung kumusta si Jimmy bilang ama sa kanilang dalawang anak—ang two-year-old adopted son nilang si Maximus at ang one-month-old biological daughter nilang si Keona Skye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng actress-TV host, napaka-hands on ni Jimmy at salitan sila sa pag-aalaga kahit sa gabi.

Gayunpaman, hindi raw pinapabayaan ni Jimmy ang basketball practice.

“Kahit na kulang ang tulog niya... kasi Jimmy has always been the type of player na kung ang call time nila 11 A.M., 8 A.M. nasa gym na siya.

“Kasi ang reason niya, he's not as big as the other players, which is true, kasi he's small for a basketball player, 5'10".

"'Tapos sabi niya, 'I'm not as tall as everyone else so I have to work harder.'

"Ever since... kasi sa States siya lumaki, so mas malalaki yung mga tao.

"Now that he have kids, he still wakes up early to practice and do his extra stuff."


SHOWBIZ COMEBACK. Suportado naman daw ni Jimmy ang pagbabalik-showbiz ni LJ, hindi gaya noong buntis pa siya.

Lahad niya, “Nung una, hesitant siya, kasi yung time ko kulang na kulang na sa business.

“Nag-promise ako na iba-balance ko.

"So, ngayon, slowly, ito muna.

“Kung tatanggap ako ng ibang show, kasi na-miss ko nang umarte, e, kaya from time to time, tumatanggap ako MMK [Maalaala Mo Kaya].

“Actually, nung buntis ako, dalawang MMK ang tinanggihan ko, na kahit preggy ako [ibabagay nila yung role].

“Ayaw pumayag ni Jimmy kasi maselan ang pagbubuntis ko.

“Ako naman si may pagka-hyperactive, adventurous, 'No, I can do it.'

"Pero ngayon na nag-start na ito [Happy Wife, Happy Life], supportive naman siya.

"Basta I have to be careful na naba-balance ko ang time."

Twice a week daw ang taping nila para sa Happy Wife Happy Life, kung saan makakasama ni LJ bilang hosts sina Danica Sotto-Pingris, Jeck Maierhofer, at RR Enriquez.

Magsisimula itong umere sa January 19, Lunes hanggang Biyernes, 10:30-11:30 ng umaga, sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN