Jennylyn Mercado did not expect MMFF Best Actress award for English Only, Please

Jennylyn Mercado on winning Best Actress award: "Lagi ko ngang sinasabi na masaya na ako na lalabas sa sinehan yung mga tao na masaya, hindi nasayang yung ibinayad nila, kuntento sila dun sa istorya, tumatawa, na-in love sila. So, iyon, ako okay na ako dun. Wala nang expectations."


Hindi raw inasahan ni Jennylyn Mercado na siya ang tatanghaling Best Actress sa nakaraang Gabi ng Parangal ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nagwagi si Jennylyn para sa kanyang pagganap sa romantic-comedy film na English Only, Please.

Read: Jennylyn Mercado wins MMFF Best Actress

Sabi ng Kapuso actress, “Hindi po. Lagi ko ngang sinasabi na masaya na ako na lalabas sa sinehan yung mga tao na masaya, hindi nasayang yung ibinayad nila, kuntento sila dun sa istorya, tumatawa, na-in love sila.

“So, iyon, ako okay na ako dun. Wala nang expectations.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa presscon ng bagong Kapuso primetime series na Second Chances, noong Martes, January 6, sa GMA Network Center.

May part two ba ang English Only, Please?

“Sana, malay natin, ‘di ba?” tugon ni Jennylyn.

Kanino siya kinabahan sa mga nakalaban niyang aktres?

“A, Vina!” pagtukoy niya kay Vina Morales na bahagi ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

May bonus ba siya from the producers? After the awards night kasi ay mabilis na umakyat sa number four spot ang kanilang pelikula sa takilya.

“Ay, oo! Oo naman,” pagkumpirma ni Jennylyn.

Pero itinanggi niyang tataas na ang talent fee niya dahil nanalo siya ng acting award.

RAYMART SANTIAGO. Sa Second Chances ay makakasama muli ni Jennylyn si Raymart Santiago.

Una silang nagkasama sa Futbolilits noong 2011, at doon din sila unang na-link sa isa’t isa.

Kaya hindi na raw magtataka si Jennylyn kung muli na naman silang ma-link ni Raymart.

“Kasi ano noon, ‘di ba, nagkaroon na ng issue?

“Pero alam naman ng lahat na hindi totoo, pero okay lang.”

Si Raymart daw ang nagpakilala sa kanya sa triathlon.

“Siya ang nagpakilala sa akin sa team ko ngayon, kasi team niya yun dati.

“’Tapos siya ang nagpasok sa akin dun sa ano na yun, kaya ako nag-triathlon dahil sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero wala raw anumang namamagitan sa kanila ni Raymart.

Loveless daw si Jennylyn ngayon.

“Walang time, e,” sabi niya.

Pinaninindigan din ni Jennylyn na hindi totoong nanliligaw ulit sa kanya ang ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN