Rafael Rosell denies rumored breakup with Olivia Medina

Rafael Rosell on New Rear’s resolution: “’Pag may gusto akong baguhin sa sarili ko, binabago ko na, e, sinisimulan ko na yung proseso. Hindi na kailangan ang okasyon para magbago, ‘di ba?”


Itinanggi ni Rafael Rosell ang balitang break na sila ng kanyang girlfriend na si Olivia Medina.

Sabi ng Kapuso actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Magkasama kami nung New Year. Pumunta kami ng Cebu with the family.

“Ang alam ko, magtsa-China yata siya sa March, e.”

May kinalaman sa pagiging modelo ni Olivia ang pagbibiyahe niya sa iba’t ibang bansa.

Nagsimula ang isyung break na sina Rafael at Olivia dahil sa isang Instagram post ng modelo na “heartbroken” daw siya.

Sabi ni Rafael tungkol dito, “I think nasa kanya-kanyang interpretation, e… so diyan ninyo pala nakuha yun.

“Lahat tayo may pinagdadaanang heartaches, whether sa relationship o sa family.

“And yung post niya na yun, nasa interpretation na ng mga tao.”

Nagsimula ang relasyon nina Rafael at Olive noong bandang huling bahagi ng 2013. Nagkakilala sila sa pamamagitan ng Instagram.

Nakausap ng PEP si Rafael sa presscon ng kinabibilangan niyang primetime series, ang Second Chances, na ginanap noong Martes, January 6, sa GMA Annex Building.


CHRISTMAS IN CEBU. Nitong nakaraang Pasko ay ang pamilya ni Rafael ang kasama niya sa isang isla sa Cebu.

Lahad niya, “Isolated, sa Badian Island.

“Sabi kasi nila Mommy na gusto nilang mag-celebrate ng Christmas somewhere south sa Cebu, dahil lagi kaming nasa north, e, sa Daanbantayan.

“So, nung tsinek namin south of Cebu, isa yun sa mga attractions dun. Ang ganda ng islang yun!”

Patuloy ni Rafael, “New Year, Cebu City, sa rooftop namin sa isang condo dun dahil 36-degree view siya ng buong city, e.

“So, nakita namin puro fireworks. Nakita namin kung sino ang medyo maaga, kung sino ang medyo late.”

Ano ang Christmas gift nila ni Olivia sa bawat isa?

Ayon kay Rafael, “Kami kasi, actually sa family din, it’s not your conventional, it’s not your regular celebration, e.

“Dahil para sa amin kasi, hindi namin birthday, birthday kasi ni Jesus, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yung focus namin ay magsama-sama dahil yung holiday season na ito, isine-celebrate yun sa pagsasama ng pamilya.

“Ito rin ang pagkakataon na libre lahat sa schedule nila kaya sabay-sabay kaming libre para makapag-celebrate.

“So, yung mga gift-gift na ‘yan, it’s not so much about material things, e.

“It’s more about the gift of love.”


LETTERS IN A JAR. Kakaiba raw ang Christmas gift ni Rafael kay Olivia.

“Yung ibinigay ko sa kanya was a jar filled with love letters, na isinulat ko.”

Hindi na matandaan ni Rafael kung ilan lahat ang mga sulat, basta ginawa raw niya iyon ng buong buwan ng December.

“Ni-roll ko, parang ninja scrolls, so maraming kasya dun sa jar.

“Dahil hindi mo mabibili yun, e.

"Yung mga materyal na bagay, next year, maaalala mo ba lahat ng materyal na bagay na nakuha mo?

“Yung experience, yung experience na lang.

“Yung mga materyal na bagay kasi, hindi namin masyado ano, e.

“O maliliit na bagay na malaking halaga sa akin,” saad niya.

Punda o pilow case naman daw ang iniregalo sa kanya ni Olivia.

“Ng paborito kong theme, which is nature.”

Tuwing matutulog daw siya ay gamit niya ang naturang pillow case kaya parang kasama na rin niya palagi si Olivia.

“Exactly! ‘Di ba? May mga sentimental values ang ibinibigay namin.”

Binigyan din daw siya ni Olivia ng mga libro na hilig ni Rafael.

“Basta bagong knowledge para sa akin.”

NEW YEAR’S RESOLUTION. Natanong naman ng PEP si Rafael kung naniniwala siya sa New Year’s resolution.

“That’s a good question, actually!” bulalas niya.

“It depends kung paano mo iaatake yung resolution, e.

“Dahil a lot of people, ‘pag sinasabing New Year’s resolution, the moment na mag-twelve midnight, feeling nila, dun na sila magbabago, e.

“But change takes time, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So you can’t say... So, kung gusto mo New Year magbago, dapat nagsimula ka na ng November.

“Dahil kung ano, mabe-break lang talaga.

“And they say a resolution is made to be broken or promises are made to be broken dahil you didn’t plan it properly.

“So, you didn’t want it as much.

“’Pag may gusto akong baguhin sa sarili ko, binabago ko na, e, sinisimulan ko na yung proseso.

“Hindi na kailangan ang okasyon para magbago, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN